IX - MULAT

908 Words
MULAT ____ "MELODY... MELODY.." BIGLA ang naging pagmulat ni Melody nang marinig ang sunod-sunod na pagtawag sa pangalan niya. Naalimpungatan siya. Tumingin siya sa paligid niya, nandoon ang pagtataka kung bakit siya nakasampa sa bubong nila. Napangiti siyang hindi maipaliwanag. Wala siyang natatandaan kung paano nangyari ang lahat ng 'to? Wala siyang naalala kung paano siya naka-akyat. Ang natandaan niya ay ang halos hanggang leeg nang tubig na pumasok sa bahay nila. "Melody.. Melody..." untag pa. Kilala niya ang boses na iyon, walang iba kun 'di sa matalik niyang kaibigang si Margie. Tumayo siya nang dahan-dahan. Matibay naman ang pagkakagawa ni Benjie sa bubong nila kaya wala siyang pangamba. Mayroon pa ring tubig sa buong paligid. Mula sa taas kitang-kita niya ang mga bahay ng mga kapitbahay nilang napaligiran ng puro putik ang buong paligid ng bahay na kinatitirikan ng mga ito. "Margie.. Margie, nandito ako.." sigaw niya. "Melody.." Pumasok si Margie sa silid nila. Bumaba siya sa bintana ng kwarto nila ni Benjie. "Nandito ako." "Oh my god! Buhay ka, Oddie. Baba ka na diyan. Ligtas ka na, tayo na." Mag-isa lang si Margie. Hindi rin siguro lumikas ang kaibigan niyang bakat sa mukha nito ang sobrang pagkabalisa dahil siguro sa sama ng panahon na nangyari sa bayan nila. "Kamusta ka?" tanong nito sa kaniya nang tuluyan siyang makababa. Niyakap niya ang kaibigan niya. Iyon bang ito na ang naging pangalawang buhay nilang dalawa. "Ligtas naman ako," masaya niyang sambit dito. "Kailangan na natin pumunta sa evacuation center, Melody. May narinig akong balita na baka magkalindol pa rito," untag sa kaniya. Umiling-iling siya. May araw na ngayon, malakas ang kutob niyang sa araw na 'to babalik si Benjie. "Anong ayaw mo? Hindi pwedi, Melody! Kailangan na natin umalis dito! Hinde pweding hindi, Melody. Aalis tayo rito sa ayaw at sa gusto mo!" Hinawakan siya nito sa kamay niya, akma siyang hinila ito nang hinila niya sa kamay pabalik mula rito. "Uuwi na ngayon si Benjie, Margie. Uuwi na siya! Nararamdaman ko. Niligtas niya ako kagabi. Niligtas niya ako," paulit-ulit niyang sambit dito. "Melody, normal kang tao. Please. Huwag kang magpapatalo sa ilusyon mo," sermon nito sa kaniya. "Margie. Please. Please." "Pinakinggan na kita n'on ako naman ang pakinggan mo ngayon, Melody. Kailangan na natin umalis dito." Tumulo ang luha niya sa mga hindi inasahang binitiwang mga salita sa kaniya ni Margie. Nag-alala lang ito sa kaniya at wala siyang dapat ipangamba. Siya lang naman ang inaalala nito ang kapakanan niyang bilang kaibigan nito; dapat nga magpasalamat pa siya dahil may isang Margie na nag-alala sa kaniya, na pinuntahan siya't inuna bago din nito unahin ang sarili. "Hindi na ako nagbibiro kailangan nating umalis ngayon din." Nilingon niya ang buong bahagi ng silid nila ni Benjie. Halos basa lahat ng gamit niya; maging ang ilang ala-ala na iniwan sa kaniya ni Benjie lahat ng iyon naanod sa baha. Kabilang na ang nag-iisang larawan na pinakatago-tago niya. Pati iyon hindi niya nagawang iligtas. "Tayo na, Melody. This time sarili mo naman ang piliin mo ang mahalin mo higit kanino man. Dahil kung magpakatanga ka pa rin, baka pagbalik ni Benjie patay ka na." Hinila siya ni Margie sa kamay niya. Hindi niya nagawang makipagtigasan pa rito. Tama ang kaibigan niya, kung hindi niya pipiliin ang sarili nya ngayon baka wala na siyang buhay kapag bumalik si Benjie. ___ TAGAYTAY HOSPITAL "YES! GUMISING SIYA. BUT NOW HES CONDITION SEEMS LIKE BEFORE WHEN HE ADMITTED HERE.. WHAT DO YOU THINK, JASEEM?" tanong ni Priyanka na puno ng pag-alala sa pinsan niyang si Jaseem sa kalagayan ni Ben. Sinabi niya ang lahat ng nangyari kanina lang. "He is stable right?" tanong sa kaniya. "Yes. He is. I'm still worried kung ano ang nangyayari sa kaniya. I want him to be okay, Jaseem. Please. Help me." "Just calm down, Priyanka. Take it easy, everything will be alright. You better to trust the process. The good thing you will do is bring him here in Dubai." Huminga siya nang maluwag. Sa lalong madaling panahon kailangan niyang magdesisyon para kay Ben. Kailangan niyang makausap ng pamilya nito sa ganoon hindi iligal ang gagawin niyang pagdala sa lalaki sa ibang bansa, kahit pa sabihing tulong ang inaalok niya rito. Iba pa rin ang may permiso, aniya sa sarili. "I'll process everything. Thank you, Jaseem." "Anything, Priya. You can count on me." Nagpaalam siya rito. May tiwala siya kay Jaseem, alam niyang mapagkakatiwalaan niya ito sa lahat ng bagay na kinakailangan niya rito. Hindi siya bibiguin nito, ang kailangan niya lang ay ang magtiwala rito. Binalik niya ang tingin kay Ben. Ilang oras na siyang naghihintay na muling magkamalay ito at makapagsalita kahit papano. Gusto niyang makausap si Ben, hindi siya pweding maghintay na lang kung kailan ito magigising. She text Mae. Ipapaayos niya rito ang flight pagluwas ng buong pamilya ni Ben. Dadalhin niya ito sa Dubai, at doon sa bansang iyon hindi siya papayag na hindi ito gumaling o magkaroon man lang ng improvement sa kalagayan nito. Gaya nga ng sabi ni Jaseem sa kaniya, Dubai offered a lot of better technologies para sa sino mang pasyente ang nangangailangan. Idagdag pa ang mga doctors, na magagaling sa kaniya-kaniyang field kasama na si Jaseem. 'Kung kinakailangang bayaran ko ang lahat para lang magising kang walang maalala gagawin ko, Ben! I want you to remember only me.. ako lang, Ben!" tahimik niyang bulong sa sarili. Ang planong binuo niyang sigurado siyang ito ang kakamulatan ni Benjamin. ____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD