Chapter 19

1410 Words
Ross POV Nang sabihin sa akin ni Herald na nagkausap na sila ng kanya Daddy ay pakiramdam ko ay nawalan ako ng isang alalahanin. It’s been weeks din kasing balisa at worried ang asawa ko. Hindi man niya sabihin ay alam kong ang pagiging balisa niya ay may kinalaman sa nangyari sa bahay ng daddy niya. Pero ngayon nga na nakapag-usap na sila nakikita ko na maaliwalas na ang kanyang mukha. Nagayon ay ganap nang bumalik sa dati ang bahay. Mula sa kulitan at tawanan ng kambal, Sigaw ng asawa ko sa mga pasaway niyang kapatid lalo na kay Toffee na ayaw makinig sa Kuya niya na itigil ang paggamit ng Big Bike at sa masayang kwentuhan tuwing agahan at hapunan. Nitong nakalipas na mga araw ay naging abala ako ng mga nakabinbin na mga project kung kaya hindi ko na nakakamusta ang mga kaibigan ko. Kaya nang mag yaya si Excel ay hindi na ako tumanggi pa pero dapat ko munang ipaalam sa asawa ko. “Babe, I will be late mamayang gabi ha, nag-aya kasi si Excel. Nakabalik na din si Jake dito sa Pilipinas eh.” Pagbibigay alam ko sa kanya. “It’s okay, as long na free ka this Saturday. Ikamusta mo ako sa kanila. Pasabi kay Excel dumalaw din naman hindi yung pambababae ang inaatupag.” Natatawa nitong pahayag. Hindi ko alam kung bakit laging pinapaalala ni Herald ang pagdalaw naming kina Mama. Kung sabagay, may tendency kasi akong makalimutan lalo na’t busy ako this past few days.   “Hon, don’t drink too much ha.” Paalala nito bago ko pa maibaba ang tawag. “Don’t worry, I’ll be bringing a driver.” Simula nang insidenteng ikinapahamak ng kapatid ni Herald ay hindi na kami nawalan ng driver bodyguard lalo na ako na pangunahing target ng suspek. Wala pa akong balita sa kung sino ang pasimuno noon dahil si Mickey ang umaasikaso noon. Plano ko ngang kausapin si Mickey about doon. Naghihintay lang ako ng pagkakataon. Mabilis lumipas ang oras. Inayos ko ang mga gamit ko at humanda nang umalis. Paglabas ng elevator ay binati pa ako ng mga guard. Nagpaalam pa ako sa kanila nang dumating angsasakyan. Bago pa man ako makasakay ay nakarinig ako ng batang umiiyak sa di kalayuan. “I want to go to Daddy!” Sigaw ng bata. Nagpupumiglas pa ito upang makawala. “Rafael, why are you like this? Hindi ka naman ganito. Stop crying or else I will not let you see your daddy again!” Saway ng babaeng sa tinin ko ay mommy ng bata. Mas lalo pang umiyak ang bata. Akmang lalapitan ko na sana sila pero eksakto namang nagring ang phone ko . Si Excel, tumatawag. “Yes, bro? I’m on my way already.” Pumasok na ako sa sasakyan at nagpahatid sa bar ni Excel. Agad naman akong sinalubong nina Jake at Excel pagdating ko. Sa isang private are kami pumwesto upang mas makapagkamustahan. Buti nalang at chill ang paligid lalo pat acoustic ang mga tumutugtog. Hindi maingay kung kaya nakakarelax. “Pang ilang branch na to?” Tanong ko sa kanya. “Ito naman parang hindi ka partner ng negosyo. Pang apat na to.” Sagot niya. “Grabe, hindi naman ako nawala ng matagal pero may bagong branch agad pagbalik ko?” Tanong ni Jake. “ Matagal na itong plano. This year ko lang na ayos.” He explained. Dahil nga sa matagal kami hindi nagkita kitang tatlo ay napasarap ang pag-uusap na hindi naming namalayang malalim na ang gabi. “Hindi k aba haahnapin ni Herald?” Tanong ni Excel. “He knows I’m here. Pinapasabi nga kung kelan ko daw dadalaw.” Sagot ko. “Kapag naayos ko na lahat. Nagsabay sabay kasi ang mga aberya nitong nagdaang buwan.” I’ts good na nagkita kita kaming tatlo ngayon. It bring back memories. Ever since, sina Jake at Excel na ang kasama ko. Sa mga ups and down ng buhay ko ay lagging naririyan sila. Kahit nga minsan ay ako na ang mali at they support me. Actually naalala kong sila ang nag-suggest noon sa akin na kumuha ng tao para mag panggap na lover ko. Naaalala ko pa… (Flashback dialogues in LSIFIL S1C1) "Baka atat na si titang magka apo!" si Exel. Naikwento ko na kasi sakanya ang nanyari. "Hindi pre eh. Pakiramdam ko may dahilan si mama." sabi ko naman. "So panu? May naisip kana bang idadahilan sa mama mo? " tanong ni Jake, isa din sa barkada ko. "Yun nga e, wala akong maisip." Pakiramdam ko naman kasi kahit magdahilan ako ay itutuloy parin ang planu nito. "Ang hirap naman nang sitwasyon mo pre, hehehe"   Ayoko pang matali sa isang babae. For crying out loud I'm only 25 years old. Masyado pa akong bata para tapusin ang kasiyahan na dulot ng pagiging single. Kailangan ko talagang makaisip ng magandang idadahilan kay mama. Inubos ko ang laman namg aking basa at muling omurder pa ng isa pang serve ng alak. Gusto kong mag pakalasing ngayun. Masama ang loob ko kay mama. "Pare, hinay hinay lng sa pag inum ha, magdadrive ka pa dba." Paalala ni Exel. At tumango lng ako. "Pare suggestion lng ha. Kasi alam naman nating lahat na disidido talaga ang mama mong matali ka, what if," Si Jake habang nakatingin sa akin na seryosong seryoso. "What if anu?" tanung ko dahil tila binibitin pa nya ang sasabihin. "What if lng naman ha, kung sakaling pwede tong naisip ko" "Anakanang! Dalian mo na nga pa suspense ka pa jan eh, bangasan kita jan." aniko. "Chill lng oy! Ikaw na nga tinutulongan eh." Sagot ni Jake. "Sabihin mo na kasi para matapos na. Dami mo pang arte e" tugon naman ni Exel. Huminga naman si Jake nang malalim at ako namay nakatingin lng sa kanya. Pero sa likod ng isip ko ay nananalanging sanay may sense ang isasuggest niya. "ok." lumunok pa sya ng laway. "What if sabihin mo sa mama mong BADING KA? At hindi ka sang ayon sa gusto nya dahil may boyfriend ka na mahal na mahal mo." Halos tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Sa isip ki ni di ko ma imagine ang sarili ko na bading. "Nagpapatawa ka ba? Seriosly Jake? As in ako magpapanggap na Bading? I mean me as Gay? Are you out of your mind!" Singhal ko sa kanya. "Suggestion nga diba? Hindi ko sinabing sundin mo. Wala kanang maiisip na dahilan pa at yun nalang ang sa tingin kong kakagatin ng mama mong valid reason." "Hell no! Ayoko. Parang di ko kaya yun. Maghahanap nalang ako nang ibang reason wag lng mag panggap na bading." Tumayo ako sa kinauupoan ko. " I'm Ross Isaac Villa Roman. Masisira ako pag ginawa ko amg suggestion mo." Tugon ko sa kanila. Tahimik lng si Exel. Si jake namay kibit balikat lng. At sumunod ang katahimikan sa aming tatlo. "Wala naman akong nakikutang masama kung susubokan mo yung suggestion ni Jake, pre!" pagbasag ni Exel nang katahimikan. Akoy nakatayo parin. Tiningnan ko siya. At tumalikod upang iwan sila. Alam kong nakabusangot ang mukha ko habang binabaybay ang parking lot papunta sa aking sadakyan. "Never in my wildest dream na magpapanggap akong bading and to think na hindi lamg basta bading kundi may lover pa." wika ko sa sarili.       (End of flashback) Who would tought na yung pagpapanggap upang makaiwas sa kasal ay mauuwi sa magmamahalan. Ngayon nga ay kasal na kami. Wala na akong maihihiling pa. Kung meron man ay yun marahil ay mapag-ming mag-asawa.  Dahil controlled lang ang pag-inum ko ay hindi ako nalasing hanggang sa maghiwa-hiwalay kaming tatlo. Nasa daan na kami pauwi ng magring ang phone ko. Hindi ko na tinignan kung sino iyon at basta ko na lang sinagot. “Hello?” Ross, this is Trina.” Sagot ng kausap ko. I know her, siya dati ang gustong ipakasal ng papa ko sa akin. Pero mukhang hindi maganda ang boses nito ay para bang kakagaling sa iyak. “kailangan ko ang tulong mo.” Dagdag nito at narinig ko nanaman ang iyak niya. “Wait, Trina, where are you?” “Nasa hospital ako ngayon, Ross. Please can you drop by? I really need your help.” “Send me the address.” Nang matanggap ko ang address ay agad kong inutusan ang driver na puntahan ang hospital. Hindi ko alam kung bakit pero malakas ang pakiramdam ko na may kailangan akong malaman sa kanya.          -to be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD