7

1465 Words

"YES!" Sobrang galak na sigaw ni Ace. "Sure ka ba na sinasagot mo na ako, Bern?" Hindi pa rin siya makapaniwala na umabot ng isang taon ang panliligaw niya sa dalaga at sa wakas nga ay sinasagot na siya ng dalaga. Mabilis na tumango si Bern. "Oo nga! Nakakaawa ka na kasi. Para naman hindi mo na ako kukulitin araw araw." Humalukipkip siya sabay irap na tumawa ng mahina. Mahal na rin niya ang binata. Sobrang tiyaga nito na hindi man lang natinag sa panliligaw sa kanya. Isang taon ang hinintay niya para sagutin ito. Dahil gusto niyang patunayan sa sarili na karapat dapat si Ace sa kanya. Ngumiti ng malawak si Ace. "Anong sabi mo?" Hinawakan niya sa magkabilang balikat ito at pilit na inihaharap sa kanya. "Ayaw mong humarap, ha. Sige." Dumapo ang mga kamay ng binata sa kanyang tagiliran.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD