Chapter 18

1102 Words
Herald POV Matapos ang Monthly Group meeting, ay pinatawak kami ni Daddy sa kanyang office. Pagpasok sa office ay naroon na si Kuya Rufert, Kuya Bryan, at Mickey, seryoso ang mga mukha nila na para bang makikipag-away anu mang oras. Wala pa si Daddy pero parang walang balak magsalita. Umupo nalang kami ni Miggy sa bakanteng upuan at tahimik na nakiramdam. Ilang sandali pa ay pumasok na si daddy kasama ang dalawang executive assistant nito. “What have you learn?” Agad na tanong ni Daddy. Ayon sa assistant ay may mga anumalyang nangyayari sa pagitan ng mga shareholders. Sa pagkakaintindi ko ay sinisikap ng kaparid ni daddy na mapalaki ang shares nila upang magkaroon ng sapat na kapangyarihan. Nakikipag meeting din ito sa mga president ng companies under ng Group upang hingiin ang suporta nito. Malapit na kasi ang annual shareholders meeting. Sa pagkakataong iyon ay maaaring magtalaga, at magtanggal ng pangunahing posisyon. Akala ko ay sa drama ko lang ito mapapanood pero grabe hanggang pala sa totoong buhay. Akala ko ay ang Ricaforte Group of Company ay nagkakaisa sa liderato dahil nga sa local man o International ay may mga impluensya ang mga ito. Pero mali pa ako. May mga agawan din palang nangyayari. Hindi ko maiwasang matakot. Sa ngayon ay hawak pa nman ng pamilya ang pinaka malaking shares kung pagsasamasamahin. Sa kasalukuyan ay Hawak ni Daddy ang mahigit 30% ng shares. Hawak naman ni Kuya Rupert ang 8%. Si Kuya Bryan naman ay hawak ang 3%. Ang kambal ay may parehong 3% din, si Matty at Toffee ay parehong may 2%. “Hawak namn po ni HMV ang 8% of shares.” Rinig kong sabi ng isa sa mga executive assistant ni Daddy. “What? Seryoso?” “Inilipat ko sayo ang 5% na hawak ng Mama noon. Naturally bilang anak ko ay nililipat ko sa inyo ang 2%. At dahil nga nag-trabaho ka sa kumpanya in a key position ay madadagdagan ka ng 1%. Kaya meron kang 8%. Wag kang mag-alala alam ng mga kuya mo ang tungkol dito.” Explain ni Daddy. “Pero kahit na, Dad. Unfair na sa akin lang ibibigay ang share ni Mama.” “Kaya ayaw naming ipaalam sayo kasi magrereklamo ka pa. Walang magagalit sayo. Unanimous ang decision. Kaya wag ka na magreklamo pa.” Saway ni Kuya Rufert. Nagpatuloy sa pag bibigay report ang tauhan ni daddy. Wala naman akong maintindihan kung kaya nagkunyari na lang akong alam ko ang pinagsasabi nnila. Hanggang sa matapos ang meeting na iyon. Nagkayayaan na kumain pero nakakaumay dahil trabaho pa din ang pinag-uusapan nila. Pupusta ako hanggang mamayang hapunan yan pa din ang pag-uusapan nila. Laking pasasalamat ko at nang matapos ang Lunch ay nakatakas kami ni Matty. “Bakit ba napaka active nila ngayon sa shares? Parang last year ay hindi naman ganito?”  Tanong k okay Miggy. “Because someone is challenging the power of the Chairman.” Nangunot ang nook o sa sinagot ni Matty. “What do you mean?” “Ibig sabihin may gustog kunin ang posisyon. Especially ngayon na may edad na ang Daddy.” Yung totoo? Mamera at crew nalang anng kulang maniniwala na akong nasa pelikula na ako. Sa dami ng nalalaman ko ngayon ay sumasakit ang ulo ko. Information overload.  Hindi na kami bumalik ng Pages Café. Nagdesisyon nalang ako guluhin si Ross sa office nito.  Pagbaba ay agad kaming pumasok sa building. Nakagawian ko nang dumeretso sa elevator dahil kilala na ako ng receptionist at guard. Maging ang dalawang kapatid ko ay nakakalabas pasok ng building ng walang kahirap hirap. Pero nabigla ako ng bigla akong harangin ng isang lady guard. Bago ata sa isip isip ko. “Excuse me, Ba’t kayo basta basta pumapasok. Magpalista muna kayo sa reception. Ayos ah, akala  nyo building n’yo.” “Seryoso ka ate?” Tanong ni Matty. “Mukha ba akong nagbibiro? Wag kayong pasaway.” Talagang sumagot pa. Yung tono niya parang siya pa ang amo. “ Bago kayo ate?” Ako na nagtanong. “Ba’t mo tinatanong? Sino ka ba rito?” Pabalang niyang sagot. “Nona! Anu sa tingin mo ang ginagawa mo?” Saway ng isang guard na kararating lang. “Sir Herald, Sorry po, bago po.” “Sa susunod wag kayo maglagay ng hindi friendly na guard. Nakakahiya eh.” “Pasenxa na po, Sir” Hinarap nito ang mataray na lady guard. Pero nawala ang focus ko sa kanila dahil nadaanan ng mata ko ang batang nasa waiting area. Kasama nito ang babaeng naka shade at may scarf. Akmang pupuntahan ko sana pero tinawag ako ni Matty. Bumukas na kasi ang elevator. Kaya lumapit nalang ako doon at iwinaglit sa isip yung nakita ko.   Buti nalang at walang masyadong ginagawa si Ross kung kaya maaga kaming nakauwi. Sinundo namin ang kambal at nagdrive thru sa pinakamalapit ng fast food chain. Nasa bahay na din si Toffee ng dumating kami. Napagalitan ko pa dahil nasasanay nang mag-big bike sa tuwing papasok at uuwi. Knowing him, sa way ng pagdadrive niya ay di malayong dadalaw uli kami ng hospital. “Hayaan mo nalang yang kapatid mo. Matanda nay an.” Saway ni Ross. “At pag-naaksidente?” “Ba’t kasi yon kaagad iniisip mo? Pwede namang magiging maingat siya sa pagda-drive.” “Whatever.” Masyado akong pagod para makipagtalo pa. Sino mag-aakala na silang dalawa ay hindi mapagsama sa iisang kwarto. Tignan mo ngayon, palagi na siyang kinakampihan ng asawa ko. “By the way, clear your schedule next weekend.” Naalala ko yung favour mi Mama Claire. “Anung meron?”  May halong pagtatakang tanong ni Ross. “We’re going to visit your mom. Ilang weeks ko nang hindi nadadalaw si Mama.” Sana pumayag. “Why next week?” Mukhanng mabubuko ata niya ako. “Dapat ba may rason? Basta pupunta tayo doon. Period.”  Ganyan nga Herald. Daanin mo sa sindak. Lumayo na ako sa kanya nang hindi na niya ako macorner. Hindi kasi ako magaling magtago ng secreto na alam kong ikakagalit niya. Dahil sa totoo lang ang acceptyance ay hindi ipinipilit. Pinaiintindi muna ang isang bagay bago matanggap.At ang pagtanggap ay isang proses.   In case of Ross, I can only push a little bit but not too much. Hindi ko pwedeng ipilit sakanya kung talagang ayaw niya. Kahit nagbitiw ako ng salita ay priority ko pa din ang nararamdaman ng asawa ko. Sa subrang pag-iisip ay nakatulog na pala ako sa kwarto. Nang magising ako ay nasa tabi ko na ang asawa ko. Nakayakap at himbing na ding natutulog.  - to be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD