CHAZZY Kahit iba ang tingin na pinupukol niya sa akin, mas pinili ko pa rin maging propesyonal sa harap niya. Ayoko masira ang imahe ko sa mga staff ko dahil lang sa pagsulpot ng babaeng ito, na kung tumingin sa akin ay parang maliit lang akong tao na kaya niyang tapakan. “Is there anything I can help you with, ma'am?” magalang pa rin na tanong ko, kahit iba na siya tumingin sa akin. "I'd like to talk to you about Thomas,” nakataas ang kilay na sabi niya, na simula ng makaharap ako, hindi na pumantay. “What about him?” “Keep your distance from Thomas. Don't be all over him," she said sternly, pushing me away with a finger on my shoulder. Bahagya akong napaatras sa ginawa niya. Pasimple kong tinapunan ng tingin ang mga staff ko. Nakatingin sila sa amin, partikular sa akin. Puno ng

