CHAZZY Hindi ako nagpatinag sa sinabi niya. Masama na tingin ang pinukol ko at pilit na nagpumiglas. Ngunit sa higpit ng hawak niya sa palapulsuhan ko, ay hindi ako makawala sa kanya Bigla akong nabahala ng sumilay ang ngisi sa labi niya. Pakiramdam ko ay may kademonyohan na tumatakbo sa isipan niya dahil sa ngisi na pinakawalan niya sa harap ko. Mayamaya lang ay tinanggal niya ang tuwalya sa ulo ko, kaya bumagsak ang buhok ko. Binitawan niya ang tuwalya at kaagad na hinawi ang ilang hibla ng aking buhok na nakatabing sa mukha ko. Pigil ang aking hininga habang nilalagay niya ang buhok ko sa likod ng tainga ko. Bawat pagdampi ng daliri niya sa balat ko ay nagdudulot ito ng boltahe ng kuryente sa buong katawan ko. Bagamat nakikiliti at mabilis na tumaas ang balahibo ko sa katawan, pi

