CHAPTER 23 Sa mga araw na nagdaan na wala si Vincent ay walang araw na hindi kami magka video call. Ilang beses akong inaya ng dalawa na pumunta ng bar para uminom pero araw- araw din akong tumatanggi sa kanila. Kaya hindi na siguro nakatiis ang dalawa at baka nagtataka na kung bakit puro tanggi na ako sa kanila, eh, dati naman ay kapag bar at inuman hindi talaga ako tumatanggi kung kaya pa ng katawan ko. Pinuntahan na ako dito ng dalawa at kasalukuyan kaming umiinom ngayon. Kung tatakas akong mag bar ay hindi ko rin magawa dahil gabi- gabi tumatawag si Vincent, minsan nga ay madaling araw na kami tumitigil. "Bakit halos hindi ka na lumabas ng bahay mo, Gianna? Nagtataka na kami sa 'yo, ah?" tanong ni Chloe sa akin habang inaayos niya ang mga inumin namin sa mesa. Bumili kami kanina s

