Note : Wala munang BS, okay? I mean wala pang detalyadong Bed scene hehe. Hindi pa ako ready, maybe next chapter? Or sa Chapter 6 nalang promise yan hahaha.
Nagmulat ako ng mata at napahawak sa ulo. Sobrang sakit ng ulo ko ayaw ko ng uminom! Sobrang nalasing ba ako kagabi?
Napaupo ako bigla sa gulat ng may maramdaman akong kamay sa dibdib ko!
"Waaaaah! Bastos! Manyak!" Sigaw ko habang hinahampas sya ng unan, pero natigilan rin ako ng manakit at kumirot ang pempem ko.
Hala! Hindi na ako virgin?!
"I was your first, so thank you so much. Akala ko talaga nagtalik na tayo, pero bakit nga ba hindi?" Tanong pa nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Hayop ka! Ginamit mong advantage ang kalasingan ko. Happy ba? Anong feeling ng nakatira nang virgin?"
"Asawa mo naman ako kaya ayos lang." Sabi pa nito bago tumayo at walang hiya-hiya kahit wala pa syang saplot. Nagsuot sya ng boxer at short nya bago ako iniwang tulala.
Anong gagawin ko ngayon? Nakuha na nya ako. Nakakainis talaga sya. Hinding-hindi ako magpapa-apekto sakanya. Iisipin ko nalang na One night stand lang yon. One time big time kumbaga, pero wala ng kasunod yon.
Nadatnan ko syang nagluluto sa kusina pero walang saplot pang-itaas. "Ano iflex talaga ang abs sakin? Wag kang feeling masarap Duce. Oo nakuha mo ako, pero wala lang sakin yon." Inis na sabi ko sabay irap rito.
"Ang dami mong satsat. Halatang apektadong apektado ka sa nangyari ah? Wala lang ba sayo? Are you sure Ami? I'm sure naman na gusto mo rin, at gusto mo pa." Pagmamalaki pa nito.
"Ang yabang mo talaga!" Galit na sigaw ko bago sya iniwang tawa ng tawa.
Wala ako sa mood makipag bangayan sakanya. Madali lang ako mapikon kaya hindi na ako papatol pa sakanyan. Lumalabas lang na talo ako dahil ang asar ay talo.
Napabuntong hininga na lamang ako. Sana kasi naging mabuting asawa nalang sya sakin. Sana masaya kami, at baka nga may anak na kami ngayon. Hindi kami nagtalik ni Duce dahil wala sya lagi sa bahay araw man o gabi. Hindi rin naman ako nagpantasya sa katawan nya noon eh. Ang mahalaga lang sakin noon ay ang makita syang umuwi sakin.
Uwian lang nya ako pakiramdam ko ako na ang napakaswerteng babae sa lahat.
"Sino kaba?!" Agad akong napatakbo pababa sa kusina ng marinig ang malakas na sigaw ni Duce.
"Anong proble--" Natigilan ako. "Joyce? Joyce Montemayor?" Gulat na tanong ko ng mamukaan ang babaeng sexy, maganda at puno ng kolorete ang mukha.
Sya nga, wala paring pagbabago. Ahas parin na pagala-gala sa syudad.
"Anong ginagawa mo rito?" Mataray na tanong ko sakanya habang sinusuri ng tingin mula ulo hanggang panga. Ayaw ko sa mukha nakakasuya kasi eh.
"Andito ako para kay Duce. Ikaw ba anong ginagawa mo rito? Hindi pa ba sapat na iniwan ka nya para sakin ha?" Nakangising tanong nito.
Napatingin ako kay Duce na walang maintindihan sa pinag- aawayan namin. Ah, oo nga pala may Amensia sya. Ano hanggang ngayon ba meron parin o palusot nya nalang 'to para matakasan ang kasalanan nya?
"Sige, kunin mo na sya. Kabit ka naman nya at proud na proud ka diba? Sige na Joyce, panalo kana."
"No way. Sino ba sya? Mukha ba akong aso na basta nalang ipamimigay pagsawa kana? Nakakasama ka ng loob ah. And you woman, get out. I don't wanna see you freaking face again, gets?" Seryosong sabi ni Duce kay Joyce.
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Ang saya ko ng makita ang nakasibangot na mukha ni Joyce hahahaha. Napahiya yata si gaga.
"Ano bang problema mo? Hindi mo ba ako natatandaan? Alalahanin mo naman oh." Naiiyak na pakiusap pa nito kay Duce.
Naalala ko sarili ko sakanya. Finally, naranasan nya rin ang feeling ng nagmamakaawa.
"Hmmmmm," umakto si Duce na nag iisip kaya nagkapag-asa si Joyce. "Hardinera kaba rito? Yaya? Kargadora? Tama ba ako sa tatlo?"
Malakas akong humagalpak ng tawa sabay nag salute kay Duce. "Pinasasaya mo araw ko promise hahahahahahaha." Sinamaan ako ng tingin ni Joyce.
"You! Sayang saya ka na ikaw ang naalala noh? Tandaan mo na panandalian lang yan b*tch! Dahil babalik sya sakin pagkilala nya na ulit ako. Akin sya tandaan mo yan." Galit na galit si Joyce at halos lamutakin nya ang mukha ko sa galit nya pero hindi nya magawa.
"Get out, now." Walang emosyong utos ni Duce habang nakaturo sa labasan.
Lumambot ang itsura ni Joyce. "P-pero Duce naman. Ako 'to si Joyce ang original girlfriend mo. Ang original na may ari ng puso mo."
Kasalanan nga nya 'di maalala tapos gusto pa alalahanin sya hahahahaha, so funny. Ang kapal ng mukha na gamitin ang word na original e, kabit nga sya.
"I said get out! Get out of my sight and get out of my life!" Sigaw ni Duce sakanya.
Dali-daling tumalikod si Joyce at tumakbo palabas.
"Masyado kang naging rude sakanya. Hindi mo lang sya kilala pa ngayon kasi nga may mild Amnesia ka, pero pasasaan bat matatandaan mo rin kung sino sya." Mapait akong ngumiti sakanya.
Palabas na sana ako ng kusina para magtungong sala ng mapansin ang paghawak nya sa ulo nya.
"Ayos kalang? Masakit na naman ba?" Nag-aalalang tanong ko.
Napatango sya kaya inalalayan ko syang maupo muna. "Bakit ba kasi ang yabang mong magluto-luto. At isa pa wag mong isipin yung impokritang yon. Bawal raw mastress utak mo kakaisip, okay ba?" Tumango lang ito habang nakahawak parin sa ulo nya.
Nagpresinta na akong masahehin sya sa sentido at nuo para mawala ang sakit ng ulo nya. Nakainom narin sya ng gamot kaya tiyak na titigil na ang sakit nito.
Isang linggo palang sya sa bahay pero pakiramdam ko taon ko na syang kasama, sobrang stress na ako. Hindi ko parin pwedeng isabay ang pagpapapirma ng annullment paper sakanya. Hindi pa kaya ng isip nyang iprocess ito.
Gusto ko na syang makaalala. Ayaw ko ng palalimin ang nararamdaman ko, baka hindi na naman ako makaahon. Paniguradong hindi nya ako masasalo kaya masasaktan na naman ako.
"Anak?"
Nanlaki ang mata ko at agad na napatingin kay Duce. Hihilahin ko sana sya para itago ng huli na at makita sya ni Mom, Dad at Kuya kasama si Ate Luna.
Naihulog ni Kuya ang dala nyang paper bag bago sinugod si Duce para undayan ng suntok.
"Kuya stop it! Stop it please!" Sigaw ko habang inaawat sya dahil hindi man lang lumalaban si Duce.
Nagulat ako ng makisali pa si Daddy na mas nagpagulo. "Sergio ano ba! Tumigil na kayo!" Sigaw ni Mom.
Si ate Luna naman ay inawat narin si Kuya dahil hindi ko talaga ito maawat. Yinakap nya si Kuya kaya kumalma ito. "Tama na please. Hayaan nating magpaliwanag si Arian pwede ba?" Naiiyak na tanong ni Ate Luna bago tumingin sakin.
Inalalayan ko si Duce na tumayo. "Tao parin naman sya. May Amnesia na nga gusto nyo pa gawing baldado." Naiinis na sabi ko kay Papa at Kuya na walang imik.
"I think deserved ko naman," bulong ni Duce habang pinapahiran ang dugo sa labi nya.
"Deserved na deserved mo talagang gago ka! Pinahiya at kinawawa mo ang kapatid ko hayop ka! Ginawa mo syang robot! Anong tingin mo sakanya walang pakiramdam ha?! Ano ngayon asan na ang Joyce na pinagmamalaki mo? Bakit sa kapatid ko parin ikaw nagsumiksik na hudas ka?!" Gigil na sigaw ni Kuya kay Duce habang duro ito.
"Kuya tumigil kana, sobra kana." Saway ko habang galit na nakatingin sakanya.
"Mas sobra sya Arian. Sobra ka nyang ginawang tanga nakalimot kana rin ba?" Napangisi si Kuya.
"Anong karapatan mong itanong sakin yan? Alam mo bang nararamdaman ko? Sana kasi inaalam mo muna ang dahilan ko bago ka humusga." Umiiyak na sagot ko bago inalalayan si Duce para iakyat sa kwarto.
"Dumito ka muna ako na ang bahala kilala Kuya at Dad, mas okay kung hindi ka muna magpapakita." Bilin ko bago akmang tatalikod na ng hawakan nya ang kamay ko kaya natigilan ako.
"I'm so sorry, please forgive me. Sana maibalik ang oras para mas pinili ko yung tamang gawin. Hindi ko man maalala pero nararamdaman ko ang sakit na idinulot ko sayo." Garalgal ang boses nya.
"Bitaw," utos ko.
"I can't Ami."
Umiiyak ba sya? Nadudurog na naman ako sa tuwing nahihirapan sya.
"Kaya mo Duce. Ginawa mo na sya sakin, hindi sya mahirap para sayo." Paalala ko.
"Dati hindi kasi tanga pa siguro ako noon at sobrang gago, pero ngayon? Ami, I can't. Ayaw nito oh." Sabi nya habang nakaturo sa dibdib nya.
Ako na ang bumitaw sakanya. "Ako kaya ko na ngayon, dati hindi." Sabi ko bago sya iniwan sa kwarto nya.
"Ipaliwanag mo." Basag ni Daddy sa katahimikang bumalot samin.
"May Amnesia sya Dad. Kinausap ko ang parents nya, pero hindi makauwi dahil sa pag- aayos nila ng negosyo. Diba nga nalulugi na sila? Nakiusap sila na ako muna ang umalalay at mag- alaga kay Du--" Natigilan ako.
"Ano ka caregiver? Katulong?" Galit na tanong ni Kuya.
"Asawa ko parin naman sya diba? Responsibilidad ko parin sya." Matigas na paninindigan ko.
"Naging responsable ba sya sayo? Inabandona ka nga sya diba?! Ano wala lang yon sayo ha? Ganyan kaba karupok sakanya? Baka nga karma na nya yan dahil sa panloloko nya sayo." Si Kuya na galit na galit parin na halos isampal lahat sa mukha ko ang ginawa ni Duce.
"Sinasabi mo yan kasi hindi mo pa nararanasan ang dinanas ko, at kahit kaylan hindi ka pa nalagay sa kalagayan ko ngayon." Sagot ko.
"Sya parin ba ang pipiliin mo ha? Sya na naman?" Tanong na naman ni Kuya.
Bakit ba hindi nya ako maintindihan? Pinapahirap lang nila lalo eh.
"Hindi ko sya pinipili na aawa lang ako sa kalagayan nya," depensa ko.
"Sigurado kang awa lang iha?" Si Mom ang nagtanong.
Hindi ako agad na nakasagot.
"Sana lang hindi mo balaking makipaglaro sa apoy ng walang tubig na ipangpapatay rito iha." Sabi ni Mom bago tumayo at naglakad palabas ng bahay. Walang imik na sumunod si Kuya at Papa rito, si Ate Luna naman ay naiwan.
"Gets parin kita, pero sana alalahanin mo parin ang sarili mong kapakanan." Nakangiting sabi nito bago sumunod kila Mom.
Napasabunot ako sa sarili ko bago tahimik na umiyak. Habang tumatagal mas nagiging mahirap para saming dalawa, sana naman bumalik na sya sa dating sya, at ako sa dating ako.
Agad kung sinagot ang tawag ng nagring ang phone ko. "Martin, may problema ba?" Tanong ko. "Wrong timing talaga sorry 'di ako pwedeng umalis ngayon. Next time nalang ha. Pasensya na talaga." Binaba ko na ang tawag.
Inaaya ako ni Martin na pumasyal, pero hindi pwede dahil inaalala ko si Duce. Tiyak na masakit ang katawan nya dahil sa tadyak at suntok na tinamo nya sa dalawang barako namin.
Nagluto muna ako para may maidala sakanya, at bumaba ulit ako para naman kumuha ng ipanglilinis sa pumutok nyang labi.
"Kumain kana muna," utos ko.
Tumango lamang sya at nagsimula ng kumain. Saglit lang nya naubos ang pagkain kaya nagumpisa na akong lagyan ng ointment ang labi nya.
"Bakit mo ako pinagtanggol?" Seryosong tanong nya habang nakatitig sakin.
"Kasi hindi parin tamang manakit ng taong nanakit sakin," simpleng sagot ko.
"Ang gago ko diba?" Pagak syang tumawa. "Patayin mo nalang kaya ako?" Tanong pa nito.
Ginawa pa akong kriminal.
"Mas gusto kung patayin mo ako sa sakit na physical kaysa yung pinapatay mo ako sa sakit na ipinararamdam mo." Dagdag pa nito kaya bigla akong naguilty.
Bakit ba ako naguilty? Sinaktan nya rin naman ako.
"Mahal mo pa ba ako? Kasi ako minamahal na kita." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
Hindi ko pwedeng gamitin ang pagkawala ng alaala nya. Maling mali ito.
"Hindi na," tipid na sagot ko.
"Wala akong pake paiibigin ulit kita, Ami." Madiing wika nya bago ako kinabig palapit sakanya at hinagkan sa labi.
Ito na naman tayo eh.
A.D.