CHAPTER 24 PAOLO “Taylorʼs corporations are a big help for our company. Malakas ang impluwensiya nila sa buong mundo. Why don't you ask them to invest in your company, Mr. Frenal?" Mula sa papel na tinitingnan koʼy inilipat ko rito ang atensiyon. It was one of the board members. Umayos ako ng upo at saka ibinaba ang hawak ko. Hindi ko na muna siya sinagot at nag-isip. It's true that Taylorʼs corporations are a big help. Malaki ang kanilang impluwensiya not only in the Philippines but around the world. They're one of the most successful companies around the world. At kung mag-i-invest sila sa kompanya koʼy malaking tulong iyon para mapanatili ko ang sarili kong impluwensiya. But that is not an easy task. Noon pa mang hindi pa ako ang CEO ng Frenalʼs corp. ay nililigawan na ito ng mga m

