03

1063 Words
Chapter 03 3rd Person's POV Hindi maiwasan ni Jasper mamangha sa apat like parang knight shining armor niya ang mga ito. Ilang beses na kasi siya niligtas ng mga ito. Maganda, malakas ang dating at cool. Isa pa dahil doon sobrang lakas ng t***k ng puso niya kapag nakikita niya ang apat like— halos wala na siyang naririnig at bigla siyang nahihiya. Madalas niya nakikita ang apat sa field, gymn at sa cafeteria. Napapalibutan ng maraming estudyante— mukhang wala sa university na iyon ang hindi nakakakilala sa apat. "Sina Ceres? Wala pa akong nababalita na may boyfriend sila except kay Lucinda at Levi. Si Lucinda kahit naman sinong guy pinapatulan 'non si Levi may long time boyfriend na siya like simula first year boyfriend niya na iyo. Wait bakit ka interesado? Yieeh may crush ka ba sa isa sa kanila? Sino iyan?" Napapalibutan ng mga babae si Jasper sa loob ng art club. Kaibiga na niya ang mga ito simula first day. Nahiya si Jasper at sinabing wala siyang crush sa apat humahanga lang siya. "Eh anong pinagkaiba 'non? Maganda sila, matalino, independent, malakas and cool," ani ni Jasmine. Natawa si Jasper. Sinabi ni Jasper na ganoon din naman si Jasmine matalino at cool. "Gosh! Ang galing mo talaga mambola," ani ni Jasmina at nag-act na nahihiya. Nagtawanan sila doon. Napatitig si Vesta na halos 1 minute na din nakatayo sa pintuan at nakapako ang tingin kay Jasper na tumatawa. Nakaupo ang lalaki sa upuan at napapalibutan ng mga babae. Napatigil si Jasper at napatingin sa pintuan sakto naman na naglalakad papasok si Vesta na mukhang may kukuhanin lang sa bag. "Anyway, Jasper. Nakita kita kahapon. May guy na nakaakbay sa iyo. Lagi mo siyang kasama boyfriend mo?" tanong ng isa sa mga babae na nandoon. Naglapitan sa kaniya ang mg girls at sinabing gwapo din ang guy na iyon kahit tan iyong skin. Isa lang naman iyong guy na lagi niyang kasama at sinusundo siya sa labas ng building. "Si Fider?" — Pagkatapos nga ng pangalawang event para sa month na iyon lumabas na si Jasper sa venue kasama si Fider. Nauna na ang parents nila sa sasakyan at silang dalawa na lang ni Fider ang magkasama. "Wait kukuhanin ko lang pala muna iyong bag ko sa art room," ani ni Jasper. Sinabi ni Fider na siya na ang kukuha. Umupo na lang muna si Jasper sa bench. Ilang oras din kasi nakatayo doon si Jasper at alam ni Fider na pagod na ang lalaki. Nagpasalamat si Jasper. Sa totoo lang kasi hindi niya na kaya maglakad pa. Ang sakit na ng mga paa niya dahil sa pagtayo doon. Kung ayaw niya lang magmukhang kahiya-hiya sa tapat ni Vesta na katabi niya lang din kanina ay umupo na siya sa sahig para magpahinga. Naghanap si Jasper ng mauupuan nang may makita siyang mga pamilyar na lalaki. "Hey nandito si purple guy." Natakot si Jasper. Wala si Fider doon dahil kinuha nito ang bag nila at wala siyang kasama. Nakabangga niya ang mga ito last time noong papasok siya sa venue ng event. Hindi lang siya nalapitan ng mga ito dahil kasama niya ang ama. Aalis si Jasper nang may humarang sa kaniya na isa pang estudyante. "Dude, sayang ang ganda," ani ng isa sa mga ito at hinablot ang panga niya. Tumawa ang mga ito at sinabing huwag papaloko. May alaga din iyan. Agad na naitulak ni Jasper iyong lalaki bago pa mahawakan ang bagay na nasa pagitan ng mga hita niya. Tumawa ang mga ito matapos siya bumagsak sa sahig. Gusto niya na umuwi. Tiningnan ni Jasper ang palad niya na nagasgasan. Tiningnan ni Jasper iyong mga lalaki na nasa harapan niya at may naiiyak na expression. Natulala ang mga ito. Napasubsob ang isa sa mga ito sa lupa matapos may lumipad na bag. "Wala kayong kadala-dala. Hindi ba sinabi ko sa inyo na huwag kayong gagawa ng gulo lalo na sa loob ng campus?" Napatigil si Jasper Rivas Ortega. May apat na babae na naglalakad palapit sa kaniya. Iba ang uniform ng mga ito at may selyo ng student council ang mga uniform nito. "Ang student council!" Nagtakbuhan ang mga ito paalis. Napataas ng kilay ang isa sa mga babae matapos makitang dalawa sa mga ito ang nadapa. Pilit na tumayo si Jasper at kinuha iyong bag na nasa paanan niya. Tiningnan niya iyong apat na babae. "Jasper Ortega?" Napatigil si Jasper matapos banggitin ng isa sa magagandang babae ang pangalan niya. "Isa ako sa mga kasali sa art competition," ani ng isa sa mga ito. Nahihiyang yumuko si Jasper at sinabing alam niya. Lagi niya nakikita ang apat. "How cute? What's your name puffin?" Napaangat ng tingin iyong babae na nasa unahan. Ngumiti ang babae at nilagay ang buhok sa likod ng tenga. Namula si Jasper— lalo na ng makita nito ang maputing leeg ng babae. "Are you okay?" Nataranta si Jasper. Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang ibit matapos may pumasok na scenario sa isip niya kung saan nasa ilalin niya ang babae. Tumakbo si Jasper palayo. Nadapa pa ito at nasubsob sa bag. Ngunit agad din ito tumayo at binitbit ang bag. "Sinabi ko na ang pangalan niya kanina Ceres bakit kailangan mo pa itanong ulit?" "Shut up," ani ng babae na mabilis din nagbago ang expression kalaunan ay napangisi. "I think magkikita pa kami," ani ng babae. Napataas ng kilay si Vesta. "Paano mo nasabi?" tanong ng dalaga. Nilingon ni Ceres ang tatlo at sinabing dinala ng little puffin niya ang bag niya. "Natawa ka pa. Nandoon ang budget plan ng university natin diba?" "Ceres Wu Victoria! You b***h!" Mabilis ang naging pagtakbo ni Jasper habang may yakap na bag. Hiyang-hiya siya kina Ceres tapos nadapa pa siya. "Jasper? Bakit ka tumatakbo?" Napatigil si Jasper at lumingon. Nakita niya si Fider na dala ang bag niya at napatingin ito sa dala niyang bag. "Kaninong bag iyan?" tanong ni Fider. Nagulat si Jasper nang pagbaba niya ng tingin nakita niya ang bag ni Ceres. "Holyshit! Nadala ko ang bag niya," ani ni Jasper at sinapo ang noo. Nataranta siya kanina kaya hindi niya naibalik iyon. "Jasper, hindi mo naman ninakaw iyan diba? Siguradong yayariin ka nina sir Jack—" Inakbayan ni Jasper sa leeg si Fider at pabirong sinakal. "Loko ka! Hindi ko ito ninakaw!" Tumawa si Fider at sinabing nagbibiro lang naman siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD