Herald's POV
It's 5:30 in the morning. Bumangon ako at naghilamos bago bumaba. Samantalang ang katabi ko ay himbing pang natutulog. Lumapit ako sa kanya ay ginawaran ng halik sa pisngi.
"Good morning, I love you." Bulong ko dito lumabas na ng kwarto.
Nakasanayan ko nang gawin iyon tuwing umaga.
Habang pababa ng hagdan ay naamoy ko na ang tapa. Maze is already up. As usual naunahan nanaman niya ako.
Luto na ang tapa at garlic rice sa counter. Hindi talaga ako nagkamali na kunin siya. She is so responsible. Nang lumingon ito sa akin ay agad akong ngumiti sa kanya.
"Good morning, Maze." Masiglang bati ko sa kanya.
"Good morning din, kuya. Sinimulan ko na pong lutuin yung agahan." Anito.
"Salamat, Maze. I'll start with the lunch boxes." Agad kong tinungo ang refrigirator at kinuha ang marinated chicken at yung mixed veggies.
"Tulungan na po kita at matatapos na din naman ito kuya." Prisinta niya na hindi ko na tinanggi.
It's more than a month since we came back from Italy. Back to normal na ang takbo ng buhay namin. At masasabi kong ang dami nang nangyari.
Ross start managing their family business as usual. Lumaki na ang responsibilidad niya sa kumpanya. Maging ang joint project nila kay Papa ay matagumpay din. Minsan tumatawag ang Papa n'ya upang kusmustahin ang kumpanya. Ang Mama naman niya ay naging mas abala sa fashion botique na nadagdagan pa ang branches. Minsan nga ay inuudyaka ako ni Mama Claire na magbukas din ng isa. Napag-iisipan ko tuloy na sumangayon pero mukhang ang asawa ko naman ay ayaw dahil dalawa na ang pag-aari niya. Sapat na daw iyon sa amin at isa pa may sarili naman daw akong negosyong inaasikaso.
Speaking of my own business, naging busy ako nitong nagdaang linggo sa Pages Cafe at Chapters Buti nalang at kasama ko sina Matty at Toffee. Kinuha kong manager ng isang Page si Lorie. Kahit ganoon ang babaeng iyon may sense yun sa seryosong trabaho. Sayang ang tinapos kung hahayaan ko lang siyang matengga sa Pampanga. Isa pa ang mga pakulo niya ay pumapatok sa mga parokyano namin.
We live on the same house. Balak pa sanang lumipat ng bahay pero pinigilan ko na lang siya. Ok na ang five room house sa amin. Kung tutuusin, malaki na nga ito sa amin pero dahil extended ang family namin, lalo na sa side ko, ay sapat na ang bahay na ito.
Two weeks ago, kinailangan ni Kuya Rupert pumuntang US for business. Kaya for the meantime, sa amin umuuwi ang kambal. Hindi rin naman naging problema kay Ross dahil malapit naman ito sa kanila. In fact, siya ang naghahatid sa kambal every morning sa school. Ako naman ang sumusundo after class. Sana'y na din ang kambal sa madalas na nasa malayo ang ama. Hindi ko tuloy maiwasang maawa sa kanila. Kaya sinisiguro namin ni Ross na maipadama namin na they loved. May mga pagkakataon nga na kasama namin matulog sa room ang dalawa lalo na kung weekend. I realised, Ross love children. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot sa tuwing naiisip ko iyon.
Paminsan minsan, nakikitulog din ang mga kapatid ko. Gaya ngayon, Matty slept in Toffee's room. Yes, Christoff Ian Recaforte is leaving with us. Dahil sa akin lang naman daw ito nakikinig ay pangatawanan ko nalang daw ang pagiging guardian niya. Ramdam ko nga noon ang hesitation kay Ross nang ipaalam ko sa kanya ang about kay Toffee. They started in a wrong foot kaya gusto ko sanang mabago ang impression nila sa isa't isa. Hindi ko alam kung napilitan lang siya noong pumayag sila pero naging maayos din lahat. Naging gym buddies na nga silang dalawa.
Luckily, I manage to force him to go back in schooling habang nagpapatuloy sa pagtatrabaho. I'm thankful dahil medyo nababago na ang perspective ni Toffee sa buhay. Pati nga sina Breeze at Kaizer at maayos na din ang buhay. Sa katunayan ay silang tatlo ang mga senior barista ng Page Cafe. The three of them also attend various workshop and seminars. Dalawang beses na nga sila umatend ng seminars abroad. Isa sa Thailand at yung isa naman ay sa Korea. Kasama ako that time. Actually, naging family get away pala ang labas noon dahil nagsunuran ang mga kapatid ko. Pati nga yung tatlo pang kapatid ko on my papa's mistress sinama nila. Ang saya lang. Next week, we'll flying in Japan to attend a summit on coffee and tea. Excited na nga ako makapunta doon.
Mickey stays on fathers house together with Harvey and Kuya Al and his family. Malaki din ang bahay kaya hindi rin problema. Nagulat nga ako na may wife and kids si kuya Al. Nameet ko lang sila noong umuwi kami galing Italy.
My father is in good health nowadays. But we decided to convince him to let us, his children, deal with the business which he agrees. Ate Rachel, kuya Al's wife is the one taking care of him. May nurse naman silang kasama sa bahay kaya hindi na din mabigat.
My other two siblings stay with their mother. Although, madalas din ang dalaw nila sa bahay ni papa. lalo na tuwing Sunday.
Minsan nga nagtataka ako ba't di nalang sila tumira doon. Nang itanong ko iyon kay papa. Naalala ko pa ang sagot niya.
"This is your mother's house. I built this for her and her alone. My children can live here but not her."
My father is not Saint. He does things that make our life complicated. But his respect and love for my mom are the greatest.
Agad kong na ayos ang lunch box nina Ynigo at Ymilio. Ang saya lang kasi lagi nilang nauubos ang baon nila. Kung kaya ginaganahan din akong paghanda sila ng lunch. I also make sure to them that they are happy staying here. Thanks to Ross na sumusuporta din sa pag-aalaga sa kambal. Pakiramdam ko pinangangatawanan niya ang pagiging second daddy.
It's already 6:30. The table is set for breakfast.
"Maze, ikaw na muna bahala rito ha, tatawagin ko lang sila." Bilin ko
I went upstairs to call the boys. As I walk to the twin's room, I can hear them laughing. When I enter, I saw Ross fixing their uniforms. Binibilinan niya ang mga ito na ging good boys at may pasalubong day sila from him mamaya.
Nakagawian na niyang asikasuhin ang kambal. He woke up by 6 o'clock and wake up the twins to prepare them to go to school.
"Ready na ba mga babies ko?" Masigla kong tanong.
"Yes tito Rald!" Sabay nilang sagot.
"Good. Baba na tayo, breakfast is ready."
Agad namang nag-unahan ang dalawa palabas ng kwarto.
"Hey, no running kids." Saway ni Ross.
Lumapit naman sa akin si Ross. Naramdaman ko ang kamay nito na umakbay sa akin habang nakangiting pinagmamasdan ang kambal.
"Maligo ka na din, babe." Aniko. Sabay halik sa pisngi niya. "Sundan ko lang yung dalawa."
"Yes, wifey." Sagot niya.
Akala ko ay babalik na ito sa room pero nagulat ako nang bigla nitong hinila ang kamay ko sabay halik sa labi ko na agad ko namang tinugon.
"I love you, hon."
"I love you too." Sagot ko naman sa kanya. "Now, magready ka na din at baka maipit pa kayo sa traffic." Ani ko ay tinulak ito patungo sa kwarto namin.
*****
"Behave kayo sa school ha." Paalala ko sa kambal. Sakay na sila ng sasakyan ni Ross.
"Ingat ka sa drive ha." Baling ko naman kay Ross.
"Opo." Aniya. "Alis na kami, hon."
"Bye tito Rald!" Paalam ng dalawa.
"See you later, Babies." Sagot ko naman. Bago pa isara ang bintana ay ginawaran ko ng halik ang dalawa sa noo. Pinaandar na ni Ross ang sasakyan. Nakatayo lang ako bandang gate at pinag masdan ang sasakyan hanggang sa tuluyan nang maglaho ang sasakyan.
Pagbalik ko sa loob ay naabutan ko sina Toffee at Matty na nagsasagutan habang kumakain.
"Anu nanaman yan?" Tanong ko
"Ginamit nanaman n'ya kasi damit ko." Si Matty.
Kahit minsan lang matulog si Matty sa bahay ay may sarili itong damitan sa kwarto ni Toffee. Madalas nilang pagtalunan dahil itong si Toffee ay pinakekealaman ang gamit ni Matty. Palibhasa ay magkasize lang silang dalawa kaya madalas pagdiskitahan ni Toffee ang mga gamit ni Matty.
"Parang damit lang eh." Ganting sagot ni Toffee. "Bibilhan kita mamaya."
"Ungas! Narinig ko na 'yan." Ganting sagot ni Matty. Bakas pa din ang inis habang naglalagay ng pagkain sa plato nito.
"Ang aga aga nagtatalo na kayo sa harap pa ng pagkain. Ilang taon na ba kayo?" Saway ko. "Matty ilipat mo gamit mo sa kabilang kwarto nang di na pakialaman ng isang yan ang mga gamit mo." Bumaling ako sa isa. " Ikaw naman, may gamit ka din namang sayo diba? Ba't kailang pati gamit ni Matty pinakekealaman mo? Gustong gusto mo talaga mang-inis."
"Ito yung na una kong makita sa damitan eh. Malay ko bang sa kanya pala to." Nakangising sagot nito. Napailing na lang ako.
Ayaw na ayaw ni Matty na pinakekealaman ang gamit niya. May pagkamaselan kasi itong si Matty pagdating sa gamit niya. Ito namang si Toffee ay mahilig asarin ang kapatid. Buti di pa sila nagsusuntukan. Naku lang talaga.
"Do I smell tapa?" Naku po, heto na ang chick boy. Hindi ko alam na nandito pala itong isang to.
"Dito ka natulog?" Tanong ko na may halong pagtataka. Si matty lang kasi ang alam kong dumating kagabi.
"Yup. Magkasunod lang kami si Matt dumating." Nagtitimpla ito ng kape.
"Kayong dalawa kung magbabangayan kayo, siguraduhin ninyong walang naiistorbo." Sa ayos nitong si Mickey ay mukhang irita din sa dalawa. Nakakatawa pa ang itsura nito. Subrang gulo ng buhok at tanging boxer lang ang suot. nakasampay naman sa kanyang balikat yung t-shirt.
"Kuya Mickey, that my shirt!" Sigaw ulit ni Matty. "Bakit ba palagi ninyong pinagdidiskitahan ang mga gamit ko?"
Naku po, naloko na. Napagtulungan nanaman ang bunso.
Our life as a married couple becomes complicated. Not that I'm complaining about it. I enjoy my life. I'm thankful dahil Ross always understands the situation. Ganon din naman ako sa kanya.
Alam kong baguhan pa lang kami bilang mag asawa at madami pa kaming pagdadaanan. Pero alam ko na makakaya namin lahat basta bukas kaming dalawa sa isa't isa. Kailangan lang naming maging tapat at magtiwala.