Herald POV.
Pagkatapos ng pag-uusap naming ng umagang iyon ay naging maayos na ang mga sumunod na yagpo. Naging tahimik ang buong bahay dahil pagkatapos ng agahan ay pinasundo ni Kuya Rupert ang kambal. Dumating na pala siya mula Amerika.
Bukas pa kami pupunta kina Daddy para sa family lunch. Kaya heto kami sa nina Toffee at Miggy nagpapak ng mga junk food habang nagmo-movie marathon. Nakakatamad magtrabaho ngayong araw. Sa Lunes ko nalang aatupagin ang mga naiwan kong trabaho. Sa ngayon, pagbibigyan ko muna ang katamaran ko.
Nang magsawa naman kami manood ay pinagkaabalahan naman ng dalawa ang paglalaro ng video games.
Hindi ko muna ginulo ang asawa ko dahil alam kong pinag-aaralan nito ang agreement ng Ricaforte Group sa kompanya ng Papa niya. Kanina pa siya sa study room niya.
“Kuya Rald, may naghahanap po sa inyo sa labas.” Si Maze.
“Sino daw?” Nagtataka kong tanong.
“Julius daw po, Kuya.” Napataas ang kilay sa sinabi ni Maze.
“Wait sino daw? Si Julius?” Tanong ni Toffee.
Si Julius ay isa sa mga kapatid ko sa kabit ng Daddy. Well, ang mga kapatid ko ang nagsabi noon ginagaya ko lang. Ilang beses ko pa lang naman siya nakikita pero hindi talaga kami nakapag-usap. Isa pa mukhang ayaw niya kaming makauusap. Bitter daw kasi siya sabi ni Mickey.
Kahit na mga kapatid ko sila sa ibang babae ni Daddy ay nakakasalamuha ko naman sila at maayos ang ugnayan naming. Sa tuwing nagkakasama kami ay nararamdaman ko na totoo sila kahit may pagka-kontrabida ang nanay nila. Nakakapanibago nga at hindi na tumatawag si Emman.
Agad akong tumayo at lumabas. Nang buksan ko ang gate ay tumampad sa akin ang kapatid kong mugto ang mga mata at may pasa ito sa pisngi. May bag at maleta din itong dala.
“Anung nangyari sayo?”
“Kuya.” Nagsimula na itong umuiyak. “Pwede po bang dito muna ako?”
“Pumasok ka muna sa loob at doon tayo mag-usap.” Mabilis ko siyang tinulungan sa mga gamit nito.
Pagpasok namin ay agad namang nagtaka ang dalawa dahil mukha talagang nag-alsa balutan si Julius.
“Hoy, Julius, anung ginagawa mo dito?” Agad na tanong ni Toffee.
“Alam ba ng Mommy mong nandito ka? Tanong ni Matty.
“Anong meron?” Lumabas na pala si Ross.
“Wag nga muna kayong magulo. Hindi ko din alam kung anong nangyari.” Nakikita kong hindi mapakali si Julius.
“Maze, dalhan mo ako ng ice at icebag sa garden.” Utos k okay Mazed. “Toffee tawagan mo ang Kuya Harley mo. Sabihin mo pumunta dito. ‘Wag ka na magbabanggit ng kung ano pa.”
“Hon, can you talk to Julius first. I’ll call Kuya Bryan muna.”
Hindi naman tumanggi pa ang ang asawa ko. Tinawagan ko naman agad si Kuya Bryan.
Tatlo ang naging anak ni Daddy sa kabit nito. Panganay si Kuya Bryan sa tatlo. Sumunod si Julius at bunso si Emman.
Si Kuya Bryan lang at ang asawa nito ang nakatira sa mansion ni Papa. Yun ay dahil walang nakakasama si Daddy. May sarili kasing bahay si kuya Rupert. Si Harley at Mickey naman ay may sariling mga condo din kung kaya minsan na lang sila pumunta. Mas madalas pa ngang nasa bahay ko sila. Si Toffee ay sa akin na nakatira maging si Matty din. Yung dalawa naman ay nasa pangangalaga ng Mommy nila.
*****
Nang dumating si Harley ay agad kong pinasuri si Julius. Bukod sa pasa sa pisngi niya ay may mga bukol din iyo sa ulo. May mga pasa at galos din siya sa ibang parte ng katawan. Hindi ko maiwasang maawa sa kalagayam miya. Ayaw ko sana magturo pero malalas ang kutob kong ang mommy nila ang maygawa.
Dumating din naman si Kuya Bryan. Nanlumo ito nang makita ang kalagayan ng kapatid. Minabuti ko talagang siya na ang magtanong sa nangyari sa kapatid. Karapatan niya iyon dahil siya ang panganay nila.
“Julius, gusto ko maging honest ka sa mga kuya. Paano mo nakuha ang mga pasa at galos mo sa katawan? Tanong ni Kuya Bryan. Nakikita kong nagtitimpi lang siya ng galit niya. Ako man ay ganoon din. Kahit sabihin pang magkapatid lang kami sa ama. Anu mang angulo ay magkapatid pa din kami. At I value all of my siblings.
Nakayuko lang si Julius habang patuloy sa paghikbi.
“ K-kay M-mommy, Kuya.” Sambit nito. “Madalas niya akong pagbuhatan ng kamay. Kahit si Emman ay sinasaktan din niya. N-noong una wala iniisip kong kasalanan ko siguro. Pero nitong nagdaang araw napapadalas na ang p*******t niya sa akin. Sa tuwing nagpapaalam ako na dumalaw sa inyo, nagagalit siya. Nakikipagkaibigan daw ako sa mga kaaway.” Kwento niya. “Hindi na daw kami pwede sumama kina kuya Rald kasi day gagawin daw ninyo na hindi kami pamanahan ng Daddy.”
Nagngitngit ang bagang ko sa subrang galit. Paano niya na aatim na saktan ang anak dahil lang sa nakikipagmabutihan sila sa mga nakakatandang kapatid. Hindi ba alam ng babaeng ‘yon na sa totoo lang ay wala siyang karapatan maghangad ng mana. Sa laki ng kasalanan niya sa Mama ko talagang dapat nga ay magpakumbaba siya. Napapailing nalang ako.
Nanghihina namang tumayo si Kyua Bryan. Naglakad ito ng konte papalayo sa amin habang nakapamewang. Ilang beses itong nagbuga ng hangin.
“What’s your plan?” Rinig kong tanong ni Harley. Nakatayo ito sa di kalayuan.
Humarap ito sa amin.
“I need to get Emman first .” Sagot niya. Lumingon ito sa akin. “Can you let Julius stay here? I don’t want Dad to know this.”
Tumingin muna ako kay Ross. Nakatingin na pala ito sa akin. Tumango ito sa akin bilang pagpayad.
“Not a problem, Kuya.” Sagot ko sa kanya.
Niyakap nito ang kapatid at nagpaalam na kukunin muna ang kapatid. Sumabay na din si Harley dahil may duty pa ito.
Pag-alis ni Kuya Bryan ay sinako na naming si Julius. Joke.
Syempre hindi. Pinasamahan ko siya kay maze na ayusin ang gamit sa kwarto ng kambal.
“So, ang gusto pala ng kabit pag-awayin tayong mga anak ni Daddy dahil sa mamanahin?” Si Toffee habang nakaharap nanaman sa nilalarong video game.
“Grabe kinilabutan ako doon. Sarap niyang isako.” Matapang na si Matty. Sarap asarin. Noong isang araw lang ay ayaw nga nito pa iwan.
“Tama na yan. H’wag na ninyong pag-usapan at baka marinig kayo ng kapatid n’yo. “ Saway ni Ross. Tapos na ata siya sa ginagawa niya at nakisali na siya sa laro ng dalawa.
Napag-isipan kong magluto ng Spaghetti with garlic bread at Fried Chicken for dinner. Kailangan ko kasi ng ice breaker. Kailangan kong may mapaglibangan dahil hindi maalis-alis ang inis ko sa babaeng iyon. Hindi ko tuloy maunawaan kung papaanu natagalan siya ni Daddy. Alam kong malakas ang kutob kong may hindi magandang ugali ang babaeng yun pero hindi ko akalaing matindi ang pagkasama ng ugali niya.
Sana lang ay makuha agad ni Kuya Bryan si Emman. Natatakot ako sa pwedeng sapitin ng kapatid ko kung magtatagal pa siya sa piling ng Nanay nilang baliw.
Tinuon ko ang attensyon ko sa pagluluto. Baka sumama pa ang lasa ng pagkain dahil masamang tao ang iniisip ko.
Ilang sandali pa ay nakita ko nang kasama na nina Toffee at Matty si Julius. Kahit papaano ay naging kampante na din ako dahil kahit papano ay hindi naaapektuhan ang mental state ni Julius. Ang iba kasing mga bata ay halos hindi sia makalabas ng kwarto dahil natatakot ang mga ito. As much as possible ay ayaw kong maranasan ni Julius o nino man sa kapatid ko.
“Are you worried?” Napalingon ako sa asawa ko.
“Slight.” Nagpatuloy ako sa niluluto ko.
Lumapit naman si Ross nilanghap ang amoy ng niluluto ko.
“I miss this smell.” Matagal na din kasi akong hindi nakakapagluto.
“It’s nearly done. You can let the kids set the table.”
“Kids?”
“Yang mga isip batang ayaw paawat maglaro.”
Natawa naman siya sa sinabi ko.
“Ako na gagawa. Let them play.”
“If you say so.”
to be continued