"Oh?" Kunot ang nuo nya. "Anong nangyari sayo para kang binagyo? Bakit ganyan buhok mo, tapos gusot pa damit mo? Hahahaha. Tinamad ka na naman magplantcha ng damit hahaha."
Sinamaan ko ng tingin si Martin bago hinila pababa.
"Hindi kaba marunong mag doorbell? Bakit basta ka nalang puma-- Nag message na ako diba?" Tanong ko ng hindi maituloy ang dapat na sasabihin sakanya. Ayaw ko rin namang masaktan sya, baka isipin nagiging iba na turing ki sakanya. "At isa pa may work ka diba? Ang dami mo naman yatang free time ngayon."
Nalungkot ang mukha nito. "Bakit ang sungit mo sakin? Nag- away na naman ba kayo? Inaway ka na naman nya kaya ganyan ka."
Namutla ako sa tanong nya. Napaubo ako at nag iwas ng tingin bago sumagot. "Ano kasi.. Oo hehehe nag away na naman kami, sobra nga pag-aaway namin eh. Ang sakit hehehe."
Asiwa syang tumingin sakin. "Ano yang hehehehe mo? Something fishy ka Arian ah. Sinaktan kaba? Anong masakit? Wag na wag mo ipagtatanggol ang mokong na yon ha." Halata sa tono ng pananalita nya ang galit, pero nagpipigil parin sya.
"Ang OA mo hahahaha. Hindi nya ako sinaktan, try lang nya ng humimas sya ng rehas. Oo sinasaktan nya ako emotionally, but physicall? No."
Tumango- tango si Martin bago pabagsak na naupo sa sofa. "Dito nalang muna ako, or kaya dito nalang tayo magdate." Sumigla sya at malawak ang ngiting ibinigay sakin.
Bakit ba kasi binigyan ko pa ng pag- asa 'to si Martin. Ito ayaw ko sakanya sobrang kulit. Naiinis lang naman talaga ako kay Duce kaya ko nasabi na bibigyan ko ng time ang pagbubukas ng puso ko para kay Martin eh. Well, sa kabilang banda bakit nga ba hindi diba?
"Oo na, manahimik kana." Inirapan ko sya bago bumalik sa kwarto kung saan iniwan ko si Duce.
"Dito na manananghalian si Martin okay lang ba?" Kinakabahang tanong ko.
Sandali bakit nga ba ako kababahan? Ano ako pa natatakot sakanya ngayon?
"What? After what we did? We made love Ami, and now kay Martin naman. Do I look like a toy to you?" May hinanakit na tanong nito.
"Igagaya mo pa ako sayong bwiset ka. Magkaybigan lang kami ni Martin, at isa pa ano naman sayo kung magdate nga kami?" Inis na tanong ko. "Gumaya ka para masaya idate mo si Joyce nahiya ka pa eh."
"Sure ka ayos lang?" Walang emosyong tanong nito.
Sinamaan ko sya ng tingin. "No way! Hindi mo yan pwedeng gawin hanggat nasa poder kita!" Galit na sigaw ko sakanya.
"Bakit sumisigaw?" Nakakalokong tanong nito.
Inirapan ko lang sya bago iniwan na naman para babain si Martin. "Magluluto ako ng Chicken curry favorite ni Duce help mo ako ha."
"Favorite talaga ng ex mo? Ako kadate mo tapos favorite nya iluluto mo, medyo ang sakit ng part na yon hahahaha." Napitik ko ang nuo ko bago ngumiti kay Martin.
"Ano ba favorite mo?" Tanong ko.
"Chicken curry nalang basta sarapan mo ha." Natatawang sabi nito bago nag-umpisang maghiwa ng patatas, sibuyas at iba pang kaylangan.
Ako naman ay kumuha ng manok sa ref. Habang busy si Martin sa paghihiwa ay sinuotan ko sya ng apron para hindi sya madumihan. "Ang sweet naman ng Arian namin hahahaha."
"She's mine."
Sabay kaming napalingon ni Martin kay Duce.
"Really?" Pang-aasar ni Martin.
"Pwedeng tumigil kayo kasi nagmumuka kayong mga bata." Saway ko sakanilang dalawa bago kumuha ng kutsilyo at tumulong na kay Martin para mayari na syang maghiwa.
"Masarap ba?" Tanong ko ng magsimula kaming kumain.
"Mas masarap ka parin." Sagot ni Duce sabay kindat sakin kaya napalagok ako ng isang basong tubig bigla.
"Hanggang sa pagkain ba naman humaharot ka?"
Nagulat ako sa tanong ni Martin.
"Palibhasa ikaw walang maharot kaya nakikisawsaw ka," balik na pang-iinsulto ni Duce.
Mariin akong napapikit.
Dahil ba sakin kaya sila ganyan o ayaw lang talaga nila sa isat isa?
Napatingin ako sa kamay ni Duce na nakatikom na at parang handa ng manuntok. Si Martin naman sinasabayan ang matatalim na titig ni Duce. Sana lang nandito si Raquel para may katulong ako manaway sakanilang dalawa.
After kumain ni Martin nagpaalam narin sya mismo sakin. Hindi nga yata sya nag enjoy sa tanghalian eh. Pumamewang ako habang nakatayo sa harapan ni Duce na feeling cool sa ginawa nyang pambabastos sa kaybigan ko.
"Alam ko naman na ayaw nyo sa isat isa pero sana hindi mo na sya pinatulan."
Wala lang itong naging imik.
"Tapos ngayon ganyan ka? Ang pride mo ngayon kahit ikaw ang may mali."
Wala parin syang imik at hinayaan lang ako na dumaldal. Sa sobrang inis ko naupo nalang ako sa tabi nya at inagawa ang remote sakanya. "Manunuod ako manahimik ka dyan."
Naramdaman ko ang kamay nya sa bewang ko. "I miss your body." Sabi pa nito habang inaamoy ang leeg ko kaya naman simaan ko sya ng tingin.
"Abuso kana masyado abah!"
Sumimangot ito at nahiga habang ang ulo nya ay nakasandal sa hita ko. "Itutulog ko na nga lang itong nararamdaman ko."
Parang nag papaawa pa si mokong kaya lihim akong natawa. Maya- maya lang ay nakarinig ako ng hilik. Kinuha ko sa bulsa ko dahan dahan ang phone ko at kumuha ng litrato sakanya.
Kapag kaya naalala na nya lahat ako parin ang pipiliin nya? Dito parin kaya sya o iiwanan na naman nya ako? Parang ngayon umaasa ako na wag na muna sana syang makaalala. Gusto muna namnamin ang ligaya na 'to kahit panandalian lang.
Masama bang hilingin na hindi ma sana nya maalala lahat? Sana sa pagkalimot nya tuluyan na nyang makalimutan ang pag-ibig nya kay Joyce.
Iniwan ko si Duce na natutulog sa sofa at lumabas muna ako para magdilig ng halaman sa garden sa may harapan ng bahay. Agad ako tumigil sa pagdidilig ng may mag doorbell.
"Ano na namang kaylangan mo?" Inis na tanong ko.
"Hindi ikaw ang pakay ko kundi si Duce. Ang saya mo siguro ngayon noh? Feeling mo panalo kana, pero hindi. Uuwi na bukas ang magulang nya at hindi mo na sya kaylangang alagaan pa dahil ako na ang gagawa. Ako naman kasi talaga ang mahal nya hindi ba? Naparamdam nya lang na ikaw dahil wala pa syang maalala." Mataray na sabi nito sakin.
Isang malakas na sampal ang iginawad ko sakanya. "Para yan sa pagsira mo sa relasyon namin." Sinampal ko pa ulit sya. "At para yan sa kakapalan ng pagmumukha mo!"
"How dare you!" Galit na sigaw nito sakin bago ako inambahan ng sampal. "Ang sampal na 'to ay para magising ka sa reyalidad b*tch!"
Napatabinge ang mukha ko sa sampal nya. Tumalikod na sya at lumakad pasakay sa loob ng kotse nya.
Kinalma ko ang sarili ko na pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan ko sya na kakagising lang at nagkukusot ng mata. "Saan ka galing?" Tanong nya agad.
Imbis na sumagot ay yinakap ko sya ng mahigpit. "Mukang iiwan mo na naman ako." Naiiyak na bulong ko at tuluyang humagulhol dahil sa lungkot na nararamdaman ko.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Bakit ba kasi ang komplikado ng lahat para satin Duce?" Umiiyak parin ako habang nakayakap lang sakanya.
Hinimas nya ang likod ko at hinagkan ako sa nuo. "Hindi na kita iiwan, pangako." Nakangiting sambit nya bago pinunasan ang luha ko.
Hindi ko alam kung dapat ko pa bang paniwalaan yan Duce.
A.D.