Ross POV
“The Ricaforte Group what?” Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. It was the company that my father and I work hard for. And now it will be hand over to other people.
Noong pinatawag ako ni Mama sa office niya at sabihing nakahanap sila ng paraan upang maisalba ang kumpanya ay laking pasasalamat ko dahil kahit papaano ay tapos na ang problema. Pero hindi ko akalaing ipapatake over nila ang kompanya sa Ricaforte Group. Ito abg kompanyang pag-aari ng ama ng asawa ko.
“This is the only way to save the company, anak. Your mom and I read the agreement and it is still in our favor.” My father explains. Kausap naming siya thru video call.
“Kahit na, Pa. I could have done something.” Giit ko. I’m working everything para magawan ng paraan ang problema. Pero my father decided to make a deal with Ricaforte.
“Wala na tayong magagawa, anak. Nasa bingit na tayo ng paged-declare ng bankruptcy. This is the last means para masalba ang kumpanya. Naiintindihan mo ba?”
“Magpasalamat nalang tayo ay nagawan ng pamilya ng asawa mo ng paraan ang lahat.” Si Mama.
Gustohin ko man maging masaya hindi ko magawa. Feeling ko kasi ngayon ay nanliliit ako. Sa tuwing may problema ay palaging nagagwan ko ng paraan. Pero ngayon ay palaging nasasalo ng byanan ko ang lahat. Para ngang siya na ang nasusunod sa lahat.
Buong buhay ko ay hindi ko inasa ang problema sa iba. I learn to deal with it and do the best I can to resolve any issue. Kaya sobra subra ang sama ng loob ko ngayon.
Sama ng loob na nabitbit ko hanggang pauwi.
Sinubukan kong itago dahil pagdating ng bahay ay naroroon ang mga kapatid ni Herald. Pero sinundan pala niya ako sa kwarto at hindi na ako nakapagtimpi pa.
Pero nagulat ako sa huling sina bi ng asawa ko bago lumabas.
“Yun ba ang pagkakaintindi mo? Kaya sumasabog ang pride mo ngayon? Sige pangatawan mo yang pride mo. Mabubuhay ban g pride mong yan kung may masamang nangyari sa mga kapatid ko noong gabing ikaw sana ang pinupuntirya?” Sigaw nito.
Napaupo ako sa kama. I never meant to bend out to Herald but it ended up like everything is my fault. At nagawa ko pang makipagtalo na may tao sa baba.
Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago maligo at magdecide na bumaba.
Paglabas ng kwarto ay sumalubong sa akin ang katahimikan. Bumaba ako upang hanapin kung nasaan sila. Ngunit yung bagong katulong lang ang nandodoon. Nagliligpit ng pinagkainan.
“Ate nasaan sila?” Tanong ko.
“Nako, nag-ayang manuod po ng sine yung kambal. Pumayag naman po si Sir Herald kaya ayon sangka terba silang nanood.”
“Ganoon po ba?”
“Sabi po ni Sir Herald hindi pa po kayo kumakain. Gusto po ba ninyong ipaghain kayo?” Tanong nito.
“Wag na po, Ate. Busog pa po ako.” Dumeretso ako ng ref at kinuha ang isang bundle ng beer in can at dumeretso sa balcony ng kwarto at doon nagpakalunod sa beer na dala ko.
*****
Herald POV
Buti na lang ay may pagkasound proof ang warto nam ni Ross kung hindi ay baka kung anu na ang sabihin ng mga kapatid ko.
Pagbaba ko ay sinubukan kong mag-act na para bang walang nangyari. Nangmarinig ko na may palabas silang gustonng panuorin ay hindi na ako nag-isip pa at pumayag na agad. Pinasama ko si Maze upang mag-alaga sa kambal dahil malamang sa malamang ay lutang nanaman ako dahil sa sagutan naming ni Ross.
Gamit ang van ay tinungo namin ang pinakamalapit na mall na may magandang sinehan. Pumila agad kami para makabili ng ticket. At dahil may mahigit isang oras pa bago ipalabas ang pelikulang papanuurin ay naisipan muna naming maglakad lakad.
At dahil nga kasama naming ang kambal ay toys store agad ang una naming pinuntahan. Bahala na si Mickey sa pagbayad.
“Bat ako nalang palagi ang taya?” Reklamo nito. Tinawanan lang namin siya.
Sunod naming pinuntahan ang mga boutique ng damit. Knowing itong kasama ko ay minsan mo lang sila mapapasuot ng damit from dept store dahil branded ang pinamimili ng mga ito. Kami lang ata ni Toffee ang kayang bumili at gumamit ng ukay.
