CHAPTER 22 AMBER “Amber, anak. Diyos ko. Saan ka ba nagsusuot at ngayon ka lang nagpakita?” iyan agad ang tanong ni Sister Mary sa akin nang kamiʼy makapasok sa loob at ngayo'y nakaupo rito sa kaniyang chamber. Ngumiti ako—dahil nakaramdam ako ng kaunting galak na hinahanap din pala nila ako. Na kahit papaano'y pamilya ko pa rin silang maituturing. Lalong-lalo na si Sister Mary, na siyang nag-alaga sa akin simula pa noong ako'y bata pa. Siya rin ang dahilan kung bakit walang umampon sa akin dahil ayaw niyang mawalay ako sa kaniya at natatakot siya na baka mapunta lang ako sa masasama. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Marami siyang mga aral na ibinigay sa akin. Mga payo na hinding-hindi ko makakalimutan at isa na roon na huwag magtanim ng galit. Siguro nga'y tama siya, na hindi da

