Kabanata 3

1146 Words
RETURN OF THE UNWANTED KABANATA 3 -- AMBER Alam kong sa mga oras na ito'y magkasama silang dalawa. Nagpapasarap. Hinahatid ang bawat isa sa langit. Na parang wala kaming dalawa ng kaniyang anak dito sa pamamahay niya. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko, pero isa lang ang sigurado ako, nasasaktan ako. Nasasaktan ako para kay Queeny, para sa anak naming dalawa. Hindi man nito harap-harapang nakikita ang ginagawa ng ama. Alam kong nararamdaman nito na ayaw sa kaniya ni Paolo. At wala akong magawa. Gusto kong magmakaawa kay Paolo na ayos lang na hindi niya ako mahalin, 'wag lang niyang ipamukha sa akin at sana'y bigyan man lang niya ng atensiyon ang anak namin. Ngunit sino ba ako para pakinggan niya? Sino ba ako para sundin niya? Bumuntonghininga ako at itinuon na lang ang pansin sa niluluto ko. Nagbingi-bingihan lang ako sa mga halinghing na naririnig ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang paabutin dito sa kusina ang lakas ng mga ungol nila? Hindi nila kailangan ipamukha sa akin at hindi nila ako kailangan saktan dahil sa mga oras na 'to, nararamdam ko na ang pamamanhid ng puso ko. "Ughhh! Paolo! Ang sarap, shett!" Napapikit ako. Ayoko mang pakinggan ngunit hindi ko kayang iwasan. Pinatay ko na lang ang stove at saka nagmadaling kunin ang wallet, katabi ng cell phone ko sa counter, at lumabas. Lumabas ako ng bahay at agad na pumara ng tricycle. Sinabi ko ritong dalhin ako sa eskwelahan ni Queeny. Ang babaw ng luha ko. Napakaiyakin ko. Mahina. Sa sobrang hina ko, pati ang sarili kong karapatan ay hindi ko kayang ipatanggol. Hindi ko alam kung ako ba ang tama o siya. Tama bang manatili ako kahit na durog na durog na ako? "Ma'am, ayos lang po kayo?" Mabilis kong pinusan ang mga luha ko nang marinig ko ang tanong ng driver. "A-Ayos lang po," sagot ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin na nasa may itaas at alam ko sa sarili kong hindi ako ayos. Hindi ako masaya. At lalong-lalo na na hindi ako buo. Mabilis kaming nakarating sa eskwelahan ni Queeny. Nagbayad lang ako't saka pumasok na sa loob ng kulay puting gate kung saan nakalagay ang pangalan ng eskwelahan. Sa isang public school lang nag-aaral ang anak ko dahil hindi ko kayang tustusan ang mga gastusin kung sa isang private school ko siya ipapasok. At kahit magkanda-kuba-kuba na ako'y gagawin ko ang lahat, maitaguyod ko lang ang pag-aaral niya. Kahit na ganito ang takbo ng buhay naming dalawa; na tila ba kami na lang dalawa ang magkasangga, hindi pa rin ako susuko. Ayoko rin na lumaki ang anak ko na mangmang, tulad ko, walang natapos at hanggang high school lang. Inayos ko na muna ang sarili ko sa loob ng banyo at saktong paglabas ko'y tumunog ang bell ng eskwelahan. Tinungo ang classroom ng anak ko at saktong papalabas na sila roon. Nang makita niya ako'y dali-dali siyang tumakbo papalapit sa akin. Napangiti ako. Nawala saglit iyong kirot sa dibdib ko sa tuwing nakikita kong masaya ang anak ko. "Mommy, you're here po!" masaya niyang bati habang malapag na nakangiti. Ngumiti rin ako. Iyong ngiti na may halong pagkukunwari. Ngunit alam ko na may halo pa rin itong saya, dahil kasama ko ang anak ko. "Bakit, bawal ba akong pumunta rito?" pagbibiro ko. Tumawa ito at saka umiling. "Hindi naman po. I'm really happy nga po kasi nandito ka." "O siya, umuwi na tayo. Nagluto ako ng paborito mo," sabi ko at nagliwanag naman ang kaniyang mukha sa narinig. Kinuha ko ang bag nito at saka naman kami naglakad papalabas ng kanilang eskwelahan. -- Saktong pagdating namin sa bahay at natapos na ang dalawa sa kung ano mang ginagawa nila kanina. Ayoko nang isipin pa iyon, dahil mas lalo lang kumikirot ang dibdib ko. Kung ang pag-iwas at pagsawalang bahala sa ginagawa nila ang tanging paraan para 'di ako masaktan, gagawin ko. Siguro nga'y tanga na ako kung tawagin. Alam ko iyon, hindi ako bulag at mas lalong hindi ako manhid. Ngunit kung ang pagiging tanga sa pag-ibig lang ang paraan para makita kong masaya ang anak ko, bakit hindi ko gagawin? Lahat ng ito'y para kay Queeny. "H-He's here na po pala, Mommy?" bulong ng anak ko nang makita niyang nasa hapag ang kaniyang Daddy, kasama si Stella at sila ay naghahapunan. Tanging pagtango lang ang naging sagot ko dahil biglang tumingin si Paolo sa direksiyon namin. "Bihisan mo na muna 'yang anak mo bago mo pakainin," ani Paolo. Kaya sinunod ko naman ang sinabi nito. Kaagad kong dinala si Queeny sa kaniyang kuwarto at saka siya binihisan. Saktong naisuot ko sa kanya ang pambahay niya nang magtanong ito. "Mommy, sino po iyong babaeng kasama ni Daddy Pao po? New Yaya po natin?" Natawa ako sa tanong nito pero agad din akong huminto at saka umiling. Natigil dahil hindi ko alam kung papaano ko sasagutin ang tanong niya. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya ang totoo, na siya ang tunay na mahal ng kaniyang Daddy at hindi kami. Na si Stella ang dapat niyang kasama at hindi kami. Hindi man sikreto kay Queeny na hindi na maganda ang pagsasama namin ng kaniyang Ama. Ayaw ko namang magalit siya kay Paolo dahil lang sa pagsabi ko ng totoo. Kahit na bata pa siya, alam kong naiintindihan na niya ang mga bagay-bagay. Kaya sinabi kong kaibigan at katrabaho lang siya ni Paolo. Iyon lang naman ang tanging alam kong sagot para hindi na siya magtanong pa. Pagbaba namin ay dumiretso kami sa kusina. Agad kong pinaupo si Queeny sa kaniyang high chair at tumabi naman ako. Nagmimistulang ako ang katulong at sila ang pinagsisilbihan ko, dahil mariin na pinagbilin ni Paolo na 'wag na 'wag akong sasabay sa kanila sa tuwing siya'y kumakain. Pakiramdam ko'y pinandidirihan niya ako, na para akong isang nakakahawang sakit sa paningin niya. -- "Stella will be living with us starting today," ani Paolo nang matapos si Queeny sa pagkain at bumalik sa kaniyang kuwarto upang gawin ang mga homework nito. Dalawa lang kami rito ngayon dahil umalis din si Stella, mukhang kukunin yata nito ang mga gamit. Natigil naman ako sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila at saka tumingin sa akin. Walang bahid nang pagbibiro akong nakikita sa kaniyang mga mata. Kaya umiwas ako. "Bakit mo sinasabi pa sa akin 'yan?" tanong ko. "I just want you to know, to hurt you. Gusto kong ipamukha pa lalo sa 'yo na hindi kita kayang mahalin." Bigla akong natawa nang mapakla sa narinig. Ipamukha? Matagal na niyang ipinapamukha sa akin iyon. Ako lang talaga itong tanga na nananatili pa rin dito at umaasa. "M-Matagal mo nang ipinapamukha sa akin. Pati sa anak mo, Pao. At sino ba naman ako para pigilan ka sa disesyon mo?" Hindi siya nakasagot. Ipinagpatuloy ko na lang pagliligpit at pabagsak naman itong tumayo at umalis ng kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD