Kabanata 4

1146 Words
KABANATA 4 -- AMBER "Maraming salamat po." Ngumiti ako pagkatapos kong makuha ang bayad mula sa paglalaba ko kanina. Kahit pagod, masaya ako dahil malaki-laki ang ibinigay nitong tip. Ito lang din kasi ang alam kong paraan para kahit papaanoʼy kumita nang kaunti at makapag-ipon. Balak ko kasing magtayo ng sariling laundry shop o hindi kaya'y kahit maliit lang na sari-sari store. Alam kong impossible ang bagay na iyon pero hindi namang masamang mangarap. Pinalaki ako ng mga magulang ko na lahat ng bagay ay makakamtan mo kapag nagsumikap ka at naniniwala ako na balang araw ay makakamtan ko rin ang mga pangarap ko. Pinunasan ko na muna ang pawis ko bago pumasok sa loob ng bahay. Sumalubong sa akin ang makalat na sala. May mga lata pa ng beer sa marble na sahig. At prente namang nakaupo sa malambot na sofa si Stella habang may hinihithit na sigarilyo sa bibig. Kaya amoy usok ng sigarilyo na rito sa loob. Kaya kahit pagod ako ay dumiretso ako sa kusina upang kunin ang walis at ang dustpan. Lumabas ulit ako at saka nagsimulang maglinis. Malinis ito nang iwan ko tapos ngayo'y parang lansangan sa dumi. “Maaari bang sa labas ka manigarilyo dahil nangagamoy na rito sa loob. May hika kasi si Queeny, baka malanghap niya," mahinahon kong sabi nang makalapit ako sa puwesto nito. Pinatay na muna nito ang sigarilyo at saka iyon itinapon sa sahig. May astray namang nakalagay sa center table pero mas pinili nitong ipagpag ang abo ng sigarilyo niya sa sahig at doon na rin itinapon. Gusto kong mainis na sa ginawa nito ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Hangga't maari, kailangan kong makisama sa kaniya. "Why would I? Hindi ako ang utusan dito," aniya. Tinaasan niya ako ng kilay at saka ibinaling ang pansin sa cell phone na hawak niya kanina. Humugot ako nang malalim na hininga at saka sinimulang linisan ang maruming sala. Kahit pagod ay ginawa ko pa rin ito. Hindi kasi ako nakakahinga nang mabuti kapag may kalat akong nakikita. Pagkatapos kong linisan ang sala ay bumalik naman ako sa kusina upang maghanda ng pananghalian. Mabuti na lang at nag-grocery si Paolo. Kaya kinuha ko na ang mga sanghap sa lulutuin kong chop suey. Pagkatapos kong hugasan at hiwain, agad ko na rin itong sinimulang lutuin. "What are you doing?" Napatingin ako rito, si Stella na nakakunot ang noo ang siyang tumambad sa akin. Hapit na hapit sa kaniya ang suot na damit, na bumagay naman sa kaniya. Malaman ang dibdib, bagay na wala ako. Maganda ang makinis niyang mukha, bagay na wala ako dahil may tigyawat ako dahil sa init ng araw. Maputi, bagay na wala rin ako. At mayaman, na mas lalong wala ako. Hininaan ko muna ang apoy bago ko siya sinagot, "nagluluto ako ng pananghalian." Lumapit siya sa puwesto ko. Tiningnan kung ano'ng niluluto ko. "Oh, Chop suey? Paborito iyan ni Paolo." Tumango ako. Kilala rin pala niya si Paolo pagdating sa mga paborito nitong pagkain. Malamang dahil matagal na silang magkakilala. "Can I help you?" tanong nito, may ngiti sa kaniyang labi. "O-Oo naman. Siguradong matutuwa si Pao dahil tumulong ka," sagot ko. May pait sa boses ko ngunit mukhang hindi naman niya iyon napansin pa. Natuwa ito kaya agad kong sinabi ang kaniyang gagawin. Tinulungan naman niya ako. Niluto pa namin ang isa sa paboritong pagkain ni Paolo. Hanggang sa matapos kaming dalawa't maihanda iyon sa mesa. Sakto namang dumating si Paolo at nagulat ako nang kasama rin nitong dumating ang anak namin. "Mommy!" masigla nitong bati at patakbong lumapit sa 'kin. Niyakap nito ang mga hita ko kaya't ginulo ko ang kaniyang buhok. "Kumusta ang school, 'nak?" tanong ko, pinantayan ko na rin ito. "It's good po! Look I have a star. Teacher told me I was very good at reading po," sagot niya. Pinakita pa niya ang star sa kaniyang kamay, dalawa iyon. Napangiti ako. Matalino ang anak ko, bagay na namana nito sa ama. "Hon, look I cooked this for you." Napatingin ako rito, si Stella na may kakaibang ngiti sa kaniyang labi. Sumulyap ito sa akin at ngumisi na para bang siya ang panalo sa larong 'to. "You don't know how to cook," ani Paolo. Malamig itong nakatingin kay Stella. Tila ba napahiya si Stella sa sinabi nito. Tumayo ako at saka niyaya ang anak ko sa kaniyang high chair. Hindi ko na lang sila pinansin, kahit pa nagsisimula namang kumirot ang puso ko. Iisipin ko na lang na wala sila rito at kami lang ng anak ko ang natitira. "Well, I don't know but your maid help me. Kasi alam muna, sooner or later, ikakasal tayo at aalis na rin dito ang katulong mo kasama ang anak niya." "Hindi po katulong dito si Mommy!" nagulat ako sa sinabi ng anak ko. Kaya nanlaki ang mga kong tumingin dito, masama siyang nakatingin kay Stella. "You're the who's going to leave this house!" dagdag pa niya. "Queeny!" suway ko. Malungkot itong tumingin sa akin. "Hindi kita tinuruang sumagot sa mga matatanda." Yumuko siya. "I'm sorry po," aniya't ipinagpatuloy ang pagkain. Bumuntonghininga ako't tumingin sa dalawa. Masamang nakatingin si Stella sa direksiyon namin habang seryoso lang na nakatingin si Paolo. Hindi ko mawari kung ano'ng iniisip niya. "P-Pasensiya na. K-Kumain na kayo. 'Wag niyo kami pansinin ng anak ko," hingi ko nang paumanhin at saka itinuon na lang ang sarili kay Queeny. "Kumain ka na rin." Natigilan ako sa pagpapakain sa anak ko't napatingin dito. Si Paolo ang nagsalita. At hindi ako puwedeng magkamali. Mariin nitong inuutos na huwag akong sumabay sa kanila sa pagkain. Ngunit bakit ako nito pinapasabay? Hindi ko siya naiintindihan. Hindi na lang ako sumagot at sinunod na lang ang kaniyang sinabi. Dahil kung itatanong ko pa kung bakit, baka magalit pa ito sa akin. Kaya kumain na lang ako kasabay nang paminsan-minsang pagpapakain sa anak ko. Hindi ko sila pinansin ngunit hindi ako bingi para hindi marinig ang kanilang usapan. "Hon, lumabas naman tayo minsan. I wanna go to the beach," sabi ni Stella. Kanina pa ito salita nang salita. "Your house is boring! Puwede naman kasi tayong sa condo ko na muna. Doon, nakakapagsolo tayong dalawa." Kumirot ang dibdib ko sa narinig. Papaano kung aalis si Paolo't sasama nga talaga siya kay Stella? Alam kong hindi nga impossible iyon, dahil sino ba naman kami ng anak niya para manatili pa siya rito? Wala rin akong karapatan para pigilan siya. Sumulyap ako sa kanilang direksiyon. Nagulat ako nang magkasalubong ang mga mata naming dalawa, tila ba may sinasabi ito ngunit hindi ko iyon mawari. Bakit ba ang gulo mo, Pao? Bakit hindi kita maintindihan? "I can't do that. My mom would be mad at me if I leave this house. Regalo nila ito sa akin." "Tss!" Biglang tumayo si Stella. "I'm done. Mauuna na ako sa kuwarto," anito at saka umalis ng kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD