INIUWI nila Irene at Ace si Bern sa condo niya. Mayroong dalawang kuwarto, kaya nagpasya siyang doon lang patulugin sa kabilang kuwarto ang pinsan. "Pa'no, Irene, uuwi na ako. Ikaw na ang bahala kay Bern. Lasing na lasing at tiyak na 'pag inuwi natin siya sa kanila ay baka mapagalitan ni Tita Gretel," litanyang paalam ni Ace. Naglakad palapit si Irene sa binata. "Magkape muna tayo. Maaga pa naman." Tinignan ni Ace ang relo kanyang wrist. Ala una na ng madaling araw. Kailangan na niyang makauwi. "It's late already. May pasok din ako sa trabaho ko." "Sayang naman. May inihanda pa naman akong masarap na desert," kumbinsi ni Irene na hindi inaalis ang malagkit na titig kay Ace. Sa huli ay nagpaunlak ang binata sa paanyaya ni Irene sa kaniya. Pero gustong gusto na niyang makauwi. May ib

