Chapter 7

3182 Words
"Ayoko dito. Pare-pareho lamang kayo!" Ang sigaw ni John habang nagmamadaling binuksan ang pinto ng sasakyan. Kitang-kita niya ang pagkunot ng noo at ang pamimilog ng mga mata ng binata tanda ng pagkagulat sa ginawa niya. Ngunit wala siyang pakialam roon. Ang mahalaga sa kanya ay ang makaalis na. Sinuong niya ang malakas na ulan. Wala na siyang pakialam kung mabasa man siya ang mahalaga ay makaiwas siya kay Jonard. Nanginginig siya at luhaan habang naglalakad sa gilid ng lansangan. Bumabalik na naman ang alaalang matagal na niyang ibinaon sa limot. Ang ginawang pagdala ni Jonard sa kanya sa isang hotel ay bagay na nagpabalik sa kanyang gunita sa nakaraan. Ayaw niyang pag-isipan ng ganoon ang binata. Ngunit kung nakayang gawin iyon sa kanya ng tiyuhin niyang babuyin siya gayung magkapamilya sila nito, paano na lang si Jonard na ibang tao? May nadaanan siyang parke. Pumasok na muna siya at naupo sa isang sementong upuan. Wala pa ring humpay ang ulan kasabay ng mga luha niya sa mata. Masyado siyang nanliit sa sarili. Isinilang ba siya sa mundo para gawing parausan? Ayaw niya sanang lahatin, ngunit ang ipinapakitang kabaitan sa kanya ni Jonard ay ganoon na ganoon din ang ipinakita noon sa kanya ni Lando. Kinuha muna nito ang kanyang tiwala bago nito isakatuparan ang masamang binabalak. Hirap ng magtiwala. Sa tulad niyang may isang mapait na nakaraan, parang napakahirap sa kanya ang magtiwala muli. Trauma. Iyon ang sa tingin niya ang tawag doon. Kung may pinagkakatiwalaan man siya ngayon maliban sa kanyang sarili iyon ay sina Shawie at Fred. Biglang tumigil ang pagpatak ng ulan sa kanyang balat ngunit batid niyang patuloy pa rin ito sa pagbuhos. Nang siya'y tumingala bumungad sa kanya ang bulto ni Jonard. May dala itong payong. Pinasukob siya nito. "Anong ginagawa mo rito. Pwede bang umalis ka na...!" Pagtataboy niya sa binata. " Hindi sinunod ni Jonard ang pakiusap niyabagkus, tumabi pa ito ng pag-upo sa kanya. Gusto na sana niyang umalis sa kanyang kinaroroonan para makaiwas na sa binata ngunit parang may pwersang pumipigil sa kanya para manatili pa roon. Kaya ang ginawa na lamang niya ay ang umusog para hindi magkadikit ang kanilang balat. Napansin naman ni Jonard ang pag-iwas na iyon ni John sa kanya na siyang nakadagdag sa labis niyang pagtataka. Hindi niya lubos itong maintindihan kung bakit bigla na lamang itong naging hysterical nang huminto sila sa tapat ng hotel. Ang masaklap pa ay bigla na lamang itong umalis at sinuong ang malakas na ulan. Sa labis na pag-aalala niya, bumaba rin siya ng kotse at nanghiram ng payong sa i gwardiya at sinundan si John upang kausapin ito. Kung tutuusin, isang kabastusan iyon para sa kanyang talikuran siya nito dahil wala naman siyang alam na masamang ginawa kundi ang magmagandang loob. Ngunit sa sinabi nitong, "pare-pareho lamang kayo" ang nagdulot sa kanya ng matinding kalituhan. Kung tama ang instinct niya, marahil may pinagdadaanan si John at iyon ang gusto niyang malaman. Labas na sana siya sa ganyang usapin o sa anumang pinagdadaanan nito ngunit hindi niya maaatim na hahayaan na lamang ang binata. Masyado pang maaga para aminin. Ngunit alam niyang walang pinipiling oras at panahon ang pag-ibig. Mahal niya si Tisoy. Pagmamahal na higit pa sa nararamdaman niya kay Lance. Pagmamahal na hindi niya pinag-aralan o natutunan. Isang pagmamahal na kusa niyang naramdaman at hindi pinag-isipan sa kung ano ang dahilan. "Hindi kaya ng konsensiya ko na iwan kita dito sa ganyang kalagayan. Now, just tell me kung ano ang problema mo at baka may maitulong ako!" "Wala akong problema. Kung meron man, bakit ko naman sasabihin. Ano ba kita. Hindi naman tayo magkaano-ano!" Nakayukong tugon sa kanya ni John. Sa himig pa lang ng boses nito batid niyang may pinagdadaanan nga ang tisoy niya. "Ano pa nga ba sa tingin mo. John, please listen, nang nagawa mong tawagin ako sa pangalan ko at ako naman sa'yo, inisip kong magkaibigan na tayo. Malinis ang hangarin ko sa'yo. Marahil wala akong alam sa kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon o sa kung ano man ang bumabagabag sa'yo pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon para maipadama na hindi ka nag-iisa. I'm here to lend a shoulder on you" "At bakit mo naman gustong makipagkaibigan sa akin? Sa hitsura mo pa lang, alam kong nanggaling ka sa isang marangyang pamilya. Diba kayong mga mayayaman ay maraming ng mga kaibigan? Bakit ako na isang hamak lang na tindero ng mga bulaklak ay gusto mong mapabilang sa iyong mga kaibigan?" "Kailangan ba na tinitingnan muna ang estado ng isang tao bago mo masabing gusto mo siya maging kaibigan? Marahil iyan ang tingin mo sa aming mayayaman pero sana huwag mong lahatin. I want to make myself an exception. I want to prove myself na naiiba ako. I LIKE YOU no matter who you are!" Ang pahayag ni Jonard. Marahil bilang isang kaibigan ang pagkakaunawa noon ni John ngunit para kay Jonard simula na iyon ng pagpaparamdam niya ng pagtatangi sa binata. Sa sinabing iyon ni Jonard ay parang nabuksan naman ang puso at isip ni John na muling magtiwala. Matagal na niyang isinara ang pinto sa iba. Nagawa naman niyang makipagkaibigan ngunit iyong may tiwala ay matagal na niya iyong ipinagkait nino man. Tanging si Shawie na lamang at Fred ang pinaghahandugan niya ng kanyang tiwala. Ngunit heto, dumating si Jonard sa buhay niya nang hindi inaasahan. Isang estranghero na nagpupumilit na pumasok sa buhay niya na unti-unting tumutupok sa harang na ginawa niya upang sana'y mapaninindigan ang kanyang pagiging Adan. Isang taong pagdadamutan niya ng kanyang tiwala. Ngunit mukha yatang bigo siyang gawin iyon. Sa narinig niyang sinabi nito, may kung kakaibang hagod iyon sa kanyang kaibuturan na humaplos sa matigas na nitong puso upang ito'y palambutin at bumulong na magtiwalang muli sa taong hindi pa niya ganoon kakilala.  Ngayong tinatanong ng binata kung ano ang nangyari sa kanya at kung bakit siya naging hystirical nang dalhin sana siya nito sa hotel, handa ba siyang sabihin sa lalaki ang mapait niyang nakaraan? Kaya ba nitong paninindigang maging kaibigan nito sa kabila ng pagiging alanganin niya? At minsa'y naging parausan ng itinuturing niyang isang kapamilya? Hindi niya alam, naguguluhan siya. Hanggang sa kusa na lamang bumuka ang kanyang bibig at natagpuan na lamang niya ang sariling ikinwento sa binata ang mapait niyang mga karanasan. Sa narinig na kwentong iyon ni Jonard mula kay Tisoy. May kung anong humaplos sa kanyang puso na siyang nagpatindi sa kanyang pagmamahal sa binata. Doon rin niya napagtanto ang lahat na kung bakit ito naging hystirical at nahihirapang magtiwala sa kanya. Biktima pala ito ng pang-aabuso noong kabataan nito na nauwi sa isang trauma. "Ngayong alam mo na, maari ka nang umalis. Pwede mo na akong iwang mag-iisa!" Narinig niyang pagtaboy sa kanya ni Joh. Nakayuko ito habang pumapatak ang mga luha sa lupa kasabay ng pagbuhos ng ulan. Nakita pa niya ang panginginig ng nakakuyom nitong mga palad gawa marahil sa lamig ng tubig-ulan o di naman kaya'y sa matinding galit nang maungkat ang mapait nitong sinapit. "Ano, ba't nandiyan ka pa?" Pasigaw na iyon ni John nang hindi pa rin tumalima si Jonard. Ngunit sa halip na umalis. Tahimik itong tumayo at nagtungo sa kanyang harapan. Nakita niyang hinubad nito ang suot na itim na coat. Tanging puting longsleeve na lamang ang naiwan at dumikit pa sa matipuno nitong katawan dahil sa nabasa ito sa ulan. Maya-maya lang, ikinumot nito sa kanya ang hinubad na coat. Hinawakan siya nito sa kamay at niyakag na tumayo. Sumunod naman siya. Nakatayo na silang pareho at nakaharap sa isa't isa. Mas matangkad nang kaunti sa kanya si Jonard. Dumampi ang dalawang palad nito sa kanyang mukha at pinahid ang mga luhang nagbagsakan sa kanyang mamula-mulang pisngi. Kasabay ng paghaplos na iyon ng binata sa kanyang pisngi, naramdaman niyang tumagos ito hanggang sa kanyang puso. Tuluyan nang nabuwag ang harang nito roon. Sapat na ang pananatili ng binata sa kanyang tabi para pagkalooban niya ng kanyang tiwala. Ngunit hanggang doon lang ang lahat. Tanging pagkakaibigan lamang ang meron sila. Inaamin niyang nararamdaman niya ang sumisibol na pagmamahal niya para sa binata pero buo pa rin ang pasya niya. Kailangan niyang paninindigan ang pagiging Adan. Ayaw niyang umibig sa kapwa niya lalaki o kahit sa babae man. Uunahin na muna niyang kamtin ang mga pangarap niya. Isa pa, inisip niyang malabo namang magkakagusto sa kanya ang binata. Hindi naman niya ito naamoy. Sa actuations nito at pananalita wala naman itong bahid ng pagiging alanganin. Tanging pakikipagkaibigan lang talaga ang pakay nito sa kanya na kanya namang ibinigay. Nang matapos pahirin ni Jonard ang mga luha niya sa mata ay siya namang pagsilay ng isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Hudyat iyon na nakuha na nito ang kanyang pagtitiwala at ang pakikipagkaibigang hinahangad nito. "Ayan, ngumiti ka na rin. Dapat ganyan lagi, sayang naman iyang kagwapuhan mo kung lagi kang nakasimangot!" Nakangiting sabi ni Jonard sa kanya. "Makipagkaibigan na nga lang, mambola pa!" ungot naman niya. Bumalik na muli sila sa kotse ni Jonard na naka-park sa tapat ng hotel. Hindi na siya nito muling inaya pa sa loob dahil batid nitong may trauma siya. Humupa na ang ulan. Ihahatid na siya nito sa kanilang tinitirhan. Bago pa man paandarin ni Jonard ang kotse ay nagpaalam muna ito sa kanyang magbihis. Pinagbibihis din siya ng lalaki para para maiwasang magkapulmonya. Ngunit tumanggi si John. Paano siya makapagbihis gayong wala naman siyang dalang ekstrang damit? Nakita na lamang niyang may kinuhang paperbag ang binata mula sa likuran nito at may laman itong dalawang t-shirt Inabot nito ang isa sa kanya. "Magbihis ka na rin para hindi ka matuyuan!" Ang sabi lang nito sabay hubad sa basang longsleeve. Lumantad sa paningin ni John ang nakakapang-akit nitong katawan na para bang sadyang nililok ng isang batikang iskultor. Ang maumbok nitong dibdib. Ang six packs nitong abs. At ang may katamtamang laki nitong mga biceps. Napaka-flawless rin ng maputi nitong balat na daig pa ang isang modelo sa isang clothing line. Hindi niya naiwasang napatitig dito. Napapalunok siya lalo pa't nakita niya ang pinong balahibo nito sa kilikili na siyang lihim na nakaka-attract sa kanya sa isang lalaki. "Titig ka na lang ba diyan o antayin mong ako pa ang magbibihis sa'yo" Natatawang banat sa kanya ng binata nang mapansin nitong titig na titig siya habang ito'y nagbibihis. Agad din namang naghubad si John ng damit upang isuot ang ipinahiram sa kanyang t-shirt ni Jonard. Napalunok naman si Jonard habang panakaw na sinulyapan ang katawan ni Tisoy. Hindi man sing ganda ang katawan nito sa katawan niya ngunit sobrang puti at kinis naman nito. May hubog naman ito, iyong katawang pangkama at kung sakali mang makahiligan nito ang mag-gym paniguradong lalabas ang pagiging sexy nito. Napalunok siya. Habang binabaybay nila ang kahabaan ng highway ay pinaandar ni Jonard ang car stereo upang hindi sila gaanong mabagot sa usad-pagong na daloy ng mga sasakyan. YOU KNOW OUR LOVE WAS MEANT TO BE THE KIND OF LOVE TO LAST FOREVER AND I WANT YOU HERE WITH ME FROM TONIGHT UNTILL THE END OF TIME Nahuli ni John na nakatitig sa kanya si Jonard. Iyon bang titig na parang nakita mo ang crush mo noong hayskul. Hindi siya mapakali. Kahit hindi niya aminin pero alam niyang nadadala na siya lalo pa't sinasabayan ito sa isang saliw ng kanta. "Ilipat mo nga yan, Jonard!" Kunwaring naiirita niyang sabi. Sabay tingin sa labas ng bintana. YOU SHOULD KNOW EVERYWHERE YOU GO "Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" Tugon naman nito at sinabayan pa talaga ang pagkanta. Infaireness may boses ang kumag. "Ang baduy kaya. Ikaw ba hindi nababaduyan? "Ba't naman? Maganda nga e!" At sumabay pa ulit sa pagkanta. ALWAYS ON MY MIND IN MY HEART IN MY SOUL BABY..... At dahil talagang nasaid na ang pagkairita ni John ay bigla niyang pinindot ang tuning ng stereo at biglang nailipat ito sa ibang istasyon at halos maluha siya sa katatawa sa bagong tugtug na pumailanlang na ikinakunot ng noo ng lalaki. LORD PATAWAD PAGKAT AKO'Y MAKASALANAN MAKASALANANG NILALANG....LORD..LORD "Oh, bakit ka tumigil, akala ko ba'y gusto mo pang magconcert?" Kagat-niya ang labi upang pigilan ang matawa sa nakitang itsura ng binata na animoy natalo sa sabong. "Panira ka naman e. Ayos na sana yong moment. Baduy daw. E, sa mas baduy ang kantang iyan. Themesong ng mga lasinggero!" Pagmamaktol nito na parang batang paslit. Hindi naman sa ayaw ni John nung kanta. Pero may kakaiba kasi iyong hatid sa kanya na mas lalong nagpatindi sa nararamdaman niya sa binata. "Sorry na po. Hindi na mauulit!" Si John nang mapansing hindi na siya iniimikan ng binata kahit na sinabi niyang isang biro lamang iyon. Mukhang sineryoso nga nito ang biro niya. "Po ka diyan. 23 lang ako uy. Kung maka 'po' naman 'to, oh!" "E, mas matanda ka pa rin. 18 lang ako, tapos 23 ka so po pa rin" Iyon lang at seryoso na muling pinatakbo ni Jonard ang kotse hanggang sa inihimpil na nito sa isang eskinita papasok sa kanilang tirahan. Hindi kasi iyon pwedeng madaanan ng sasakayan maliban sa mga padyak. "Nagtatampo ka pa rin ba?" Ang tanong ni John bago ito bumaba. "Huwag ka ng magtampo uy, to naman, oh. Para yun lang!" Hindi pa rin kumibo si Jonard sa halip bigla siya nitong kiniliti nang kiniliti. Hindi naman maimpit sa katatawa si John habang nagpupumiglas. Nang makahanap ng tiyempo, nakipagkilitian na rin siya. Mistula silang mag-sing-irog sa ganoong ayos kung may ibang tao mang makakakita sa kanila. Hanggang sa tumigil na rin sila gawa ng sila'y napagod ng pareho. "Ingat Tisoy" Narinig niyang wika ni John nang buksan na niya ang pinto. "Ingat ka rin, Jonard!" Ang tugon naman niya sabay ngiti rito. Binabaybay na niya ang daan papasok sa kanilang bahay at namumutawi pa rin ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Sobrang dami lang ng nangyari sa kanya sa araw na iyon na hindi niya inaasahan. Isa na roon ang pagiging magkaibigan nila ni Jonard na lihim na niyang mahal kahit pa pinipigilan niya ito. Sapat na ang pagiging kaibigan nila. Kahit may tiwala na siya sa lalaki pero kailangan niyang mananatili sa ganoong level ang kanilang samahan. "Uy, ginabi ka yata papa John?" Narinig niyang tanong ng isa sa mga baklang nasa umpukan. Nag-iinuman ang mga iyon na kadalasan nilang ginagawa kapag ganoong oras ng gabi. Bonding kumbaga kahit katitila pa lamang ng ulan "Stranded kasi sa ulan" Simpleng tugon niya. "Sabay ka na sa amin, kahit sandali lang Papa John!" Singit naman ng isang dambuhalang bakla. "Salamat na lang po. Hinahanap na kasi ako nina Ate Shawie" tanggi naman niya. "Hay naku teh, wag ka na, Lus Valdes ka na sa beauty ng retokadang vaklush na iyon!" "At bakit? Kung kaya niyang buhayin si Papa John ko. Mas lalo naman ako. Di hamak na mas marami akong bank account sa kanya 'no. Diba Papa John?" Sabay pagbi-beautiful eyes nito sa binata. Natawa naman si John sa inasta ng mga baklang iyon. Kahit papaano napapangiti siya ng mga iyon sa araw-araw. Sanay na siya na kapag ganoong dumadaan siya sa bahaging iyon ng eskinita ay pinaparinggan siya ng mga ito ng pagkakagusto sa kanya. Paano na lang kaya kung malaman ng mga iyon na ang pinagpantasyahan nila ay kauri lang din nila, bagamat magkaiba ang ayos nila, kilos at pananalita ngunit sa niloloob niyon ay pareho lamang sila ng gusto. Ang kaibahan lang ay hindi na siya umaasa o nangangarap na may isang lalaking magmamahal sa kanya. Pagdating niya sa kanilang bahay ay may nakahanda ng pagkain para kanya. Agad siyang kumain at pagkatapos ay hinugasan niya ang pinagkainan saka nagtungo sa banyo para maligo. Bago niya inilagay sa laundry basket ang tshirt na pinasuot sa kanya ng binata ay nagawa pa muna niyang amoy-amoyin ito. "Nababaliw na ba ako?" Saway niya sa sarili nang bumalik na sa sariling katinuan. Matapos niyang maligo ay pumasok na siya sa kanyang kwarto. Medyo palalim narin ang gabi kaya ninais na niyang mamahinga. Ngunit sadyang hirap siyang igupo ng antok. Alam niyang pagod siya pero kayhirap lang talaga niyang makatulog. Sa tuwing ipikit niya ang kanyang mga mata ay larawan ni Jonard ang rumirehistro sa kanyang utak. Lahat ng posisyon sa paghiga ay ginawa na niya ngunit iyon pa rin. Ang mga naging kulitan nila ni Jonard ang patuloy na naglalaro sa kanyang isip. Ang nakakalunod nitong ngiti, ang nakakalusaw nitong mga titig at ang nakaakit nitong katawan. "s**t!" Nasapo niya ang sariling noo. Parang hindi na nga niya kayang itama ang pagkataong meron siya. Bumangon siya sa kanyang higaan at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Pinakiramdaman niya ang sarili. Hindi pa rin niya nararamdaman ang antok. Ang itsura pa rin ni Jonard ang lumilitaw sa kanyang balintataw. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Iniisip din kaya niya ako? Mga tanong niya sa kanyang isip na sa tingin niya isang kahibangan ngunit hindi niya maitatwang umasa na iniisip rin siya ng lalaki. Tinignan niya ang kanyang cellphone. Nagbabasakaling nagtext sa kanya si Jonard. Nagtext? Paanong makapagtext ni hindi nga nito alam ang number niya. Bigla siyang lumabas. Naisipan niyang mag internet na lamang baka sakaling dalawin siya ng antok. Ngunit ang pakay talaga ng utak niya ay upang i-search ang binata sa f*******: at i-add ito. Ngunit paano niya iyon mahahanap, tanging pangalan lang ang impormasyong alam niya sa binata. Bahala na. Nasa loob na siya ng internet shop. Naabutan niya roon si Fred na kasalukuyang nakipag-chikahan sa nagbabantay dito na isa ring ka-pederasyon. Natigil pa nga ito sa pagtsi-tsismisan nang makita siyang pumasok. "Hay naku, Tisoy for 48 years naisipan mo ring mag-online. Nga lang, wala ng bakante!" Si Fred na naghihintay na may mabakanteng unit. "Ganun ba, malas naman oh. Wala na ba talaga? Baling niya sa nagbabantay ng shop. "Five minutes pa, kaso ako na ang susunod. Nagbayad na nga ako" Si Fred ang sumangot. Napakamot naman sa batok si John. "Fred, pwede bang ako muna, 15 minutes lang" "Oo nga naman Fred, 15 minutes lang naman hinihingi ni Tisoy eh!" Ang sabi ng baklang attendant na halatang may gusto sa kanya. At hindi na talaga nito hinintay pa na sumagot si Fred. Nang makita nitong tumayo na ang isang lalaki dahil tapos na ang oras nito ay kaagad nitong hinila si John at pinaupo sa harap ng kababakante pa lamang na unit upang hindi na makapalag si Fred. "Bruhang 'to talaga oh. Basta gwapo ay pinasisingit kahit kararating pa lang. Samantalang ako na 24 hours ng naghihintay rito ay tsupey ang beauty, kaloka!" Pagmamaktol ni Fred na ikinangisi naman ni John. Kinindatan pa talaga niya iyong attendant dahilan upang ito ay parang hihimatayin sa sobrang kilig. "Hayaan mo na, teh. Dadagdagan ko na lang ng kalahating oras ang binayaran mo. At may ichi-chika pa ako sa'yo tungkol sa crush mong boylet diyan sa kabilang kanto!" Narinig niyang pang-aalo nung attendant kay Fred para matigil na ito sa karereklamo. Matapos niyang mag log-in sa f*******: ay agad niyang itinaype ang pangalang Jonard sa search button ngunit dahil sa hindi niya alam ang apilyedo nito, sangkatirbang Jonard ang lumabas sa screen at baka aabutin siya ng umaga kung isa-isahin niyang tingnan ang mga iyon. Mag-la-log-out na lang sana siya nang biglang may nagpop-up na mensahe sa kanyang inbox. Tiningnan niya muna iyon. "I added you already, kindly accept na lang tc!" Nanggagaling iyon sa isang nagngangalang Onad Gil Mercado. Dahil sa na-curious siya. Ikinlick niya iyong maliit na litrato upang mapagsino kung sino ang taong iyon. At nang rumehistro sa screen ang profile nito. Para namang iniluwa ang kanyang puso sa sobrang tuwa nang makilala niya ang taong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD