CHAZZY Mabilis akong umupo sa sofa at hinanap ang article na patungkol kay TVV. Makalipas ang ilang segundo na paghahanap, tumambad na ito sa mga mata ko. Pinatong ko muna sa sofa ang magazine at pumasok sa kwarto para kumuha ng ballpen. Pagbalik ko ay nadatnan ko siyang nakapamulsang nakatayo, salubong ang kilay na parang nagtataka sa kinikilos ko. Hinawakan ko siya sa kamay at hinila, saka pinaupo sa sofa. Excited na binigay ko ang ballpen na hawak ko bago pinatong ang magazine sa glass table. Tinuro ko ang article tungkol sa kanya. “Am I going to sign the article?” Nakangiting mabilis akong tumango. Kahit medyo nagtataka pa rin sa akin, pinirmahan niya ito, sa parte na hindi matatakpan ang nakasulat sa article. Saka ko lang napatunayan na siya nga si TVV dahil sa parehong pirma ni

