bc

Harder to breathe

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
badboy
heir/heiress
bxg
scary
office/work place
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

“If life is fvck up then moan harder.”

Nagtatrabaho sa gabi— nag-aaral sa umaga ganun ang buhay na mayroon si Stacey dahil sa hirap ng buhay kailangan na niyang kumapit sa patalim upang mabuhay. Wala siyang ibang magawa kundi ang tanggapin ang kapalaran na meron siya dahil kung magrereklamo pa siya ay mamatay talaga siya ng dilat ang mga mata sa gutom.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Stacey Castillo, lumaki sa hirap maagang namulat sa realidad ng buhay. Ulilang lubos na mula sa pamilya kinalakihan at nag-aruga sa kanya. Wala siyang ideya kung saan siya nagmula at kung sino ang kanyang tunay na mga magulang ang tanging alam lang niya ay iniwan lang siya ng mga ito basta kaya siya napunta sa mga taong nagpalaki at kumupkop sa kanya ng mahabang panahon. Ang kinilala niyang Ama ito ang nakakuha sa kanya ng iniwan siya ng tunay na magulang kahit pa na hindi siya tunay na anak at kapamilya ng mga ito ay hindi nila ipinaramdam kay Stacey na iba siya— itinuturing siya ng mga ito na tunay na pamilya. Minahal siya at pinakain kahit na hirap ito sa buhay. Nakatira lang sila sa tabing kalsada at nagbabasura lang. Tanging pagbebenta ng mga bote at plastik ang pinagkakakitaan nila para makakain. Naging mahirap man para kay Stacey ang buhay na kinagisnan masaya pa rin siya na nararamdaman niya kung paano magkaroon ng pamilya. Lalo pang naging mahirap kay Stacey ang buhay ng mamatay ang Ama niya dahil sa malalang sakit hindi niya alam ang gagawin kung paano sila makakain ng kanyang Lola sa araw-araw kaya napilitan siyang mamalimos at maglako ng sampaguita sa kalsada kasama ng ibang bata dapat ay naglalaro at hindi pa iniisip ang mga gaanong mabigat na problema— kung paano magkaroon ng laman ang sikmura na kumakalam. Tuluyan siyang naging mag-isa ng mamatay ang kanyang Lola dahil sa katandaan ay hindi na rin kinaya ng katawan kay tuluyan na ring binawian ng buhay. Natapos na siya sa kanyang pag-aaral sa high school ay huminto muna siya para maghanap ng trabaho para may pang tustos sa sariling pangangailangan sa araw-araw. Kasama niya ang kaibigan niyang si Malen sa trabaho at sa maliit na kwarto na kanilang inuupahan. Pareho silang ulila na sa mga magulang. Mahimbing na natutulog si Stacey sa loob ng maliit na kwarto na inuukupa nila ng kaibigan niyang si Malen. Pero hindi rin nagtagal ay nagising siya dahil ramdam na ramdam ni Stacey ang init—- basang basa na ang kanyang leeg pababa sa gitna ng kanyang dibdib pati na rin ang magkabilang kilikili at ang singit niya. Dahan-dahan niya ng imulat ang mata. Agad na sumalubong sa kanya ang maliwanag na paligid Mataas at tirik na tirik na ang araw kaya mainit na sa pwesto niya idagdag pa ang kawalan ng bentelador dahil sa wala pa silang extra na pera kaya hindi pa sila nakakabili. Padabog siyang napakamot sa kanyang ulo dahil sa nararamdamang inis. “Ang hirap maging mahirap!” padaskol niyang sabi. Narinig ni Stayce ang pagbubukas ng pinto. Nakita niya agad si Malen na kauuwi pa lang galing sa Strip Club kung saan kami nagtatrabaho. “JuskoTeh pagoda mey!” nagrereklamo na agad si Malen hindi pa man tuluyan na nakapasok sa loob. “Marami bang tip?” usisa ni Stacey sa kinita ng kaibigan. Tumayo na siya at itinabi na niya ang karton na tinutulugan, iyon kasi ang nagsisilbi na sapin sa kanyang likod sa tuwing natutulog sa malamig na sahig. “Sakto lang,” sagot ni Malen at na upo kung saan nandoon si Stacey kanina.. Bumalik si Stayce sa harap ng kaibigan. “Mag-alis kana ng make up tih.” paalala pa niya rito. Tamad pa naman ito mag-alis ang makeup at madalas makahulugan na lang niya. “Tang*na mag-isang buwan na naman tayo dito.” hindi makapaniwala na sabi nito. “Magbabayad na naman tayo.” nag-aalala na sabi ni Stacey. Pangalawang apartment na nila ito ngayong taon nagsisimula pa lang ang taon na ito ay dalawang beses na silang pinatalsik sa mga tinuluyan nilang kwarto. “Nagugutom na ako.” nagpaparinig si Stacey sa kaibigan para sabihin na magpabili na ito ng makakain nila. Tiningnan siya nito. Alam na agad ni Malen na sinasabi na ni Stayce na bigyan na niya ito ng pera pambili ng pagkain. “Bili ka roon ng canton sa may tapat.” Kumuha ng pera tsaka inabot kay Stacey. Ngiting-ngiti sya inabot ang pera baka bigla na lang nagbago ang isip nito. Tumayo ng tuluyan si Stacey at naginat muna ng katawan. “Bigyan mo pa ako nh bente ah.” bilin nito. “Okay.” tugon naman ni Stacey. Lumakad na siya palabas ng bahay para bumili ng foods sa kabilang kalsada. May nagtitinda kasi doon ng mga pagkain na pang-almusal sa umaga sa tanghali mga ulam, syempre merienda sa hapon. “Hi ganda!” bati ni aling Merna kay Stacey ng makita na huminto sa harap ng tindahan niya.. “Ano ho meron dyan?” Tiningnan ko yung mga nandoon sa harapan ko. May pancit, canton, sopas, champorado, lugaw at pandesal. Binili ko si Malen ng Canton kasi iyon ang bilin nito sa kanya, bumili na lang din siya ng thirty-pesos na pandesal. “Salamat Aleng Merns.” Umalis na siya doon ng masuklian siya. Lumakad ng konti pa papunta naman sa tindahan doon ako bibili ng kape. “Pabili po?” tawag ulit dahil walang tao nakikita. May lumabas na rin naman agad. “Yung twin pack nga po.” Nag-abot ng bayad. Makuha ang kape ay lalakad na sana siya paalis ng maalala ko na bibili pala ako ng marlboro black. “Ay teh marlboro back nga po.” Inabot niya kaya nag-abot na rin siya ng bayad. Lumakad na pa alis doon pabalik sa bahay baka makatulog na ang bakla doon. Makapasok sa loob agad niyang inabot ang yosi ng kaibigan. Tinitingnan lang ni Stacey ang kaibigan na nagsindi ng yosi. “Stress ka girl?” pabirong nang aasar na sabi ni Stacey tsaka tumawa. “Nako teh maraming lalaki kagabi jusko ang ibang pokpok ay napagod ang mga kipay dahil sa dami ba naman.” kwento pa nito. Nagpatuloy lang sa pagkukwento habang nakikinig lang si Stacey sa kwento ni Malen habang nagtitimpla ng kape. Reklamo ata ang laman ng kwento ng kaibigan niya. “s**t! parang bumabaha ng mga etits kagabi.” nailing pang sabi ni Malen. Dahilan para ikatawa ng malakas ni Stayce. “Kumikitang pangkabuhayan na naman si Boss John.” “Uhmm-uhmm.” sang ayon niya sa sinabi ni Stacey. Dala ang dalawang tasa ng kape palapit sa kung saan nakaupo si Malen. Nakapwesto siya sa harapan nito. Bakas ang pagod at stress sa kanyang mukha. “Hinahanap ka pa nga ni Boss eh.” Malen inform her— bago humigop ng kape sa baso na hawak na nito. “Bakit daw?” tanong ni Stacey. “Baka bibigyan ka ulit ng show.” sagot ni Malen.. Sumama agad ang mukha ni Stacey ng marinig iyon mula sa kaibigan. Naalala niya na naman ang nangyari ng huli show, iyon ang unang show. Gulat siya sa mga pangyayari. Ano pa bang expect na dapat yun— sa klase ng trabaho na meron sila ano ang aasahan. “Pang private room ka na lang kasi.” payo ni Malen. Mga pang-stag party lang siya pumayag pag-VIP room dahil maraming kasama. Sayaw-sayaw lang abot ng drinks syempre walang extra service. Habang nagkakape sila nag-usap pa sila sa mga bagay bagay na naganap sa trabaho nila. “Tulog muna ako.” paalam nito at naglatag na ng karton sa sahig. Hinayaan na lang niya ito dahil kailangan magpahinga dahil may trabaho pa mamaya. Niligpit ni Stacey ang mga kinainan nila. Matagal na rin silang magkasama ni Malen. Trese anyos palang sila, classmate ng high school. Hanggang sa maka-graduate ng high school. Si Malen naman ay nakikitira lang sa tiyahin niya kaso lagi naman siyang minamaltrato kaya ng maka-graduate sila ay umalis na ito mula sa poder ng tiyahin at sabay na naghahanap ng trabaho o kaya pwedeng pagkakitaan para makakain. Tinapos na niya ang ginawa. Kinuha ang review na galing sa isang mga classmate nila ni Malen nang high school. Reviewer yon para sa college admission. Nagrereview na siya dahil nagbabalak na pumasok sa college ngayong taon. Wala naman sobrang pera pambayad sa maayos na reviewer kaya mag-self study na lang. Tulog si Malen sa tabi niya habang nagbabasa ng reviewer. Ilang buwan na lang ay mag-eexam na siya. Kaya kailangan pagbutihin para makapasok siya. Matapos nun ay mag aayos naman siya ng mga kailangan para sa scholarship. Todo talaga ang pag-iipon niya para makapag-aral ulit. Halos gawin niya ng umaga ang gabi para lang kumita ng pera pero hindi pa din sapat, may mga utang na babayaran dahil sa nagkasakit ang Ama at Lola niya mga pera na ginamit upang mabigyan ng maayos na libing. Wala na siyang pwedeng sandalan o asahan kundi ang sarili lang. Lumipas ang oras. Nagsasaing na siya ng maaga lagi para pag gising ni Malen ay makakain na agad. Nag-gisa na lang ako ng sardinas para may ulam sila kahit papaano ay magkaroon ng laman ang mga sikmura. Natapos magluto ay ginising niya si Malen. “Anong ulam?” tanong agad nito sa kanya na nag kukuskus pa ng mata. “Sardinas,” Binaba niya na sa harap ang pagkain. “Sana magkaroon ako ng maraming pera mamaya.” sabi ni Stacey. Iniisip niya kasi ang mga paparating na gastusin. “Kailangan teh, magbabayad tayo ng bahay. Mabuti na lang ay nakapagbigay na tayo sa tubig at ilaw.” Tumango lang siya bilang pagsagot. Tahimik lang sila na kumakain. Habang parehas na tahimik na nag-iisip ng iba pang pwedeng gawin para maka ipon ng maraming pera. Tapos na sila kumain ay nagliligpit siya ng mga kalat. Nakaraos ng pananghalian. Nag-yosi ito bago muling bumalik sa pagtulog, pagod na pagod si Malen. Ginawa niya naman ay naglalaba ng mga damit nila tuwing Tuesday kaso ngayon late ng dalawang araw kasi naging abala at pagod. Marami na rin ang mga maruming damit kaya kailangan na maglaba. Hand wash lagi sila kasi walang pang bayad ng laundry o pambili ng washing machine. Inabot na siya ng hapon tsaka pa lang ako nakapag sampay at natapos sa paglalaba. Masakit na ang likod niya at balakang. Nag-ipon na rin ng tubig na panligo nila ni Malen dahil mag-ready na sa pagpasok mamaya sa Strip Club. “Buti may sabon panglaba.” Lingunan niya si Malen na nag-aalis na ng karton na ginamit. “Kaya nga mabuti kasi kung hindi gigisingin pa kita,” sagot ni Stacey. “Mag ready ka na maliligo na ako.” paalam pa nito tsaka pumasok sa loob ng banyo. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Inayos ko na yung bag na dadalhin ko sa pagpasok. Napa buntong hininga ako sa naisi ko. “Trabaho na naman.” nasabi ko na lang sa sarili ko. Nag-aantay sa paglabas ni Malen sa banyo para makaligo na rin siya. Minutes passed ay lumabas na rin siya na nakatapis ng tuwalya. Agad na pumasok sa loob ng banyo. Sa unang buhos agad ang lamig ng tubig na dumampi sa balat. Isa sa mga pangarap niya ay makatapos ng pag-aaral. Makapagtrabaho ng maayos, makaipon at magkaroon ng maayos na buhay kasama si Malen. Ayaw niya ng ganitong buhay kaso wala naman siyang magagawa kundi magsikap para maiahon ang sarili sa hirap ng buhay. Tanging si lola Simang lang ang nagpalaki sa kanya at nag-aruga—- napulot lang siya ng anak na lalaki at inuwi sa bahay nila, ito rin ang tumayong ama kay Stacey sa mahabang panahon ngunit iniwan rin siya agad dahil may sakit ito sa baga at humina ang resistensya kaya tuluyan namatay.. Kaya tanging si lola na lang ang kasama niya. Isa rin na dahilan kaya gusto kong yumaman para hanapin ang tunay na magulang, alamin kung saan siya nanggaling. Kung sino ba talaga siya. Narinig ang pagtawag ni Malen mula sa labas kaya tinapos na agad ang paliligo kasi umuusok na ang tumbong ni Malen sa inis, nakatapis ng tuwalya sa katawan tsaka lumabas ng banyo para magbihis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.6M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
473.7K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
519.7K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
612.8K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
472.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook