CHAZZY Hindi na ako nakapagpaalam sa mga staff ko dahil hinila na ako ni Reece palayo sa boutique. Tinanong niya ako kung saan ko gusto kumain, pero pinaubaya ko na lang ito sa kanya. Pumasok kami sa isang restaurant. Hindi pa kami um-order dahil hihintayin pa raw namin si Thomas. Pero habang naghihintay, nakatuon naman ang atensyon nito sa akin. Nailang ako dahil hindi niya inaalis ang mata sa mukha ko. Parang amaze na amaze siya na nasa harap niya ako. “Nasaan na ang kasama mo?” tanong ko, para lang may pag-usapan kaming dalawa. Sinundan ko ng tingin ang nginuso niya. Nasa likuran ko pala ang kasama niya. Pero bakit doon ito nakaupo? “Bakit hindi na lang siya sumama sa atin?” “Hindi talaga s'ya sumasama kapag may kasama ako, Ate Chazzy,” mabilis na sagot nito. Na-curious ako

