Kabanata 5

1283 Words
KABANATA 5 AMBER Sumapit ang gabi na muli na naman kaming magkasama sa iisang hapagkainan. Katabi ko si Queeny na tahimik lang na kumakain. Ganadong-ganado ito na siyang ikinatutuwa ko. Lahat kasi ng pagkaing niluluto ko'y kaniyang gusto. Habang sina Paolo at Stella nama'y magkatabi ring nakaupo. May dalawang bakanteng upuan ang namamagitan sa amin. Kaya hindi ko na lang sila pinapansin. "I have a business trip tomorrow and I'll be out for two days," ang narinig kong sabi ni Paolo. "Sasama ako sa ʼyo," ani naman ni Stella. "Besides, sa kompanyang iyan din naman ako nagtatrabaho." "You can't. You have to stay here." "But--" "Mawawalan tayo pareho ng trabaho kapag sumama ka. Malilintakan tayong dalawa." "At sino ang kasama mo pumunta roon? Babae mo?!" Nagulat ako sa sinabing iyon ni Stella. Babae? May babae pang iba si Paolo? Nagsisimula na namang kumirot ang puso ko, hindi dahil sa nalaman kong may iba pa si Paolo bukod kay Stella. Kundi dahil harap-harapan itong naririnig ng anak naming dalawa. Na walang kamuwang-muwang sa mga bagay na ganito. Pasimple akong tumingin sa direksiyon nina Pao, masamang nakatingin sa kaniya si Stella habang seryoso lang na nakatitig siya rito. Gusto ko silang pigilan na sana'y huwag sa harapan ni Queeny ngunit alam kong hindi nila ako pakikinggan. Kaya ibinaling ko na lang ulit ang pansin sa anak ko't binulungan itong bilisan na niya ang pagkain. Mukhang nakuha naman nito ang gusto ko, kaya nagsabi itong tapos na siya. Nang mapainom ko siya ng tubig ay agad siyang nagpaalam na aakyat na muna siya sa kaniyang kuwarto. Nang mawala si Queeny sa paningin ko't kami na lang tatlo ang natitira. Bumuntonghininga ako. Iniligpit ko na muna ang mga pinagkainan namin ng anak ko't inilagay iyon sa lababo. Pagkatapos kong gawin iyon ay tumingin ako sa kanilang dalawa, na nakatingin din pala sa akin. "Puwede bang iwanan mo rin muna kami?" biglang sabi ni Stella. "Bakit nahihiya ba kayong marinig ko ang usapan niyo? Samantalang kanina'y lantaran niyong pinaparinig sa anak ko?" lakas loob kong sabi. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi man lang sila nahiya. Hindi man lang nila naisip na may bata silang kasama. Kung ako lang, ayos lang sa akin, kahit na nagdurugo na iyong puso ko sa kirot. Kaya ko pa namang intindihin ngunit pagdating na kay Queeny, hindi ko kayang manahimik lang. Huli akong tumingin kay Paolo. Nagkasalubong ang mga mata naming dalawa ngunit mabilis lang din siyang umiwas. Bumuntonghininga ako. Lumabas ako ng kusina nang hindi na nagpapaalam sa kanila. Pinuntahan ko si Queeny sa kaniyang kuwarto. Naabutan ko itong nakahiga na sa kaniyang kama't may hawak na children's book. "Mommy, are you okay po?" tanong niya. May lungkot sa kaniyang mga mata habang siya'y nakatingin sa akin. Kaya upang hindi siya mag-alala, sinubukan kong ngumiti. Sinubukan kong ipakita sa kaniyang ayos lang ako at mukhang nagtagumpay ako nang may gumuhit na ngiti sa kaniyang labi. “Oo naman.” Tumabi ako rito. "Gusto mo bang basahin ko sa ʼyo iyan?" tanong ko. Sunod-sunod siyang tumango. Malawak din ang ngiti niya sa labi. Kaya napangiti rin ako. Makita ko lang siyang masaya, nag-uumapaw na rin ang kasiyahan ko. "Yehey! Thank you po, mommy! You're the best mom in the world." Nangilid ang luha ko. Umayos na siya ng higa nang maibigay sa akin ang libro. Pasimple ko namang pinunasan ang luha sa mga mata ko. Tinulungan ko siyang kumutan ang sarili at muling tumabi sa kaniya. Nakasandal ako sa headboard ng kama. Sinimulang basahin ang libro, na siyang paborito niya. Talumpong minuto rin ang itinagal ko sa loob ng kuwarto ni Queeny. Mahimbing na itong natutulog. Kaya nang maiayos ko ang kumot niya't mahalikan siya sa noo. Lumabas ako't binalikan ang kusina, kung saan inabutan ko si Stella na nakahiga sa mismong hapag habang si Paolo nama'y ganadong naglalabas-masok sa kaniya. Natigilan ako sa nakita. Hindi agad maigalaw ang mga paa't napako ang paningin sa kanilang dalawa. Hindi nila ako nakikita dahil nakatalikod sa akin si Paolo habang ito'y umuurong-sulong ang balakang. Mahihinang halinghing lang ang lumalabas sa kanilang bibig. Tila ba ingat na ingat marinig namin silang dalawa. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maramdaman. Dapat ba akong magalit, dahil harap-harapan na naman niyang pinapamukha sa aking kailanman ay hindi niya ako kayang mahalin? O dapat ba akong mainggit? "Fck, Paolo! You're so big! Uggh!" lumakas ang ungol ni Stella. Mas lalo namang bumilis ang ginagawang indayog ni Paolo. "Ugh! Yes! Fck. Iyan ang gusto mo, 'di ba?!" "Yes, hon! Fck me harder!" Hindi ko namalayang bumubuhos na pala ang mga luha sa aking mga mata. Kaya bago pa man ako makagawa ng bagay na pagsisisihan ko sa huli. Agad akong tumalikod at tinungo ang aking kuwarto. Pumasok ako roon. Pagsara ko pa lang sa pinto'y nanghina ang aking mga tuhod. Sunod-sunod ang pagbuhos ng mga luha ko. Ganito pala kasakit. Ganito pala kasakit na makita mo iyong taong mahal mo na may katalik na iba. Tanggap ko pa na araw-araw niya akong sinasabihan nang masasakit na salita. Na pinapamukha sa aking kasalanan ko ang lahat. Ngunit ang bagay na ʼto, hindi ko alam. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung maaari lang na palayain ang sarili't magpakalayo-layo'y ginawa ko na. Ngunit hawak ako nito sa leeg. Na kapag ginawa ko iyon ay alam kong ang anak ko ang ipanglalaban niya sa akin. Siya na rin naman ang nagsabi noon na hindi ako makakaalis dito. Na araw-araw niya akong sasaktan sa pagsira ko sa buhay na mayroon siya. "Let's go to our room. Round 2! Aalis ka na rin naman bukas. Mami-miss kita. Mami-miss ka nito." Boses iyon ni Stella at narinig ko lang ang mga yapak ng kanilang mga paa papakyat sa kuwarto ni Paolo. Malapit lang kasi ang kuwarto ko sa hagdan. Mas lalong kumirot ang puso ko. Mas lalo itong nadurog. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa mapagod ako't manghina. Kinabukasan ay maaga pa rin akong gumising. Bago ako lumabas ay tiningnan ko na muna ang sariliʼt nang makitang namumula ang mga mata gawa nang labis na pag-iyak. Wala akong nagawa kundi ang lumabas. Dumeretso ako sa kusina kung saan may banyo roon. Naghilamos na muna ako't saka lumabas. Mukhang mahimbing pa rin silang natutulog. Mukhang nag-enjoy sila kagabi, samantalang ako'y halos hindi na makatulog dahil sa labis-labis na pagkirot ng puso. Bumuntonghininga ako. Iwinaksi ang lahat ng iyon sa isipan. Sinimulan kong gawin ang trabaho ko. Naghanda na muna ako ng agahan at saka naglinis. Pagkatapos ay ginising ko na rin si Queeny. May pasok siya ngayon. Pagkatapos kong sabihan itong mag-ayos na siya't bumaba pagkatapos. Sunod kong pinuntahan ang kuwarto ni Paolo. Kakatok pa lang sana ako nang kusa itong bumukas at iniluwa si Paolo na nakasuot na ng suit. Mabilis akong tumabi upang siya'y makadaan. Hindi ako nito pinansin. Hila-hila ang isang maleta, nilampasan ako't bumaba siya. Humugot ako nang malalim na hininga at saka sumunod na rito. "Aalis ka na? Hindi ka man lang ba mag-aagahan?" tanong ko, naabutan ko siyang papalabas na ng bahay. Tumigil siya at saka lumingon sa akin. Hindi ko mawari kung ano'ng tumatakbo sa kaniyang isipan. "Gusto ko, pagdating ko'y nandito pa rin kayo ni Queeny. Or else, you know what I can do to make you suffer," sabi nito, imbes na sagutin ang tanong ko. Kumabog ang puso ko sa kaba. Natakot sa naging banta nito. Kaya dahan-dahan akong tumango. Labag man sa loob ko, wala akong magawa. Wala akong laban sa kaniya. "M-Makakaasa ka," sagot ko. Hindi na rin siya siya sumagot at muli na akong tinalikuran. Agad siyang lumabas ng bahay at nawala sa paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD