CHAPTER 22 ( SLIGHT SPG ) May ngiti ako sa aking mga labi habang kumakain ako nang mabasa ko ang kanyang mensahe. I stalked his f*******: account. Kaunti lamang ang kanyang mga pictures na nandoon. Nasa tatlo lang yata ang kanyang profile picture, ang kanyang mobile uploads naman ay bilang na bilang lang din. Ang kanyang profile picture ngayon ay mukhang stolen shot pa. Nakasuot siya ng shades at nakaside view. Nasa bundok siya at may hawak na isang black na mug. Kaunti lang din ang kanyang mga friends pero maraming mga followers ang kanyang account. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa taas upang maligo. Wala akong ibang ginawa maghapon kung hindi matulog at mag scroll lang sa mga social media accounts ko. Mukhang hindi pa yata tapos ang meeting ni Vincent dahil hindi pa naman si

