02

1183 Words
Chapter 02 3rd Person's POV Pinag-isipan ni Jasper lahat ng sinabi ni Fider at ng mga kapatid niya. Habang nakahiga nilingon ni Jasper iyong table niya nandoon lahat ng art materials niya. "Sa tingin ko tiyaka ko na iisipin ulit mga iyon kapag nagawa ko ng maka-survive sa competition ng university namin. Kinakabahan ako," ani ni Jasper. Tumagilid ang lalaki at humarap sa kabilang bahagi ng kwarto. Bukas na ang biyahe nila patungo sa university kung saan magaganap ang competition. "Sana maging ayos lang ang lahat," bulong ni Jasper. Pumikit na ang lalaki hanggang sa paunti-unti nahila ng antok. Ngunit higit pa doon ang nangyari. Noong makarating sila sa university kasama si Fider at ang dalawang mga kapatid na babae agad siya nagkaroon ng mga kaibigan at kakilala. Nasa 24 ang kalahok ng competition. Apat silang lalaki at rest puro babae na then sa competition na iyon. Natutuwa si Jasper dahil kahit magkakalaban sila sa event ay mababait ang mga ito sa kaniya. "Kyaah! Ang cute mo. Kasing age ka lang talaga namin? Gosh, may ginagamit ka bang skin care?" Napangiwi si Jasper pagkatapos may mga babaeng pinisil-pisngi niya. As in pinagkaguluhan siya sa back stage. "Anong ginagawa niyo diyan. Gumawa kayo ng linya." Napatigil ang mga babae at lumingon. May apat silang magagandang babae din na nakita. May tatlong pulang line sa sleeve ng uniform ng mga ito at simbolo ng student council. Nag-sitabihan ang mga estudyante. Natulala ang ilan pang representative galing ibang school matapos makita ang apat. Angas kasi ng dating ng mga ito at talagang matatangkad na babae. Napatigil ang isa sa apat na babae. Which is si Ceres Wu Victoria. "Ms, hindi ka mo ba narinig ang sinabi ko? Gumawa kayo ng linya dahil magi-start na ang program," ani ni Ceres. Napatalon si Jasper at nahihiya na tumabi. "Pasensya na!" sigaw ni Jasper. Nag-panic siya. Hindi niya kasi namalayan na nakatulala na pala siya sa apat na babae. Tumungo siya sa direksyon kung saan nakalinya ang mga lalaki. "I think maling line pinuntahan niya," ani ni Vesta Victoria Ophlia. First cousin ni Ceres. Lumapit ang apat kay Jasper na ngayon au tinitingnan ng tatlong lalaki na galing din sa ibang university. "Girl, mali ka ng line. Doon ang girls," ani ni Levi Everell at tinuro ang kabilang line. "Ahm, la— lalaki ako," ani ni Jasper na nakayuko. Napa-ow si Levi hanggang sa may ma-realize ito. "What!" ani ni Levi. Halata sa mukha nito ang gulat at ni-head to toe si Jasper. "How cute," komento ni Lucinda Everell ang kapatid ni Levi na natatawa. Hinablot ni Ceres ang panga ni Jasper at inangat. Paiyak na si Jasper— feeling niya kasi binu-bully na siya ng apat. "Lalaki ka ba talaga?" tanong ni Ceres. Tumungo si Lucinda sa likod ni Jasper at hinawakan ng bewang ni Jasper. "Bakit hindi natin alamin?" ani ni Lucinda na nakangisi. Hinawakan ni Lucinda ang tiyan ni Jasper pababa. Mas lalong namula si Jasper at hindi siya makagalaw. "Stop messing around," ani ni Vesta matapos hawakan ang kamay ni Lucinda at hilahin ang babae paalis sa likod ni Jasper. Sa apat si Lucinda ang pinakamaloko. Gustong-gusto nito ang makipag-flirt sa kahit na sinong lalaki i-seduced ang mga ito but she still never in touched like type lang iyon ng mga laro niya at kapag nakita niyang nabitin ang sino 'mang lalaki na nilalaro niya sa mga palad niya satisfied na siya. Tumunog ang speaker kaya napatingin ang apat sa taas. "Student council members— go to Dean office, now." Napa-pokerface si Ceres at binitawan ang pisngi ng lalaki. Napamura si Levi at sinabing gusto niya na mag-quit. Kagagaling lang nila ng office kanina. Nilagay ni Ceres ang kamay sa bulsa ng skirt at nilingon si Vesta. "Ikaw na lang dito magi-start na ang program. Kami na ang pupunta sa office," ani ni Ceres. Nakahinga si Jasper matapos nga tigilan siya ng apat. Lumingon pa si Ceres kay Jasper bago naglakad paalis kasunod si Lucinda at Levi. "Nahawakan mo ba? Lalaki ba talaga?" tanong ni Levi. Sinabi ni Lucinda na hindi kasi epal si Vesta. Namumula ang pisngi ni Jasper. Nahiya siya bigla at shocked pa din siya dahil sa pagiging agresibo ng mga babae. "Pagpasensyahan mo na sila." Napatigil si Jasper matapos may tumapik sa balikat niya. Nag-angat siya ng tingin at nakita niya si Vesta na naglalakad papunta sa line ng mga babae. Doon nalaman ni Jasper na student council pala ang apat at isa sa mga ito ang kalaban niya sa competition. Nagkaroon ng kaunting introduction naging maayos din naman ang ilang mga event at competition— nakakapasok siya sa mga round. Doing good naman lahat except sa palaging nagkaroon ng gulo at hindi sila natatahimik sa university na iyon dahil sa mga pinsan ni Fider. "Huwag mo na ako alalahanin Jasper. Mag-focus ka sa competition mo. Kaya ko ito— pagkatapos ng competition sure naman ako aalis na tayo dito," ani ni Fider. Hindi niya pa din maiwasan mag-alala kay Fider kahit ano pa sabihin nito. Sa lalim ng pag-iisip ni Jasper hawak ang bottle ng juice may nabangga siya sa pinto ng cafeteria at natapon ang dala niyang juice. "Bulag ka ba!" sigaw ng lalaki at hinablot ang kwelyo niya. Ang lalaking tao ng mga kaharap niya. "Hindi— hindi ako bulag. Hindi niyo ba nakita na may sign diyan na exit? Bakit diyan kayo dumadaan," ani ni Jasper. Totoo naman dahil sa kabila ang entrance. "Aba marunong ka pa sumagot! Hindi mo ba kami nakikilala!" Tinulak nito si Jasper na bumangga sa table. Maraming estudyante ang sinisigawan ang grupuhan dahil sa gulong ginagawa ng mga ito. "Ow taga-ibang school," ani ng isa sa anim na lalaki matapos madampot ang I.d ni Jasper. "Ibigay niyo sa akin iyan!" sigaw ni Jasper. Lumapit si Jasper at inaabot iyon. Itinaas iyon ng lalaki. Hinawakan nito ang ulo ni Jasper. Nagtatawanan ang mga ito. Napatigil ang lalaki matapos may humila ng buhok niya at nakaladkad siya palabas. Sumabit ang paa niya sa bench na nasa labas ng cafeteria kaya bumaliktad siya doon. "Mga basura. Hindi talaga kayo marunong makinig," ani ni Levi isa sa student council. Nagtakbuhan paalis ang mga lalaki. May nakita siyang I.D kaya kinuha niya iyon. Tumingin siya sa pintuan ng exit ng cafeteria. Nakita niya si Jasper. Ngumiti ang babae at iwinagayway iyon. "Sa iyo ba ito cutie boy?" tanong ni Levi Everell. Partner in crime ni Lucinda— sa apat na babae si Levi lang ang nakakasakay sa trip ng kapatid. Kapatid niya iyon siyempre except na lang talaga sa mga pangti-trip ng kapatid sa mga lalaki— hindi siya sumasama doon. May boyfriend naman kasi si Levi kaya talagang iwas ito sa mga lalaki respect na din sa boyfriend niya. "Sa-salamat. Akin iyan," ani ni Jasper. Lumapit si Jasper at nahihiyang nilahad ang kamay. Napangiti na lang si Levi. Hindi niya maiwasan hindi magkainteres sa lalaki dahil ang cute nito specially kapag namumula sa harapan nilang apat at nahihiya. "Ingatan mo na iyan sa susunod at iwasan mo ang mga ganoon na tao sa university na ito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD