V - MAE INVESTIGATE

1199 Words
The Abandoned Wife || Chapter Five DETECTIVE MAE ___ MAAYOS silang naghiwalay ni Mae. Binilin niya lahat ng kailangan nyang malaman tungkol kay Ben. Nagtitiwala siya kay Mae, na aalamin nito ang lahat. Bumalik siya sa silid ni Ben matapos masiguradong nakaalis ng maayos si Mae. Ang bilin niya kay Mae ay huwag muna ito bumalik sa hospital hangga't walang impormasyon tungkol sa lalaki. Nasasabik na siyang may makilala ang mga tao sa buhay nito, alam niya naman na mabuti itong tao. Hindi naman siya mapanghusgang tao kailanman at sa ilang araw na nasa tabi niya ito hindi siya nakaisip na masamang tao ito. Kaya nga gusto nyang alamin ang tungkol kay Ben, para sa tulong na pwedi niyang ibigay dito. 'Paano nga kung may pamilya?' tanong ng isip niya. Umiling-iling siya. Ayaw niya munang mag-isip ng komplikado. Binaling niya ang tingin kay Ben at wala sa sariling napahawak siya sa puson niya. 'You will be okay..' Iyon ang bulong ni Priyanka sa sarili bago bumalik sa sofa sa mga gamit niyang nagkalat sa mesa. Hinanap niya cellphone niya, kailangan niyang tawagan si Jaseem ang doctor niyang pinsan sa Dubai. Kung kinakailangan niyang humingi ng tulong dito gagawin niya. Aalamin niya kung anong posibleng nangyari kay Ben at kung paano magiging mabilis ang pag galing nito. Kailangan nitong gumising sa lalong madaling panahon. Iyon ang sinisigaw ng isip ni Priyanka. Hiling nya na lang na may matuklasan si Mae mula sa pinagmulan ni Ben. "HELLO! JASEEM.." bungad ni Priyanka sa pinsan niyang Doctor sa Dubai. Sumagot naman agad ito kahit na alas dyes ng umaga d'on. "Hello, Priyanka. Shino? Ishtibin inti?" tanong nito sa kaniya sa arabic. Kung ano daw ang kailangan niya. "Ishlunik?" ganting tanong niya. Ang ibig sabihin kung kamusta ba siya? "Seyn.. Something wrong?" Sinabi niya ang tungkol sa kalagayan ni Ben. Wala siyang tinagong detalye para maintindihan nito at maibigay ang tulong na kailangan niya. "I got it. If you want, just bring your patient here. What do you think?" Napalunok siya sa suhestiyon nito sa kaniya. Ayaw niya muna magdesisyon ngayon. Hihintayin niya lang si Mae kung sakali man wala itong makitang kakilala nito, ipapaayos nya na lang ang lahat kay Mae. Baka nga mas makatulong ang suhestiyon ni Jaseem hindi naman siya mahihirapan asikusin ang lahat. Kilala nya si Glory, hindi siya nito tatanggihan sa kung ano mang dokumento ang kailangan niya para maisama niya si Ben kung sakali mang d'on ito magpapagaling. May tiwala din naman siya kay Jaseem isa siya sa tumulong dito para makapagtapos ito ng medisina sa India sa pabor na hiniling niya sa Lolo Marcing niya. Hindi sya bibiguin ng pinsan niyang 'to. Hihintayin niya na lang si Mae. Magaling ito kaya hindi lilipas ang araw na wala itong impormasyong masasagap para ipagbigay-alam sa kaniya. Pinagmasdan niya ulit si Ben. Ang tangos ng ilong nito. Maganda ang hugis ng pilikmata at ang labing maputla nito ngayon ay alam niyang mamula-mula. Kayumanggi ang kulay ng balat nito. Siguro sa tantiya niya hindi sila nagkakalayo ng tangkad 5'6 siya sa palagay niya 5'7 or 5'8 lang ito. At base sa ID na ilang beses niyang pinagmasdan 2006 nagtapos ng sekondarya ang lalaki kaya kung susumahin sa kasalukuyang taong 2015, nasa bente-cinco na taong gulang ito at siya naman ay bente syete sa susunod na taon. 'Wake up, soon. Mananatili akong sa tabi mo, Ben,' wala sa sariling bigkas ni Priyanka. ___ LA CARLAN, CEBU ALAS-CINCO ang oras sa relo ng gumising si Melody. Nilapitan niya agad ang cellphone niyang naka-charge. May tatlong message binuksan niya ito, excited siyang malaman kung sino ito dahil baka si Benjie na. Ganoon na lamang ang naramdaman niyang pagkabigo nang isang paalala ang mensaheng natanggap niya mula sa ahensiya ng gobyerno na magkakaroon ng signal #3 na bagyo at ang tama ay sa Cebu. Wala siyang pakialam sa bagyo, aniya ng isip niya. Ang gusto niyang matanggap na balita ay tungkol kay Benjie. Binalik niya sa pagkaka charge ang keypad niyang cellphone. Uupo sana siya pabalik sa papag nila nang may kumakatok sa kawayang pintuan nila na gawa ni Benjie. "Melody... Melody.." Napalunok si Melody nang marinig ang boses ng nanay ni Benjie. Hindi siya pwedi magkamali, kahit tatlong beses lang silang nagkita nito hindi niya pweding kalimutan ang boses nito. Base sa malakas nitong pagsigaw alam niyang galit ito. "Melody.. Alam ka nandiyan ka, Melody!" ulit nitong pagtawag sa pangalan niya. Kabadong tumayo si Melody para buksan ang pinto. "Nasaan anak ko ha? Nasaan? Nasaan ang Benjie ko?" tanong nito sa kaniya. Malakas agad ang boses nito. Napalunok si Melody, matagal niya nang alam na hindi siya tanggap ng pamilya nito at pakitang tao lang ang lahat kapag kasama niya si Benjie na humarap dito. "Hindi na siya tumatawag sa amin! Nilalason mo na talaga ang isip ng anak ko. Salbahe ka talaga 'no!" muling sigaw nito. Luminga-linga ito sa kabahayan niya at walang paalam na pumasok sa silid nila ng asawa niya. "Hindi mo sasabihin kung nasaan anak ko?" muling sigaw nito nang hawiin ng malakas ang kurtina ng silid nila. "N-nay.." "Huwag mo akong matawag-tawag na nanay ha. Wala si Benjie sa harap natin! Bakit akala mo ba tanggap na kita?" Pasaring nito. Ilang beses pa siyang napalunok. Sa mga sandaling 'to mas lalo niyang kinailangan ang presensya ni Benjie. Hindi niya alam kung paano haharap ng maayos sa ina nito. "Nasaan ang anak ko? Nilalayo mo na siya sa amin! Siguro ikaw ang nag-uutos sa kaniyang huwag na makibalita sa amin 'no?!" Panghuhusga nito sa kaniya. "Sinosolo mo ang pera ng anak ko. Ikaw patamad-tamad ka tapos gusto mo lahat sa iyo! Ambisyosa ka kasi talaga, Melody!" Umiwas ng tingin si Melody sa masamang tingin nito. Matapang siyang tao, pero sa mga mahal ni Benjie hindi niya kayang ilabas ang tapang na iyon. Nirerespeto niya ito kahit pinamumukha nito sa kaniya madalas na wala siyang lugar sa buhay ng mga ito. Pareho lang din naman silang salat sa kahirapan, sadyang mataas lang ang tingin ng mga 'to sa sarili, dahil na rin siguro sa mataas na pangarap ng mga ito para kay Benjie. "Kung alam ko lang talaga na ganito ang mangyayari, sana noon pa lang nilayo ko na ang anak ko sa 'yo! Palibhasa ang landi-landi mo. Ikaw ang sumira sa pangarap namin para kay Benjie!" dugtong pa nito. "Hindi kita matatanggap sa buhay namin. Salbahe ka!" Tumalikod ito. Hindi man lang siya hinintay makapagsalita at magpaliwanag dito— kinuhanan siya ng karapatan ipagtanggol ang sarili niya at ang pagmamahalan na pinili nila ng asawa. Kung kasama niya lang ito alam niyang hindi hahayaan ni Benjie na sigaw-sigawan siya ng kahit na sino. Handa siyang ipagtanggol ni Benjie sa lahat ng sandali't oras, kahit kanino pa; kahit pa sa magulang nito. "Benjie!!!! Benjie!! Benjie!!" Pasigaw na tawag ni Melody sa pangalan ni Benjie habang umiiyak ng malakas dala ng sama ng loob at galit sa pagkakataon kung bakit sila mahirap ng taong minahal niya. Kahirapan na kaya naman sana nilang labanan dahil sa mataas na pangarap nilang dalawa— pero sa kagustuhan nitong umalis para sa kaniya hindi nya alam kung ano ang kinahantungan nito sa lugar na malayo siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD