THE ABANDONED WIFE • CHAPTER 11
MANILA
"EVERYTHING IS DOING WELL, MS. PRIYA. MAAASIKASO KO NA ANG PAGPAPAGAWA NG PASSPORT NI BEN.." magandang balita ni Mae kay Priyanka ng umagang iyon.
Napalingon tuloy siya kay Ben; maganda na ang lagay ng panlabas na anyo nito dahil wala nang pasa halos ang buong katawan nito.
Mas nakikita ang magandang maamong mukha ni Ben. Maputla pa rin ito at nanatiling walang malay. Pero ngayon ramdam niya nang malapit na.
Inaasahan niyang dumalaw ngayon ang buong pamilya ni Ben sa hospital. Gustong makita ng mga magulang niya ang lalaki at hindi niya naman ipagkakait ito sa mga ito.
Katunayan nga siya naman ang unang nag-alok na dalawin ang lalaki; heto at darating naman ito.. pinasundo niya sa personal driver niya ang buong mag-anak.
Ipakikita niya sa mga itong nasa maayos na kalagayan si Ben, gusto niyang magtiwala ang lahat sa kaniya lalong-lalo na ang padre-de-pamilya. Nandoon ang agam-agam nito sa kaniya, at willing siyang trabahuhin ito para maramdaman niya ang pagtitiwala nito ng buong-buo.
"Salamat, Mae. Kapag umalis na kami ikaw na lang ang bahala sa pamilya niya. Balak kong i-transfer dito ang mga kapatid niya."
"Okay na okay, Ms. Priya. Ako ang bahala sa kanila. Huwag mo silang alalahanin dito lalo na kapag umalis na kayo ni Ben, dapat maging maayos kayo r'on at mangyari lahat ng gusto mo."
Tumayo si Priya. Nilapitan niya ang gawi ni Ben, hinawakan niya ang kamay nito at muling tumingin kay Mae.
"Pakiramdam ko, Mae. Magiging mabait siyang ama sa magiging anak namin mukha kasing ang bait-bait niya."
"Sa tingin ko rin, Ms. Priya. Unang tingin pa lang natin sa kaniya n'on, pakiramdam ko mabuting tao siya kasi iyong soft side mo pinaramdam mo agad sa kaniya; ang pagiging matulungin mo," sabi sa kaniya ni Mae.
"He deserves it, besides hindi naman free iyon. Maniningil din naman ako. Soon."
Alam niyang siya ang dahilan kung bakit narito ngayon si Ben. Pero naisip niyang napakaraming tulong ang binigay nya rito at handa pang ibigay kasama ang buong pamilya nito kaya dapat lang na magbayad sa kaniya si Ben.
"Ako ang bahala sa lahat ng iiwan mo rito, Ms. Priya. Mapagkakatiwalaan mo akong hindi ko pababayaan ang lahat."
"Alam ko. Babalikan ko ang lahat ng iyon at kasama ko na si Ben. My newest partner," sambit niya.
Binitiwan niya ang kamay nito at binalikan ang ginagawa. May ihahabol siyang design sa Intsik niyang kliyente, malaking pera iyon kung sakaling makuha niya ang projects na ipagkakatiwala nito sa kaniya its 135 million pesos deal kapag siya ang magiging arkitekto nito sa condominium na gagawin sa Ortigas kasama ang buong team niya.
She have to focus. Hindi siya pweding magpabaya lalo pa't malaking pera ang ilalabas niya sa pagdala kay Ben sa ibang bansa kabilang na ang nga prebilihiyong ibibigay niya sa pamilya nito.
Napipisil niya ring ibili ng pribadong sasakyan ang magulang ni Ben at ikuha ng sariling driver ang mga ito. Malaking bagay iyon sa kanila para makapunta sila o magawa nila lahat ng gusto nila sa siyudad; magiging abala din naman si Mae sa iiwan niya kaya hindi ito masasamahan ng kaibigan kung sakali.
Ayaw n'ya ring abalahin ang paghahanda ni Mae sa nalalapit nitong kasal; sapat na para sa kaniya ang lahat ng naitulong ng kaibigan niya. Ayaw niya nang humingi ng sobra-sobrang pabor dito.
____
LA UNION
MATULING isang linggo ang lumipas. Tatlong araw na siyang nakauwi sa bahay nila sa bahay nila ni Benjie. Tulad ng inaasahan niya wala nang natirang kahit na anong gamit nila; kung mayroon man ilang damit lang na punong-puno ng putik.
"Okay ka lang ba?" Lumingon siya kay Margie.
Ngayon ang araw na alis nila paluwas ng Manila. May trabaho daw na naghihintay sa kanila sa lugar na iyon, okay naman sa kaniya ang sahod. Wala naman problema, aniya sa isip niya kahit magkano ito ang mahalaga ay ang may magamit siya para mahanap si Benjie. Mabilis lang naman siya makakapag-ipon dahil hindi naman siya gumagasta gaano.
"Ma-mi-miss ko ang buhay namin dito, Margie o kung paano iparamdam ni Benjie sa akin ang pagmamahal nya."
"Hindi ka naman nawawalan ng pag-asa 'di ba? Babalik ang lahat ng iyon, gaya ng sabi mo sa akin sinusubukan lang kayo ng panahon, Melody."
Kahit na ano'ng pilit niyang intindihin ang lahat, nahihirapan siya. Positibo siyang tao, pero sa pagkakataong ito parang ang hirap. Malaki ang Manila, saan siya magsisimula para hanapin si Benjie d'on?
"Tayo na baka maiwan tayo ng van."
Akay sa kaniya ni Margie.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago tinanggap ang kamay nito. Sumuko na rin siyang hanapin ang picture nila ni Benjie. Sa nangyaring baha sa lugar nila, kung hindi ito naanod malamang nalubog na ito sa putik.
"Huwag mo akong pababayaan d'on ha," mahina niyang usal kay Margie. Ito ang unang beses na iiwan niya ang La Union, katunayan hindi pa alam ng pamilya niya ang plano niyang ito wala rin nalaman ang mga ito tungkol sa nangyari sa kanila ni Benjie ang pag-alis nito sa piling niya't 'di pa bumabalik hanggang ngayon.
"Hinding-hindi, Melody magiging kasama mo ako sa lahat ng oras d'on. Pangako ko sa iyo iyan."
Nakangiti siyang tumango-tango dito. Para kay Melody, iyon na ang huling pag-asa niya para makasama niya ulit si Benjie. Sa Manila, makikipagsapalaran siya hindi siya susuko sa kahit na ano'ng laban na ihahain sa kaniya. Si Benjie ang lakas ng loob niya at kung nasaan man ito alam niyang lumalaban din ito para magkita sila ulit; nararamdaman ni Melody iyon, ang pagmamahal nila sa isa't isa ang magsisilbing lakas nila para hindi tuluyang gupuin ng pagsubok na pinapadanas sa kanila ngayon ng mundo.
'Hintayin mo ako, Jie. Malapit na ako. Malapit na malapit na ako...' bulong ni Melody sa sarili.
_____