THE ABANDONED WIFE | CHAPTER 12
___
TAGAYTAY
"SALAMAT SA PAG-AALALAGA MO SA ANAK NAMIN, MAAM PRIYANKA.." sambit ng ina ni Ben kay Priyanka.
Tulad ng pinangako niya sa mga ito, dinala niya sa hospital ang mag-asawa at ang dalawang anak naman nito ay ginala ni Mae sa isang malapit na mall.
"It's my pleasure ho na alagaan si Ben, Tita. Wala ho kayong dapat ipag-alala, dahil hindi ko siya pababayaan. Parte na ho siya ng buhay ko, kaya wala ko kayong dapat problemahin sa kahit na ano," aniya rito.
"Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin namin kung wala ka, siguro patay na si Ben.."
"Ano ba talaga ang nangyari sa anak namin, Ma'am Priyanka? Kung hindi kalabisan sa inyo, gusto kong malaman kung bakit umabot ang lahat sa ganito."
Napatingin si Priyanka sa gawi ni Mang Amboy, sunod-sunod siyang napalunok, inaasahan niya naman ang magiging tanong nito sa kaniya dahil mukhang mahirap papaniwalain si Mang Amboy, gaya nga ng sinabi sa kaniya ni Mae.
"Nasagasaan ho siya, Mang Amboy.." aniya ni Priyanka dito.
"Sino? Nahuli na ba?" pahabol pang tanong nito sa kaniya.
Natigilan si Priyanka, sa sarili niya pilit niyang kinalkula kung sasabihin ba ang totoo rito.
"Hit and run ho.." Pagsisinungaling ni Priyanka dito.
"Hit and run? Paanong hit and run? Maingat na tao ang anak ko, hindi iyan tatawid ng basta-basta na lang, Ma'am Priyanka.." ani ni Mang Amboy, halata sa mga matang hindi naniniwala sa mga sinasabi nito sa kaniya.
"Ano ka ba, Ambrosio! Hit and run nga e, aksidente ang nangyari. Alam din natin pareho na hindi ginusto ni Benjie ang nangyari sa kaniya. Huwag mo na pagsalitaan ng ganyan si Ma'am Priyanka, dahil nagmamagandang loob na nga ang tao e.'
Napalunok si Priyanka, at sa puso siya nandoon ang saya dahil sa ginawang pagsagip sa kaniya ni Aleng Berna. Sa sarili niya, mahihirapan pa rin siya kay Mang Amboy; pero hangga't nasa tabi niya si Manang Berna, alam niyang hindi siya pababayaan nito.
"Manang Berna, kung hindi ho kalabisan sa inyo gusto ko po sana dalhin si Ben sa mga magagaling na doctors para mas mabilis ang pag galing nya.."
Lumiwanag ang mga nito nang marinig ito sa kaniya.
"Sige. Walang problema sa amin."
"Talaga ho? Ayos lang po sa inyo.'
"Ikaw ang nakakaalam ng lahat ng makakabuti sa anak namin, Ms. Priyanka. Pinagkakatiwalaan ka namin."
Napangiti si Priyanka sa sinabi nito sa kaniya. Lumuwag ang loob niya, tumingin siya sa gawi ni Mang Amboy. Walang emosyon itong pinakita sa kaniya, pinagkibit-balikat niya ito ang mahalaga sa kaniya ang permiso ni Manang Berna; madadala niya na sa Dubai si Ben at gagawin niya ang lahat-lahat na babalik sila sa bansang nasa maayos na maayos na ang lagay nito.
Pinapangako ni Priyanka sa sarili niya at sa harap ng mga magulang ni Ben, ganoon din sa lalaking magkakaroon ng malaking espasyo sa buhay niya ngayon.
___
MANILA
HALOS hindi makapaniwala si Melody sa nakikita niya sa dinadaanan nila habang lulan sila ng isang malaking van na maghahatid sa kanila sa papasukan nilang trabaho.
Nasa tabi niya si Margie at prente itong nakatulog, hindi naman siya nagtangkang gisingin ang kaibigan niya.
'Wow.. Ang ganda ng design, ang galing, ang modern..' usal niya sa sarili niya sa nakikita niyang isang matayog na building na kung hindi siya nagkakamali isa itong condominium unit.
Puro salamin ang nakapalibot sa dingding ng mga unit nito; naagaw ang pansin niya sa mga gold railings na naaabot ng tanaw niya. Hindi halos mawala ang buong tingin niya rito, tantiya ni Melody nasa 35 plus ang floor ito dahil sa tayog at taas ng buong gusali. Binasa ng mata nya ang nakasulat na gawa rin sa ginto ang lahat ng naka-indicate na letters, Santillan Group of Companies — Condominium units.
'Ang yaman siguro ng may-ari nito..' sambit niya sa sarili.
Hindi niya napigilan ang paghanga sa buong building hanggang sa makalampas na sila.
Iyon ang pangarap ni Benjie, hindi niya kailanman makakalimutan iyon; ang sabi nito sa kaniya gagawin nito ang lahat at balang-araw makakapagpatayo ito ng isang matataas at magagandang building na kapag tiningala ng mga tao — mapapa-wow — sila.
Tulad na lamang ng nararamdaman niya ngayon. Kung sino man ang Engineer ng gusaling umagaw ng pansin niya, napakahusay nito, sabi pa niyang puno ng paghanga.
Everything is good, modern, elegant most of all child friendly ang building dahil sa matataas na railings na una niyang napansin. Hindi basta-basta mahuhulog iyong mga bata, kapag naalis man ito sa mata ng magulang o nag-aalaga.
'10 out of 10,' masaya niyang bulas sa sarili. Sa tingin niya kapag kasama niya ngayon si Benjie, ganoon din ang sasabihin nito — mahusay at magaling — ang team sa likod ng projects na iyon.
'Balang-araw.. Tayo naman, Ben. Hindi naman natin sinusuko ang lahat 'di ba? Magiging enhenyero ka at magiging arkitekto ako, iisang team tayo balang-araw. Pangako natin iyan, Mahal..' patuloy niya sa pakikipag-usap sa sarili niya.
Nandito na siya sa Manila, at dito sa siyudad na ito aabutin niya ang lahat-lahat habang hinahanap niya ang asawa niya. Hindi siya babalik ng La Union na hindi ito nakikita, na hindi sila matagumpay, at hindi nila naaabot ang pangarap nilang dalawa.
Pinuno ni Melody ng hangin ang puso niya. Napangiti siya sa nakitang mag-anak sa daan. Masaya ang mga ito base sa emosyon ng mga mata nito habang kinukulit ang babaeng anak siguro ng mga ito.
'Bubuo tayo ng pamilya, Benjie. Magkakaanak tayo ng maraming-marami..' masaya niyang bulong sa sarili.
Punong-puno na ngayon ng pag-asa ang puso niya dahil tulad ng mga nagtataasang gusaling nakita niya ganoon kataas ang pangarap nilang dalawa at walang susuko gaya ng pangako nila sa isa't isa mula nang pinili nilang magsama sa isang bubong bilang mag-asawa.
Pero kung ang pagsasama ulit nila ni Benjie ang magiging kapalit ng lahat ng n'on okay lang sa kaniyang manatiling maging payak ang buhay nilang dalawa; magiging pinakamayaman pa rin sila para sa kaniya.
___