Ross POV
"Behave, babies, ha. Don't forget to finish your lunch. Tito Rald will fetch you later." Bilin ko sa kambal. Nakangiti naman ang mga itong nakatingin sa akin.
"Yes, sir!" Masayang sagot ng mga ito. Bago pa man sila tuluyang pumasok sa school ay hinalikan ko muna silang dalawa sa noo at saka ginulo ang buhok bahagya.
Mahigit isang buwan na kaming kasal ni Herald. Madaming nabago sa lifestyle ko but I'm starting to like it. Kahit nga minsan ay pakiramdam ko ay biglang lumaki ang mundo ko pero kakaunti lang ang gagalawan ko. But with Herald, I can do anything.
I started to love waking up early in the morning and wake up the twins. I'm having fun taking a bath with them. I like Herald cooking and preparing lunch boxes for us. It's like we are a family now. I can't help to look forward to what is next for us. Kahit batid ko an malayong makakagawa kami ni Herald ng sarili naming mga anak. But knowing nowadays, madami nang alternative. Soon ay mapag-uusapan din naming dalawa. We just need to take our life slowly.
I’m on my way to the office when my mom called. Agad kong sinagot iyon. This is already part of her routine.
"How's life, son?" I really missed her. She always makes sure that I am okay. Gusto n’ya ding makakapamalita araw araw kahit wala siya sa bansa. She's in Paris to attend the fashion week.
"I just dropped the twins to school. I'm heading to the office now. Life is good with my beloved husband." Masaya kong sagot. “How ‘bout you?”
"That is good to know. Don’t worry about me I’m also good here. I might be coming home this weekend." She answered. "By the way, did your dad try to contact you?" Tanong into. May kung anus a boses niya na parang kinutuban ako.
"No, he didn't. Why did you ask, Ma?" Takang tanong ko pabalik. For sure, may kalokohan nanamang ginawa si Papa.
"I just heard that he's having a hard time in his business." May himig ng pagaalala sa boses ni Mama. Napabuntong hininga ako upang pakalmahin ang sarili.
"Don't worry, Ma. I will call Ate once I arrive in the office," I answer. Knowing my mom, alam kong worried siya sa maaring sitwasyon ng Papa. Kahit naman kasi halos hindi na sila nagkikitang dalawa ay hindi makakailang mahal talaga ni Mama si Papa.
Hindi ko mapigilang magtaka. Kahit ma-pride si Papa ay hindi nito papayagang malugmok ang kumpanya niyang pinaghirapang itayo. Kahit pa sabihin na inihiwalay na niya and kumpanyang naririto sa Pilipinas sa mother company nito na naka based sa US, ay lagi itong humihingi ng tulong sa mga anak niya. Nakakapagtaka na hindi man lang niya ako tinawagan.
Pagdating ng opisina ay agad kong tinawagan ang ate Rochelle upang alamin ang mga nangyayari. Kahit alam ko ang difference ng oras ng Pilippinas at California ay nagbakasakali akong masasagot ng ate ang tawag ko. At hindi naman ako nabigo. Inakala pa niya na may kung anong nangyari at napatawag ako.
"I'm okay, Ate," just to calm her down. "Mama called and heard that Papa is having a problem in the company. Is it true?" Diretso kong tanong. Hindi kasi ako sanay sa paligoy ligoy lalo pa kung importanteng bagay.
Hindi agad nakasagot ang Ate ko. Knowing her, alam kong may alam ito. "Don't try to hide it, Ate," pagbabanta ko.
"Relax, Lil bro, I don't plan to keep you in the dark. I'm just waiting for the right moment. For God's sake, you just got married and starting a new life," She explains. "The truth is, some of Dad's investors are pulling out their money. And it affects the stocks in the market. My husband is now in New York to help. But he can only do so much."
"So what can I do?" I mediately ask.
"For now, Ross, Let's wait," she suggested.
"Seryoso ka d'yan?" Hindi ko mapigilang sagot.
"Ross, you are miles away here. You just technically started having a family. You can't just fly to New York and leave Herald there. Besides, Lance is already helping out already." May diin niyang paliwanag.
Napabuntonghininga muli ako nang mapagtantong tama nga naman siya. I just started a life with Herald. It will be unfair to him if I go to New York.
"Can you just, update me from time to time, Ate?" I asked.
"Don't worry, Ross I will. Now let me sleep."
*****
After ng tawag ay inasikaso ko and mga dapat asikasuhin. Sa kabila ng pagsisisguro ng Ate ay hindi pa rin lubusang payapa ang pakiramdam ko. Maybe I'm not used to this. I remember that every time my Dad face a problem, he always asked me to come. But now, I can't do anything but wait.
To make me at ease, I tried searching my Dad's circumstances in the net. Which I have not failed.
Based on the news that I read, it's not only the investors who are backing out but also some of their partners including the Madrigals. Naglabasan din ang mga issue about sa pagiging sugarol ng Dad noon na naging dahilan na muntik nang bumagsak.
Sa mga nabasa ko ay hindi ko kayang walang gawin. Kung kaya agad kong tinawagan ang contact ko sa LA upang humingi ng tulong. Hindi naman ako nabigo dahil agad namang pumayag ang taong kausap ko.
"Sir Ross, excuse me po." Rinig kong tawag ng secretary ko sabay dungaw nito sa pintuan ng office.
"Yes, Amalia?" wala sa loob kong tanong.
"Sir, si sir Herald po nasa phone. Tinatawagan nya daw po kayo sa phone nyo hindi daw kayo nasagot," anito.
Nang tiganan ko ang phone ko ay napagtanto kong nakasilent ang phone ko at may limang missed call na ang asawa ko sa akin. Agad kong kinuha ang reciever ng landline phone para sagutin. Sumenyas na lamang ako kay Amalia para maibaba na niya ang reciever niya.
"Hi Hon, sorry naka-silent kasi yung phone ko kaya hindi kaagad nasagot yung tawag mo," pagpapaliwanag ko.
"Masyado ka atang busy. Sabi ni Ate Amalia, wala ka namang appointment today," tanong naman nito. Sa tono niya ay mukhang nagtataka ito.
"Hindi naman may mga pinapa-check lang ang Mama. Ba't ka pala napatawag? Is something wrong?" Tanong ko rito.
"Ross, we supposed to have lunch together today, remember?" Napatampal ako sa noo ko nang maalala ang lunch date namin. Sa subrang subsub ko sa problema ng Papa ay nawala na ako na maging ang oras ay hindi ko na namalayan. Hindi ko tuloy maiwasang ma-guilty.
Kanina bago umalis ay binilin niya na may food testing ng bagong products ang Season One. Nagpromise akong pupunta ako para sabay na din kami maglunch.
"Sorry, Hon, paalis na ako. I'll be there after thirty minutes."
Pagkasabi noon ay agad kong binaba ang tawag at mabilis na kumilos upang puntahan na si Herald. This is the first time na nawala ako sa oras. And I don't want him to be upset because of this.
Wala pang thirty minutes ay narating ko na ang main branch ng Pages Cafe, ang Page One na ngayon ay mas lumawak na dahil nabili na ng Pages mga katabing establishment. Ang katabi naman ng Page One ay ang main store din ng Season Sandwiches na Season One na pag-aari din ng Pages Cafe. Kakabukas lang nito noong isang buwan.
Malaki na din ang pinagbago ng ng paligid kumpara sa dati. Dahil sa ganda ng pagkaka-design ng interior at exterior nito ay nagmistulang pasyalan na ang dating. Para siyang mini town center. At ang lahat ng mga establisment na naka palibot dito ay under sa Ricaforte Land Development.
Agad akong pumasok sa Cafe nang maayos kong nai-park ang sasakyan ko.
"Sir Ross, bat ka naririto? Nasa kabila po si Sir Herald," tanong ni Katelyn.
Lutang na talaga ako. Nakalimutan ko na sa Season One pala kami kakain now.
*****
"Are you okay, Babe?" Tanong ni Herald.
"I'm okay, Hon. Sorry if nawala sa isip ko yung lunch date natin. May mga inaasikaso lang talaga ako." Ayaw ko munang sabihin sa kanya ang problema ng Papa. Knowing him, he will ask his father's help for sure. As much as posible iniiwasan ko na idamay siya sa problema ng pamilya ko.
"It's okay. I understand," aniya.
Hindi ko alam kung sinasabi lang niya ito dahil ayaw niyang malaman ko na nagtatampo siya pero alam ko na is the most understanding person. And I'm thankful dahil binigay siya ni Lord sa akin.
"Promise, Hon, babawi ako," I told him.
"You don't need to. Just remember that I am here to help you. You don't have to do everything by yourself. Hope you know that." Kita sa mata niyang seryoso siya sa sinabi niya.
I smile to him and reach his hand. "I love you, always Mr. Herald Vincent Recaforte Villaroman," I mouthed.
"You know that I love you too right? so please don't be a cheesy man and finished your food," he said and laugh.
“I really love this man.” Bulong ko sa isip ko.
*****
Herald POV
Something is wrong to Ross. I'm sure of it. But he doesn’t want me to know. But I don't want to force him to open up. As his husband, I'm here to support him no matter what. Wish he could open up to me so I can help him. I hate seeing him like this. Kaninang umaga ay maayos pa ang aura niya pero ngayon ay parang ang bigat ng dinadala niya. He might try to hide it pero kilala ko siya. Hanggat kaya niya ay itatago niya sa akin ito. He will find solution in his own. But he is not alone now. Kasama na niya ako. Ang asawa niya.
Nang makaalis na pabalik sa kanyang office si Ross ay bumalik na din ako sa Page One. Doon kasi talaga ang office ko. Isinantabi ko muna ang pag-alala sa asawa ko at minabuting gawin ang mga natitira ko pang itinerary sa araw na ito.
Matagal na ding minamanage ko ang Pages Café Inc. na ngayon ay sakop nang Recaforte Group. Under Pages Café Inc naman ay ang two cafes brands which is the Pages Coffee at Seasons Sandwiches.
Sa pangkalahatan ay may siyam na branches ng Pages Coffee.Ang Pages One at Two ay ang café na nasa pangalan ko. Ang Pages Three, Four at Five naman ay pag-aari ng Pages Café Inc. Page Six naman ang unang franchise na located sa Hospital na pag-aari ng Recaforte Group. Nasa pangalan nina Harvey at Mickey ang Café. Hindi pa nakuntento si Mickey at nagpatayo pa ng isa pero naunahan siya ni Ross sa Page Seven, na ngayon ay nasa Legend Tower kung saan ang main office ng mga negosyo ng mga Villaroman. Ang Page Nine naman ay franchise ni Excel.
Sakabilang banda. Ang Season Sandwiches ay may roon naman tatlong branches. And Season One ay itong katabi ng Page One na ipinangalan kau Matthew dahil inunahan siya ni Mickey na magpatayo sa target location niya. Natuwa naman si Matthew nang malamang kanya ang unang branch ng feasibility study project ko noong tinatapos ko pa ang pag-aaral ko dalawang taon na ang nakakalipas, Ang dalawang branch naman ay under Pages Café.
Kahit sa iba pinangalan ang mga cafes ay ako pa rin naman ang nag-ooverlook nito. Kagaya ng malalaking franchising store, I make sure that the café is delivering quality service and best food.
“Sir Herald, Delivery po.” Napatigil ako sa pagtitipa at dinako ang paningin sa taong tumawag. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ang dala-dala ng isa sa mga crew sa baba. Isang bouquet of flower ang inabot sa akin. Inabot koi yon at pinasalamatan ang nagdala. Tinignan ko ang card at agad akong na pangiti.
“I LOVE YOU – Ross”