CHAPTER 23 AMBER 5 years later... Init ng panahon ang unang sumalubong sa ʼkin pagkababa ko ng eroplano. Agad ko namang isinuot ang sunglasses koʼt naglakad sa nakalatag na red carpet sa baba. Isang itim namang kotse ang siyang naghihintay sa dulo nito. Kung saan may lalaking nakasuot ng uniporme ang siyang naghihintay. “Welcome home, Madame,” sabi nito at bahagyang yumuko bilang respeto. Tumango lang ako at saka pumasok na sa loob ng kotse. Kaagad nitong isinarado at umikot upang makapasok sa driver's seat. Agad kaming umalis ng airport. Tinanggal ko ang sunglasses ko at tumingin sa labas. Nagtataasang mga buildings ang siyang nadadaanan namin. Hindi gaanong traffic ngayon ngunit sinabi ko sa driver na bagalan lang ang pagmamaneho. At habang nakatingin ako sa labas ay isang malaking