Shooping is the best reliever nga sabi nila kaya ito ang gagawin ko. Kawawang Maze dahil siya ang ginawa kong Barbie doll.
“Kuya Rald, tama na to.” Nagrereklamo siya kasi daw hindi naman niya masusuot as regular clothes yung pinamimili ko sa kanya
“Suot mo pag nagluto ng agahan.” Biro ko sa kanya.
At bago pa man magsimula ang pelikula ay nakapwesto na kami sa upuan. Nangalay ata ang paa ko sa kakalakad.
Nang matapos namin ang palabas ay nagdesisyon kaming umuwi.
Narating namin ang bahay. Agad namang inasikaso ni Maze ang kambal para makatulog. Dumeretso naman ako sa kwarto nina Toffee at Miggy. Sinigurado kong maayos si Miggy.
“I will be in the other room ha. You can wake Toffee if you need anything. Okay?” Paalala ko sa kanya.
“Sure, Kuya.” Sagot nito.
“Hoy, ikaw naman umayos ka ha?” Paalala ko sa isang pasaway na kapatid ko.
“Bakit ako ulit? Tahimik na nga ako rito eh.”
Ginulo ko nalang ang buhok nito. At saka lumabas ng kanilang kwarto.
Ngayon time to face my husband.
Pagpasok ko sa kwarto ay nagtaka ako ba wala si Ross. Napakunot ako ng noo nang mapansin kong bukas ang ilaw sa balcony. Sumilip naman ako agad upang tignan kung naroroon si Ross. Hindi nga ako nagkamali. Naroroon nga ang asawa ko. Pero mukhang nakatulog na ito sa kinauupuan. Napansin ko din ang mga beer can sa lamesa.
Nilapitan ko si Ross sa kinauupuan nito.
“Ross, wake up.” Bahagya ko siyang niyogyog upang mapabilis ang paggising nito.
“You’re here.” Tanong nito.
“At saan naman ako pupunta kundi dito diba?” Sagot ko. “Let’s go inside. “
Inalalayan ko si Ross na makatayo at sinuportahan maglakad para makapasok sa kwarto.
“Ayan, iinum inum hindi naman kaya.” Sambit ko.
“Can we not fight anymore?” Tinitigan niya ako. Napangiti ako sa kinikilos nito. Maging ang mukha nito ay nakakatawa. Pinipilit niyang dumilat pero halata namang hindi na niya kaya.
“Let’s talk tomorrow. For now let’s sleep, Babe.”
Inayos ko ang pagkakahiga ni Ross at kinumutan ito.
“I love you, Babe.” Bulong nito bago pa man tuluyang makatulog.
Umupo ako sa tabi nito at nilapit ang mukha sa mukha niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at dinikit ang noo ko sa noo niya.
“I love you too, Hon.” Bulong ko naman sa kanya.
Nang masiguradong nakatulog ko na tulog na si Ross ay ako naman ang nagbihis para makatulog na din.
Kinaumagahan ay nagluto ako ng hangover soup para sa asawa kong palagay ko ay mamaya pa magigising. Tamang tama at Sabado ngayon.
Bukod sa soup ay nagluto na din ako ng agahan. Una nang nagising si Toffee at Miggy.
Pinaakyat ko naman si Maze sa kwarto ng kambal para tignan ang mga ito.
Nang matapos kong maluto ang lahat ay umakyat na din ako upang kamustahin naman ang asawa ko. Nagdala na din ako ng soup dahil alam kong hindi agad makakababa .
Pagpasok ko ay naabutan kong nakaupo na ang asawa ko na gulo gulo ang buhok.
“Hey.” Bati ko sa kanya.
“Hey, Good morning.” Sagot naman nito.
“I cook something.” Sabay lapit sa kanya.
Inabot naman niya ang soup at kinain. Maya maya pa ay tumingin ito sa akin.
“Are you still mad?”
“No, I’m not mad at you. You are. Naiinis lang ako kasi you think kaya mo ang lahat. Sana sa susunod tignan mo muna ang lahat ng angulo pa mas palinaw bago ka mag-judge. Ross, you are my husband. What mine is yours as well. Problema mo ay problema ko dahil ikaw at ako ay iisa na ngayon. You might have problem with my family dealing with your family problem but if there is other option they will not going to do what they did.”
“I’m sorry.”
“You will always be forgiven.”
I can get mad with this man. He had flaws but so am I. Hanggang kelan man yun ay hindi ko alam. Basta ang alam ko ay I love him and everything can be solve if we just be open and talk.
- to be continued