Herald POV
Dahil Sunday ay kinailangan naming pumunta sa bahay ni Daddy. Bago pa man makaalis ay kinausap ko si Julius na itago muna ang nangyari kay Daddy dahil nakakasama dito ang mastress. Naintindihan naman ni Julius ang sitwasyon at nangakong hindi niya sasabihin sa Daddy ang nangyari.
Tinawagan ko naman si Kuya Bryan kanina at sinabi nitong kasama niyang umuwi si Emman. Nag-aalala din ito na baka makatunog ang Mommy niya at biglang sumugod mamaya.
“Let’s pray na hindi sana humantong doon Kuya.” Huling sagot ko sa kanya bago pa naming ibaba ang tawag.
Dahil nga ayaw ko munang mag-drive sina Toffee at Matty ay pinili naming sakyan ang van. Si Ross ang nag-drive nito kahit nagprisinta na ang bodyguard na siya na ang magda-drive. Kinausap ko nalang si kuya na sumunod nalang gamit ang isang sasakyan. Umupo ako sa katabi ni Ross. Nasa likod naman ang dalawa kasama sina Julius at Maze. Yup, minsan ay sinasama naming si Maze dahil hindi naman katulong ang turing naming sa kanya.
Pagdating sa bahay ay naroroon na sina Kuya Rupert at ang kambal. Nagtatakbo ang dalawa para salubungin ako at si Ross.
“Kanina pa kayo hinihintay n’yan. Gusto ko nang maingit.” Natatawang sani ni Kuya Rupert.
“Huwag ka nang mainggit. Mas mahal ka naman ng mga yan.” Sagot ko naman saka tumawa. Hinalikan ko sa pisngi ang dalawa na ngayon ay kinukulit na si Ross para maglaro.
“It’s good that malapit din ang mga bata kay Ross.” Napangiti na lang ako. Alam ko naman na walang makakahindi sa charm ng asawa ko.
Naroroon din si Mickey na subrang pagtataka dahil kasama namin si Julius.
“Nag-overnight si Julius sa inyo?” Mukhang hindi pa niya alam an gang nangyari kagabi. Kung sa bagay ay hindi naman pala kwento si Harley. Isa pa ay panggabi ito siya sa hospital kaya hindi pa sila nakakapag-usap.
“Long story, mamaya ko nalang sasabihin.”
Tinungo ko ang kinauupuan ni Daddy ay nagmano dito. Katabi nito si Emman na tila nagkakatuwaan sila.
“Ang asawa mo?” Tanong nito. “Ayun kinidnap na ng mga apo mo.”
“Nandyan na pala kayo?” Lumabas ang asawa ni Kuya Bryan mula sa kusina.
“Hi, Ate Jury, Tulungan po kita diyan.” Pagpiprisinta ko.
Hindi naman tumanggi si Ate Jury.
Nang maihain na naming ang lahar sa Gazebo area ay agad kaming nagsimulang kumain. Nakahabol naman si Harley na mukhang kulang pa sa tulog.
Ramdam ko naman ang pagiging maingat ng lahat sa sinasabi nila lalo na ang may alam ng nangyari kagabi. Sana lang ay hindi makaramdam ang Daddy na may tinatago kami sa kanya. Mabilis pa man din makaramdam ang isang to.
“Wow, may family gathering pala bat hindi manlang ninyo ako nainvite?” Napapikit ako nang marinig ko ang boses ng babaeng yun.
Naramdaman ko naman ang paghawak ng asawa ko sa aking kamay.
“Just relax, Babe.” Bulong nito.
“Mom, nandito pala kayo. Palagin naman naming kayo iniinvite pero ayaw mo naman pumunta. So hindi na ako nagbother.” Si Kuya Bryan.
“Naku pagkatapos mong kunin ang kapatid mo ng walang paalam sa akin e, talaga namang pupunta ako.” Sagot naman nito.
“Nainvite n’yo ang bakla na ito pero ako hindi?”
“Watch your mouth, Lucile. Anak ko ang iniinsulto mo?” Sigaw ni Daddy.
“Mom, don’t make a scene here.” May halong pagbabanta na wika ni Bryan.
“So anak mo yan? Sinong namang bayarang babae ang nabuntis mo?” Pumanting ang tenga ko sa sinabi niya. Tinawag niyang bayarang babae ang Mama ko?
”Kung ako sayo ay iingatan ko ang mga salitang lalabas sa bibig ko lalo pat wala kang alam.” Hindi na ako nakapagtimpi. “Kung ikukumpara ka sa mama ko di hamak na ikaw ang magmumukhang bayaran dahil ikaw itong dikit ng dikit sa Daddy ko kahit alam mong may asawa na siya.”
“A-ano kamu?”
“Palalampasin ko sana lahat e, kaso ang idamay mo ang Mama ko, hindi ko yun palalagpasin. Gusto mo malaman ang kung sino ang Mama ko? Ang Mama ko lang naman ang may-ari ng bahay kung saan ka ngayon. Yung babaeng inagawan mo ng asawa.”
Hindi makapagsalita ang loka. Hinila ito ni Kuya Bryan palayo.
“Babe, huminahon ka na.” Pero hindi ko na makontrol ang sarili ko.
“This could not be happen kung hindi ka nagpatukso sa babaeng yun. Hindi sana lalayas ang Mama ko. Hindi siya maghihirap . At hindi siya tatawagin ng babae mong bayaran. If nakuntento ka lang sana!” Umaapaw na ang luha sa mata ko. Naalala ko nanaman ang mga paghihirap ni Mama mula noong bata pa ako hanggang sa magkasakit siya at mamatay. Ang lahat ng iyon ay pwedeng hindi niya madanas pero hinayaan niya ang Daddy sa gusto niya. Kaya ayos lang na maging masaya ang lalaking mahal niya kahit na mahirapan siya.
“Herald, tama na yan.” Saway ni Kuya Rupert. Siya lang ang nagkalakas loob na magsalita.
“Don’t worry, that would be the last. I’m sick of this. Uuwi na ako.” Agad akong umalis at dumeretso sa labas ng bahay. Nakasunod naman si Ross at Maze sa akin.
Sa byahe pauwi ay walang umimik hanggang sa makauwi kami ng bahay. Dumiretso ako ng kwarto at doon ay umiyak ng umiyak habang inaalala ko ang Mama ko.
Hindi naman talaga ako galit sa daddy ko. Marahil ay out of frustration dahil sa tinawag ng babae niya ang mama ko na bayarang babae. Naging trigger upang lumabas ang mga hinanakit kong pilit kong tinago . Mga hinanakit kong natabunan dahil sa takot na maiwan muli ako mag-isa. Mga sama ng loob na ikinubli dahil nasanay akong magtiis. Nasanay na huwag mag-reklamo.
Kahit iba na ang buhay ko ngayon ay sa isang bahagi ng buhay ay magpapaalala sa iyo ng mga nakatagong sa dibdib at kahit anung pigil dito ay pipiglas pa din ito upang ipaalala sayo ang nakaraan.
*****
Ross POV
Hinayaan ko muna si Herald sa kwarto. Sa kalagayan niya ngayon ay mas mainam na mag-isa na muna siya. He is hurting . Kapag napag-uusapan ang Mama niya ay nabubuksan ang mga mahirap at masakit na parte ng buhay niya.
Tinawagan ko naman si Toffee at sinabing kakausapin ko ang father in law ko.
“Hello, Dad, huwag nyo pong didibdibin yung sinabi ni Herald ha. Triggered lang po ang asawa ko kaya ganoon. “
“Naiintindihan ko naman siya. At saka tama naman siya. It’s my entire fault.” Malungkot na sagot nito.
“Just give him time, He’ll come around. Masama lang ang loob niya.”
“How is he?” Nag-aalalang tanong nito
“He’ll be fine, Dad. Huwag po kayong mag-alala.” Alam kong hindi maayos ang kalagayan niya. Kaya gusto kong malaman niyang herald doent mean all the words he said.
Nang ibalik nito kay Toffee ang tawag.
“Toffee, magpahatid na lang kayo sa driver. Huwag kang magpumilit magdrive at malalagot ka sa kuya mo.” Bilin ko sa kanya. Alam ko kasing mag-aalala din si Herald kung hindi niya makikita ang mga kapatid niya.
“Hindi ba siya magagalit kung uuwi kami diyan?” Nag-aalangang tanong nito.
“Mas magagalit iyon kapag hindi kayo umuwi lalo ka na.”
Pagkatapos ng pag-uusap ay umakyat ako upang silipin ang asawa ko sa kwarto. Mukhang nakatulog na ata siya. Kaya nilapitan ko siya ay inayos ang kumot.
Kung pwede lang sanang maalis ang lahat ng sakit na nararamdaman niya sa loob ay aalisin ko ang lahat. Pero alam kong makakaya din naman niyang ma-overcome ito, Hindi man mabilisan pero magagawa kahit paunti unti.
Hinalikan ko sa noo ang aking asawa. Hinalikan ko ulit siya sa ilong. At hinalikan ko ulit siya sa labi.
“I will be always here for you.”
- to be continued