Part 5

2030 Words
THE MOOD was festive. Attentive ang mga receptionists ng Belle’s Pepper sa pagsalubong sa mga guests. Isang tingin pa lamang niya sa mga ito ay nakatitiyak siyang alam na alam na ng mga ito ang gagawin. May isang sandali na parang ginusto niyang umatras. Pero mabilis din niyang pinalis ang ideyang iyon. Sa halip, nilakihan pa niya ang hakbang. “Porsche!” It was Belle. Nakabuka ang mga bisig na sinalubong siya nito ng yakap at beso. Lumipad ang anumang pag-aalinlangan na nararamdaman niya. “You’re also here,” natutuwang sabi niya. Belle rolled her eyes. “Naku, si big brother ang may kasalanan. He cancelled our dates. Imagine, pupunta sana kami ni Rannie sa Clark Speedway but here I am.” Nakasimangot ito subalit base sa pagkakilala niya dito, hindi naman ito totoong masama ang loob. “Where’s Jack?” “Oh, he’s out with his date. Ang daya, di ba?” Parang sumama ang timpla niya. Iyon nga ang mismong naramdaman niya. Madaya si Jack. Pero ano nga ba ang magagawa niya? May girlfriend itong tao. Tila isang krimen sa magkarelasyon ang hindi pagde-date sa espesyal na araw na iyon. It was the most awaited day for couples. But why did she feel betrayed? Pinilit-pilit siya ni Jack na tapusin ang pagmumukmok niya, somehow, iniisip niyang ito ang makakasama niya sa gabing iyon. He even boasted of the event he created for her! Girlfriend over best friend, she reminded herself. Ah, bitter. Ang pait-pait talaga ng kapalaran niya ngayon. Maybe, may ampalaya din sa menu sa gabing iyon? “Let’s get inside. Pepper is in-charge of the event for... singles,” pabuntong-hiningang sabi nito. “Kami pala ni Pepper ang magkakampi.” “Tayong tatlo ang magkakakampi. Pare-pareho tayong walang date.” “You just don’t have a date for the time being. Pero ako...” “Let’s have some fun tonight. Bawal ang bitter.” Hinila na siya nito patungo sa Pepper’s Corner. She almost cringed when she heard the song being played. Where do broken hearts go Can they find their way home... “Ganyan talaga ang music background dito?” linga niya kay Belle. “Yes, and many more. Look at Pepper. Nagsisimula nang magbasag doon.” She was stunned. Nasa isang bahagi ng hall si Pepper. Sunod-sunod ang pagbalibag nito ng kahit anong bagay na mahagip sa isang malaking pader na puno ng mural at graffiti. Umaabot sa pandinig niya ang ingay ng impact niyon sa pader.. “Why is she doing that?” manghang tanong niya. “Part of the concept of this party. Baka gusto niyang ma-feel din. Or baka naman talagang gusto niyang mag-vent out. Alam mo na, kagaya ko ay hinarang din ni Jack ang date niya. Baka frustrated pa.” Kinawayan nito ang kapatid. “Pepper Spray!” Lumingon ang babaeng halos walang pinagkaiba sa pisikal na anyo ni Belle. Mabilis na gumuhit ang ngiti sa mga labi nito nang magtama ang tingin nila. “Porsche, tonight’s very special guest!” Kagaya ng kakambal nito, sinalubong siya ni Peper ng yakap at beso. “Should I be honored or insulted?” nakangiting tugon niya. “This is the night of the night. We hope this will be the turning point for the brokenhearted. Lahat ng guests na bigo ngayong gabi, inaasahan naming uuwi na naka-move on na. Legal ngayon magwala dito.” Ipinorma ng mga daliri ni Pepper ang quote-unquote sign sa hangin. “Ilabas mo na dito ang lahat ng sama ng loob mo. Bukas, we’ll all look to a brand new day.” “Sana nga ay ganoon kadali,”she said wistfully. “We are getting there. The mere fact that you are here, that’s one step closer to moving on.” “Ikaw na ang bahala kay Porsche,” wika ni Belle sa kakambal. “Kailangan ko nang bumalik sa kabila. Mag-enjoy kayo dito sa moving-on s***h letting-go concept ninyo.” “At humanda ka naman na langgamin sa sweetness overload ng mga guests mo sa kabila,” tudyo ni Pepper dito. “Torture kaya iyon. Dapat nga may date din ako, di ba?” “Hindi ka susundan dito ni Rannie?” gulat na tanong ni Pepper. “Tumuloy siya sa Clark, without me, obviously. Nagtatampo nga, eh. Blue Valentine for me.” Inabutan ni Pepper ng isang pinggan si Belle. “Hit the wall,” sabay kindat nito. “Hit it with all your might.” Sumunod naman si Belle. Bumwelo pa ito bago ubod-lakas na ibinalibag ang pinggan sa pader. Bahagya siyang napakislot nang marinig ang tunog ng pagkabasag ng pinggan. “Now, tell me. Ano ang pakiramdam?” Napapitik ito ng mga daliri. “Now I understand big brother’s point with this concept. Mamaya, I’ll join you all here. Gagawin ko lang muna iyong trabaho ko sa kabila.” “May I try, too?” sabi niya kay Pepper nang iwan sila ni Belle. “You might want to save the best for last. But of course, you can try it now.” Inabutan siya nito ng kasangkapan na puwede niyang ibato sa pader. Malamya ang una niyang hagis at tinawanan siya ni Pepper. Kumuha  siya ng isa pang plato. Nilagyan niya ng puwersa ang pagbato niyon. “Feeling better?” curious na tanong sa kanya ni Pepper. Maluwang ang ngiting itinugon niya dito. “Yes!” Napatango ito bago siya kinawit. “Halika doon, meron pang ibang puwedeng gawin muna.” Akala ko, ikaw ay akin Totoo sa aking paningin Ngunit nang ikaw ay yakapin Naglalaho sa dilim... Napahinto siya sa paghakbang at napatingin sa singer na nasa make-shift stage. Mukhang damang-dama ng singer ang kanta. She was not a big fan of Aegis pero madalas niyang naririnig ang kanta ng grupo sa Ipod ni Eileen. “Puwede rin tayong kumanta?” tanong niya kay Pepper. “Puwede. Lahat ng maiisip mong gawin para mailabas mo ang sama ng loob mo ay puwede. Basta hindi tayo makakasakit ng iba. Kanya-kanya tayong paraan ng pagmu-move on dito.” “Tayo? Pati ba naman ikaw?” seryosong tanong niya dito. Pepper sighed. “Nag-away kami kanina. We were supposed to do some road trip today. Hindi nga natuloy dahil dito sa event. One thing led to another. Kambal nga kami ni Belle. Blue Valentine for me, also.” At nabasa nga niya sa mga mata nito ang tunay na lungkot. Pero maitataya niya ang kotse niya, higit na masakit ang pinagdadaanan niya. Nasulyapan niya uli ang singer. Parang gusto niyang agawin doon ang mikropono at bumirit ng Luha. “CLOSE YOUR eyes, sweetheart,” malambing na sabi ni Jack kay Via. May nakahanda na siyang espesyal na blindfold. Nang ipikit ni Via ang mga mata ay marahan niyang itinali dito ang malambot na tela. “Hindi ba sobrang higpit?” he asked thoughtfully. “Okay lang. Ano ba ito?” parang kinakabahan naman ako. “Don’t worry. This is just another Valentine date for us. Medyo nag-effort lang ako nang kaunti.” Inalalayan niya ito sa paghakbang. Halos hindi niya mapigil ang excitement na nararamdaman niya. He wished Via won’t notice. Para siyang bata na maaabot na ang inaasam na lobo habang ilang hakbang na lang sila patungo sa roof top. “Careful. Two more steps.” “Jack, nakaka-tense, ha.” Tumawa siya nang mahina. “I am tensed, too. Baka kasi hindi mo magustuhan ang preparation ko.” “Puwede ko na bang tanggalin itong blindfold?” “Just a second. Ako na ang magtatanggal. Stand still, my sweetheart.” Itinulak niya ang pintuan at binati sila ng malamig na hanging panggabi. Parang nais manikip ng dibdib niya sa napupunong emosyon. The night sky was perfect for the evening. Kinambatan niya si Edward na naghihintay ng hudyat niya. Katabi nitong nakaantabay din ang operator ng sound and light system. Bumaha ng iba’t ibang kulay ng ilaw ang paligid at kasabay niyon ay ang pag-andar din ng mekanismo ng pekeng falls. Pumwesto siya sa likuran ni Via at dahan-dahang tinanggal ang piring nito. “Don’t open your eyes yet, Via.” Masunurin naman ito at nanatiling nakapikit ang mga mata. He made another signal. Nang pumailanlang ang intro ng kantang My Valentine, saka siya nagsalita. “You may open your eyes now.” If there were no words, no way to speak I would still hear you If there were no tears, no way to feel inside I’ve still feel for you... Pigil ang paghinga niya habang unti-unti ay iminumulat ni Via ang mga mata. At kitang-kita niya kung paano lumarawan sa anyo nito ang labis na pagkagulat sa natambad na sorpresa. “Happy Valentine’s Day, sweetheart!” Niyakap niya ito at kinintalan ng mabilis na halik sa mga labi. Via was speechless. Bahagya pang nakaawang ang mga labi nito sa labis na pagkagulat. Tanging ang mga mata lamang nito ang gumagalaw at nagmamasid sa buong paligid. Sumipa naman paitaas ang confidence niya, tiyak na tiyak niyang nasiyahan si Via sa preparasyon niya. May kakaibang kislap sa mga mata nito. Marahil, nagpipigil itong maluha sa labis na sorpresa. Abot hanggang tainga ang ngiti at liyad ang dibdib nang alalayan niya ito sa siko at nilakaran nila ang pulang carpet na nakalatag patungo sa nag-iisang mesa doon. Hanggang sa pag-upo ni Via ay nakaalalay siya dito. “I hope I made you happy with all of these.” Parang bata na ibinuka pa niya ang mga kamay na tila nagmamalaki. But deep inside him, malayo sa nararamdaman niya ang pagmamayabang sa ginawa. Nag-uumapaw ang puso niya sa tuwa at excitement. Parang maiiyak siya na hindi niya maipaliwanag. Anhin na lang niya ay talunin ang iba pa niyang programa sa gabing iyon at didiretso na niya sa finale. “This is too much, Jack,” wika ni Via nang sa wakas ay nakaapuhap na ito ng sasabihin. “Of course not. Alam mo namang naghahanda ako basta espesyal ang okasyon,” kaswal na tugon niya. “But this is too extravagant. Just one look and I know, hindi birong pera ang ginastos mo para dito.” Tumikwas ang sulok ng labi niya. Ayaw niyang masira ang mood niya dahil tila kinukuwenta ni Via ang lahat ng nakikita. Balewala sa kanya ang lahat ng iyon. Ang mahalaga ay ang layunin niya sa okasyong iyon. “Kailan pa tayo naging conscious sa usapang pera?” he asked lightly. “You know me too well. I’m generous to everyone. And I am even more generous when it comes to you. For you.” Parang naaalangan itong ngumiti. “M-mahirap kasi ang buhay ngayon. Nakaka-guilty din iyong sobrang luho sa mga bagay na puwede din namang iraos nang simple lang.” Sandaling kumunot ang noo niya bago ginagap ang palad nito. “Come on, Via. Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa pagtitipid. Why don’t we enjoy this evening? This is all for you.” Bahagya itong tumango. “I appreciate all these efforts, Jack. Thank you.’’ Tinitigan niya ito. “Thank you lang, my sweetheart?” “Happy Valentine’s Day.” “And...?” puno ng pag-asam na tanong niya. Ayaw man niya ay parang naiinip na siyang marinig ang hinihintay niyang marinig mula dito. “I love you, Jack,” kaswal na sabi nito. He was dismayed. Pero agad na isinantabi niya ang nararamdaman. Baka naman masyado lang niyang binabasa ang kilos ni Via. Oo nga at kanina pa niya ito napapansin na mukhang uneasy ito. O baka naman talaga lang nalulula ito sa maluhong paghahanda niya para sa special dinner nila sa gabing iyon. But of course, it was special! Kay tagal niyang hinintay ang petsa na iyon. Kay tagal niyang pinag-isipan ang sorpresang gagawin niya. Pinisil niya ang palad nito na hindi naman niya binibitawan. “I love you so much, Via,” he said with all sincerity. At dinala sa mga labi niya ang kamay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD