CHAZZY Nanigas ako sa pwesto ko at nanatili lamang na nakatingin sa sasakyan na kaunti na lang ang espasyo sa tuhod ko. Parang biglang tumilapon ang puso ko sa gulat ng biglang sumulpot ang sasakyan na nasa harap ko. Mabuti na lamang ay hindi ako napuruhan ng nagmamaneho dahil kaagad itong huminto. Lumabas ang nagmamaneho ng sasakyan. Napalunok na lang ako nang makita ko siya. Sa sobrang gulat ko, hindi ko nakilala ang kotse niya. Walang emosyon ang nabanaag ko sa mukha niya habang palapit siya sa akin. "What the hell are you doing?" His voice boomed, echoing across the parking lot. Kalaunan ay nakabalik ako sa huwisyo ng dahil sa presensya niya. Bumaba ang mata ko sa kamay niya. Nakagat ko na lang ang labi ko nang makita ang duguang kamao niya. Hinawakan ko ito at matamang tinitigan

