The Abandoned Wife | Chapter 10
___
Evacuation Center
TAHIMIK sa isang tabi si Melody. Pinagmamasdan niya ang buong paligid, ang pagiging abala ng mga tao sa evacuation center na 'to. May kumakain, may natutulog, nagpadede ng bata, may mga nagbabasa ng diyaryo.
Tumulo ang luha nya nang maalala ang nag-iisang ala-ala ng picture ni Benjie na nawala na parang bula. Hindi niya man lang ito nailigtas. Masama ang loob niya sa sarili niya. Hindi niya inalagaan ang ala-ala ni Benjie.
Paano na lang kung bumalik ito? At hanapin sa kaniya ang mga bahay na iyon? Hiling niya na lang na sana maintindihan ni Benjie at maisip nito na gusto niya rin naman ingatan ang lahat; hindi niya lang hawak ang masamang panahon na naging dahilan kung bakit narito siya ngayon.
"Oh. Ito lang daw muna sa ngayon iyong pagkain. Pero mamaya mas rasyon naman, Melody."
Tinanggap niya ang alok sa kaniya ni Margie. Gutom na rin naman siya. Hindi niya na ito matatago sa kaibigan niya.
"Gutom ka no?" tanong sa kaniyang natatawa ni Margie. Tumabi ito sa kaniya sa pag-upo.
"Kamusta na kaya siya 'no? Alam mo, Gie. Miss na miss ko na siya." Si Benjie ang tinutukoy niya.
"Sana nasa maayos lang siya. O, hindi man sana ligtas siya."
Ngumiti siyang mapait sa tabi nito. Patagal nang patagal ang paghihiwalay nila ganoon din katindi ang pangungulila niyang nararamdaman dito.
"Sana talaga bumalik na siya. Sana pala hindi ko na lang siya pinayagan umalis 'no?"
"Hindi natin hawak ang tadhana, Melody. Ang kailangan siguro nating gawin ngayon ay ang ipagdasal na lang si Benjie. Alam naman natin pareho na hindi niyo ginustong maghiwalay 'di ba?"
Tama naman si Margie, kung may pagpipilian lang sana sila o kung alam lang nila mangyayari ang lahat ng 'to hindi naman sila pumayag na magkalayo.
"Magtiwala ka sa binubulong ng puso mo, kung babalik siya babalik siya sa iyo Mahal niyo ang isa't-isa at naniniwala ako d'on."
Tumangu-tango siya sa mga sinabi sa kaniya ni Margie.
"Kasama mo ako kahit na ano ang mangyari, Melody. Hinding-hindi kita iiwan hanggat bumalik sa buhay mo si Benjie. Okay.."
"Salamat, Margie. Maraming salamat sa lahat."
Muli siyang tumingin sa paligid, hinahanap ng mga mata niya ang buong pamilya ni Benjie. Hindi niya ito nahanap sa mga taong nandoon, nakaramdam tuloy siya ng pag-alala sa mga ito kung kamusta na ang kalagayan ng mga ito sa gitna ng kalamidad na pinagdaanan nila.
____
PRIYANKA RESIDENCE
MATULING isang linggo ang lumipas. Ngayon ang araw na darating sa Manila ang pamilya ni Ben, bagamat wala pa ring balita sa lalaki ay masaya na si Priyanka dahil darating na ito sa bahay nila. Pinili niyang sa property niya sa Laguna dalhin ang mga ito, sa gayon malayo sa lahat at nandoon pa rin ang sariwang hangin sa paligid. Hindi niya pweding dalhin ang mga siyudad sa ilang bahay niya sa Manila, ganoon na rin sa ilang condo niya.
Mawawalan lang ng pribadong buhay ang mga ito dahil madalas siyang umiikot d'on o minsan iyong mga kaibigan niya d'on nakikitira. Maganda na ito rito, naayos niya naman na ang lahat nag-hire din siya ng dalawang katiwala na kinuha niya sa isang ahensiyang tutulong sa mga gawaing-bahay ng mga mag-anak. Ibibigay niya ang lahat na kailangan ng pamilya ni Ben.
"Maam, narito na po ang bisita niyo."
Nakangiting tumayo si Priyanka mula sa pagkakaupo niya sa sofa. Dumating na ang hinihintay niya.
"Maraming salamat, Manang. Handa na ba ang pagkain nila?" mabait nyang tanong sa mga ito.
"Handa na po lahat sa dining, Maam."
"Sige, Manang. Paki-check na lang lahat ha. Sasalubungin ko lang sila."
Isang sulyap ang pinakawalan ni Priyanka sa sarili sa salaming nasa harap niya. Maayos naman ang ayos niya; suot nya ang bagong biling bestidang puting tube. Nilugay niya ang buhok niya, naglagay din siya ng kaunting make-up para maging presentable sa harap ng mga ito. Suot niya ang mamahaling Dior sandals at tinernuhan ng Dior bag. Isa ikot ang pinakawalan niya sa salamin bago salubungin ang mga bisita.
"Miss Priyanka..." Masayang salubong sa kaniya ni Mae nang lumabas ito ng van na pinagamit niya para sunduin ang mga ito sa airport.
"Mae, na-miss kita.."
Niyakap nila nang mahigpit ang isa't isa. Sa likod ni Mae, sunod-sunod na lumabas ang isang ginang, ginoo at dalawang batang sa likuran ng mga ito. Kumawala siya ng yakap kay Mae.
May malaking tuwa siyang hinarap ang mga ito at niyakap ang ginang sa sobrang tuwang mayroon siya sa puso niya.
"Kamusta ho? Ako ho si Priyanka." Pagpapakilala niya nang kumawala siya ng yakap, nakipagkamay siya sa dalawa na alam niyang magulang ni Ben. Kumaway din siya sa dalawang batang, sa loob-loob niya ito na ang magiging panibagong pamilya niya.
"Ako si Berna, ito ang asawa kong si Ambo at ang dalawang anak kong si Benny at Bernard." Pagpapakilala naman ng ginang sa mga ito.
"Kamusta kayo?" tanong niya sa mga ito.
"Maayos naman ho.." sabay na sambit ng dalawa. Tumingin siya sa ama ni Ben. Wala man lang kangiti-ngiti sa kaniya.
"Hali ho kayo sa loob. May hinanda akong pagkain sa inyo. Mae, kaw na bahala sa mga bata. Please."
Hinila ni Priyanka ang kamay ng nanay ni Ben. Nagtuloy-tuloy sila sa kusina, at tumambad sa mga ito ang pagkaing hinanda niya sa mga ito. Halos mapuno ang mahabang lamesa sa putaheng pinili niyang isalubong sa mga ito.
"Kain kayo po kayo ha. Huwag ho kayo mahiya, dahil simula sa araw na ito parang inyo na po ang bahay na ito at ang lahat ng nakikita niyo.."
Nilingon niya ang magulang ni Ben. Nakita niya sa mga mata ni Aleng Berna ang saya ganoon din sa dalawang nakababatang kapatid ni Ben.
"Wow.. May lechon at madaming ulam," galak na sabi ni Bernard.
"Sa inyo yan ha. Kain kayo ng mabuti," sabi niya nang lingunin niya ang mga ito.
Naunang umupo si Prinyaka sa sentro ng upuan. Umupo si Mae sa kanang bahagi niya.
"Upo ho kayo," aniya ni Mae. Umupo ang dalawang bata ganoon din si Aleng Berna. Nang magsalita ang padre de pamilya nang mag-anak.
"Huwag na ho tayo magpaligoy-ligoy pa, Maam Priyanka. Ano ang kailangan nyo sa amin? Nasaan si Benjie?" tanong nitong sa kaniya nakatingin.
"Ambrosio! Ano ba?! Maam Priyanka pasensiya na ho," aniya ni Aleng Berna sa kaniya sa naging asal ng asawa nito.
Pinagkrus ni Priyanka ang mga daliri niya nang ipatong niya ito sa lamesa.
"Wala ho akong masamang masamang intensyon. Gusto ko ho kayo tulungan, bilang babae sa buhay ni Ben at magiging nanay ng magiging apo niyo.."
Pansin niyang napalunok si Mae sa tabi niya. Pagkabigla naman ang nakita niya sa mga mata nito, na ilang segundo napalitan ng saya ang emosyong pinamalas sa kaniya ni Manang Berna.
"MS. PRIYANKA, TOTOO BANG BUNTIS KA O SINABI MO LANG 'TO PARA SA IBANG MOTIBO MO SA KANILA?"
Narinig ni Priyanka na tanong sa kaniya ni Mae. Pinili niyang tumungo sa silid niya pagkatapos nilang kumain. Halos maubos ang pagkaing hinanda niya para sa mga ito. Ano pa ba ang aasahan niya? Pakiramdam niya nga ngayon, mapapasabak siya mas malaking gastusin dahil sa pagdating ng mga ito sa buhay niya.
"Mae, b-buntis ako kay Fahad.." pag-amin niya rito.
Hindi maikakaila ang gulat sa mga mata ni Mae, sa pinagtapat niya rito.
"Masisira ako sa lahat ng kliyente ko kung malalaman na nilang nagpabuntis ako sa isang lalaking may pamilya na."
"Kaya si Ben iyong nakikita mo? Si Ben, iyong plano mong makilala ng anak mo?"
Tumango-tango siya rito. Ayaw niya man may makaalam ng plano niya wala siyang magawa kailangan niyang ipagkatiwala ang lahat kay Mae, sa gayon may kasama siyang mag-pro-protekta sa kaniya pagdating ng araw na kailangan niya ito.
"Makakaasa ba ako sa iyo, Mae, na walang kahit sino ang makaalam nito?"
"Makakaasa ka sa akin, Ms. Priyanka. Kahit minsan naman hindi kita bibiguin. Pangako ko sa iyo iyan. Nandito lang ako."
Niyakap siya ni Mae, at niyakap rin ito ng mahigpit. Ngayon, mas magiging magaan na sa kaniya ang lahat. Ang kailangan niya na lang ang pag gising ni Ben at pagkumbinse sa pamilya nito.
Siya na ang bahalang gumawa ng paraan, para sa mag-anak ni Ben; iikot ito sa pera niya. Hindi niya hahayaang, hindi niya ito mapapasunod gaya ng lahat ng mga taong nasa paligid niya.
"Dito na rin ba sila titira?" tanong nito sa kaniya nang kumawala ito ng yakap niya.
"Oo. Mas mainam na nakikita ko sila, mas mapapadali ko iyong lahat. Plano ko ring dalhin si Ben sa Dubai para d'on na lang magpagaling.."
"Papayag kaya ang pamilya niya, Ms. Priya?" tanong nito sa kaniya.
"Kahit naman hindi sila papayag, Mae. Buo na ang loob ko, kailangan kong gawin 'to. Ayaw kong lumaki ang tiyan kong iisipin ni Fahad na siya ang ama nito."
"Pero paano mo magagawang makumbinse si Ben, na sa kaniya ang pinagbubuntis mo?" tanong nito sa kaniya.
Matalino si Priyanka. Napaghandaan niya na ang lahat-lahat. Gaya ng sinabi niya sa sarili niya, handa siyang magpakawala ng milyon-milyon kapalit ng lahat ng gusto niyang mangyari.
"Sige na, Ms. Priya. Magpahinga ka na muna. Makakasama sa anak mo kung magpupuyat ka."
Ngumiti siya kay Mae. Napakaling talaga ng tulong nito sa kaniya, lalo na sa ngayong pinagtapat niya na ang lihim nya dito.
Mapagkakatiwalaan niya si Mae.
_____
EVACUATION CENTER
MALIWANAG na ang panahon nang gumising si Melody. Nasa isang evacuation center pa rin sila. Hindi siya pinayagang umuwi ni Margie, kahit na gustuhin niya man para linisin ang bahay nila.
"Good morning, Oddie," ani sa kaniya ni Margie nang gumising din ito.
"Magandang umaga, Gie.." ganting bati niya rito.
Bumangon ako at umupo patabi rito, habang nanatili ito sa pagkakahiga.
"Gutom ka ba?" tanong nito sa kaniya.
Dalawa lang sila nang kaibigan sa isang tent na binigay sa kanila nang ilang tao sa barangay. Nagkasya naman sila kahit maliit ito, pinagkasya rin nila ang sarili sa isang single foam na pahiram din ng barangay nila.
"Iniisip mo na naman si Benjie?" tanong nito.
Hindi niya naman maikakaila iyon. Wala naman araw at oras na hindi niya inisip ito.
Bumangon si Margie at umupo patabi sa kaniya.
"Oddie, hanapin kaya natin siya sa Manila. Hindi ba, doon ang punta niya? Baka makita natin siya," suhestiyon nito sa kaniyang kinalingon niya rito.
"Sa tingin mo? Makikita ba natin siya?" ganting tanong niya rito.
"Posible, Oddie. Mahahanap naman siya ng puso mo 'di ba?"
Gusto niyang maiyak ngayon sa binigay na pag-asa sa kaniya ni Margie.
Tumango-tango siya rito. Gusto niya ang ideyang iyon. Pero natigilan siya nang naisip kung saan siya kukuha ng pera para gamitin pagluwas ng siyudad.
"May kilala ako, si Aleng Mercy, naghahanap siya ng mga babaeng gusto magtrabaho sa Manila. Naisip kita nang marinig ko iyong usapan nila. Libre daw pamasahe," untag nito sa kaniya.
Para bang narinig nito ang iniisip niya ngayon.
"Ano sa tingin mo?" dugtong pa.
"Magagalit si Benjie kapag nalaman niyang sumama ako sa ibang tao, Margie."
"Kasama mo naman ako eh. Hindi naman kita pababayaan. Kasama, mo akong magpaliwanag kay Benjie kung sakali makita natin siya at magalit siya sa iyo. Palaging nasa likod mo ako, Melody." Kumbinse nito sa kaniya.
Ngumiti siya rito. Iyon na ang pinakahihintay niya ang siya mismo ang maghanap kay Benjie at kasama siyang bumalik ito sa La Union.
"Pag-isipan mo ha. Ako ang bahala kay Aleng Mercy."
Tumango-tango siya rito hindi niya man alam kung anong trabaho ang sinasabi ni Margie sa kaniya, buo naman ang tiwala niya ritong hindi siya nito ipapahamak.
Magkapatid na ang turing nila sa isa't isa.
"Sasama ako..."
Buo ang loob niyang sambit dito. Hindi niya man napag-isipan ang bagay na ito buo ang loob niya. Para kay Benjie ang lahat ng 'to, kaya kailangan niyang tumaya kung ang kapalit n'on ay ang pagsasama nilang muli sa hirap at ginhawa kapag bumalik na sila ng La union at hindi niya na hahayaang mawala ito ulit sa kahit na ano'ng dahilan, at kahit na ano pang opurtunidad na sasabihin nito sa kaniya.
Maibalik niya lang si Benjie, kakalimutan niya ang lahat kahit na ang pangarap nilang dalawa.
Ang mahalaga lang sa kaniya ay ang makasama ito sa lahat ng hirap at lahat ng saya na ipagkakaloob sa kanila ni Bathala.
_____
___