VI- Kasinungalingan

988 Words
VI — kasinungalingan ____ LA CARLAN, LA UNION MALAMIG ang panahong sumalubong sa pag gising ni Melody. Hindi niya namalayan na sa kawayang sofa na pala siya nakatulog sa maliit nilang silid. Kumakalam ang sikmura niya nang gumising siya. Ano lang ba ang kinain niya nagdaang gabi, sky flakes at mainit na gatas? Bumangon siya't hinawi ang kurtina sa silid niya. Makulimlim sa labas mukhang uulan pa yata ng malakas. Oo nga pala! Naalala niyang may bagyo palang darating at sa La Union ang landfall. Sa sobrang pag-aalalang niya para kay Benjie nakalimutan niya na ito. Alas tres pa lang ng madaling-araw ngayon. Gusto niya man kumain, hindi niya magawa. Wala rin naman siyang stocks na pwedi niyang kainin. Wala na si Benjie na madalas namamalengke para sa hinahandang pagkain nila. Paano na lang kung matuloy ang bagyo? Sino na lang ang aalalay sa kaniya? Lampara lang ang nagsisilbing ilaw nya sa magdamag. Takot siya sa madilim, pero kapag kasama niya naman si Benjie lahat ng takot na mayroon siya sa puso niya nawawala. Panatag ang loob niya rito, kasi alam niyang kailanman hindi siya pababayaan nito. 'Pinabayaan ka na niya, Melody!' sigaw ng isip niya ngayon. Umiling-iling siya. Hahanapin niya si Benjie ngayong araw na to, kaya nagpasya na lang siyang hindi na bumalik sa pagkakatulog. Pag sikat ng araw doon niya hahanapin ang asawa niya. Gagawin niya ang lahat. PASADO alas-onse na ng umaga nang magsimula si Melody maglakad para puntahan ang bahay ng foreman nina Benjie. Dalawang oras ang biyahe sa bayan na tinitirhan nito mula sa Isla hanggang sa address na mayroon siya. Binuksan niya ang palad niya at halos dalawang daan na lang ang pera niya. May kaba na siyang nararamdaman sa puso niya. Paano kung maubusan siya ng pera? Wala na siyang mapagkukunan pa. Wala naman iniwan sa kaniya si Benjie nang umalis ito dahil nangako ito sa kaniya na magpapadala agad oras na makarating na ito ng Manila. Tumingin sa kalangitan si Melody. Saan siya kukuha ng pera ngayon kung sakaling hindi siya harapin ng foreman ng mga ito. Alam nyang ginawa siyang matapang sa buhay ni Benjie. Madalas nitong sabihin sa kaniya lumaban siya. Huwag siyang magpapatalo sa kahit na anong pagsubok na mayroon siya dahil kailangan nyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Paano siya tatayo ngayon kung pakiramdam niya nabawasan na siya ng isang paa. Pinuno niya ng hangin ang puso niya. Hindi ito ang gustong mangyari ni Benjie kung sakali mang nasa tabi niya ito. Malakas ang loob niyang hahawakan siya ni Benjie sa bahagi ng likod niya at itutulak siya nito; tulak na magpapalakas ng loob niya. He know his man. At ganoon din siya rito. Patuloy pa rin nilang magiging pahinga ang isa't isa. Napalunok si Melody. Gustong kumawala ng mga luha sa mga mata niya dahil sa iba't-ibang emosyon na mayroon siya sa puso niya. Napahinto siya sa may isang pedestrian lane. Hinihintay niyang mag green ang lights para makatawid siya. Malapit na rin naman siya sa subdivision ng bahay ng foreman nina Benjie. Ang sabi kanina sa kaniya nang napagtanungan niya magpahatid daw siya sa tricycle dahil may kalayuan iyon, nang magtanong naman siya kung magkano ang pamasahe ang sabi nito otsenta. Kung nagkataon wala na siyang pera pamasahe pauwi sa bus na sasakyan niya mamaya. Binaba niya ang tingin sa bag niya habang paroon at parito ang mga sasakyan. Kinuha niya ang skyflakes at tubig na baon niya. Nilagay niya muna ang pera niyang natitira dahil kumakalam na ang sikmura niya; katirikan pa naman ng araw baka bigla na lang siyang mahimatay sa daan dahil sa gutom. ___ "HELLO, MAE? KAMUSTA? IYONG TUNGKOL SA PINAPAGAWA KO SA IYO?" tanong ni Priyanka kay Mae nang tumawag ito sa kaniya. Katatapos niya lang maligo sa condo niya. Iniwan niya muna pansamantala si Ben sa isang nurse na pinagkakatiwalaan niya sa hospital. Malapit lang naman ang condo niya rito, halos trenta minuto lang ang tatakbuhin. "Nagtanong-tanong na ako, Ms. Priya," sagot nito sa kaniya. Umupo siya sa harap ng vanity table sa silid niya. She blower her hair nang mahina lang para mapakinggan niya pa rin ang balita sa kaniya ni Mae. "May nakakakilala kay Ben_" "Sino? Ano nalaman mo? Mabuti ba siyang tao?" sunod-sunod niyang tanong dito. "Isa siyang construction worker, Ma'am. Kararating lang daw dito sa Tagaytay nang araw na iyon. Tapos bigla na lang daw nawala na walang nakakaalam ayon sa katrabaho na nakausap ko." Napalunok si Priyanka sa biglang awang naramdaman dito. "Hinahanap ba s-siya?" kinakabahan nyang tanong dito. "Hinahanap daw ng foreman, Ma'am. Hindi na raw nakita kaya ang sabi baka daw sinadya niyang sumama sa grupo nila dahil may iba talagang pakay at gustong pumunta ng Manila para makaahon sa buhay dahil iyon ang pangarap niya," kwento nito. Napasinghap siya. Napakagat-labi pa siya sa biglang awang naramdaman para sa lalaki. "Mae, sinabi mo ba iyong nangyari? Na—nabangga ko siya?" may pag-aalalang tanong niya rito. "Syempre, Ms. Priya hindi ho. Sabi mo naman 'di ba tutulungan mo iyong tao. Hindi naman po kita ipapahamak, Ms. Priya.." Nakahinga siya nang maluwag dahil sa sinabi nito sa kaniya. Sabi niya na nga ba, kahit kailan maaasahan niya ito sa lahat ng bagay. "Uhm, natanong mo ba kung taga-saan siya? Tungkol sa pamilya niya? Ang sabi mo 'di ba gusto niya makaahon sa buhay... baka may maitulong tayo, Mae." "Taga-La Union siya, Ms. Priya. Nandoon ang pamilya niya." Napangiti siya nang pagmasdan niya ang repleksyon sa salamin may gusto pa siyang malaman tungkol kay Ben. Nandoon lang ang takot niyang itanong iyon sa assistant niya. "Uhm—" "Wala siyang asawa, Ms. Priya.. W-wala r-rin siyang n-nobya.." sabi nito sa kaniya. Ang bagay na gusto niyang marinig pa mula rito. Mas maluwag ang ngiting sumilay sa labi niya dahil walang nagmamay-ari sa lalaking handa siyang ibigay ang lahat ng tulong mabuhay lang ito at maiahon sa hirap gaya ng pangarap nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD