Chapter 6: Making It Up

2083 Words
Heral POV   Kahit hindi man sabihin ni Ross ay alam kong may buimabagabag sa isipan nito. Hindi ko alam. Ayo’ko  din namang pangunahan dahil kompyansa naman akong sasabihin niya ito sa akin. Kung kaya hinahayaan ko lang siya. Sakabila nito ay hindi pa rin naman niya nakakaligtaan ang mga nakasanayan na naming gawin bago pumasok. He still takes care of the twin even though he went hope late this past few weeks. Alam ko naman na malakas siya at kakayanin niya ang problema pero hindi ko pa din magawang makampante. “Ba’t hindi mo kasama ang asawa mo, Herald?” Tanong ni Daddy. Kasalukuyan akong nasa bahay niya. Naging hobby na kasi naming magkakapatid ang magsamasama tuwing Linggo sa bahay ni Daddy. “He’s with Mama Claire. They are working with something. I don’t bother to ask nalang.” Sagot ko sa Daddy. Ang totoo ay kahapon pa wala sa bahay si Ross. Tumawag lang si Mama Claire para sabihin na kasama niya ang anak baka daw mag-alala ako. Nalaman kong may kinalaman sa business ng Papa niya ang inaasikaso nila. “Dad, can you ask kuya Rupert to check how Ross father’s business lately?” Hindi ko man gustong manghimasok sa problema na kinahaharap ng Papa niya ay minabuti ko nang alamin para kahit papaano ay may idea din ako sa nangyayari. Tinignan naman ako ni Daddy na para bang naghihintay ng explinasyon sa inusal ko. Binigyan ako nito ng makahulugang tingin. Napilitan tuloy akong ikwento ang sinabi ni Mama Claire sa akin kagabi. “I’ll ask him later”, pagsang-ayon ni daddy matapos kong masabi ang sitwasyon. “Thanks, Dad.” Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Naging maayos naman ang Sunday gathering naming magkakapatid. Nakahabol pa ang tawag ni Kuya Rupert  na lumaaon ay pribadong kinausap ni Daddy. Pagbalik ni Daddy ay kinausap naman ni Kuya ang mga anak niya na tila hindi maubusan ng kwento sa Daddy nila. Agad kong hinanap kay Kuya Al sina Julius at Emman dahil weala ang mga ito. Pinagtakahan din ito ni  Kuya Al dahil pinaalalahanan pa niya ang dalawa kagabi. Kahit ako ay napaisip sa pagiging MIA ng dalawa. Madalaas kasing tumawag ang bunso namin, pero nitong lingo ay naging tahimik si Emman.  Malakas ang kutob kong may kinalaman ang ina nila kung bakit wala sila ngayon. Sinubukan kong tawagan si Emman pero can’t be reach ang number nito.   Nang makapagpaalam na kami sa isa’t isa ay nagdesisyon na akong umuwi kasama nina Matty at ng kambal. Binilinan pa ako ni Papa na papuntahin ang asawa ko sa kanya dahil siya daw kakausap. Malelate naman daw ng uwi si Toffee dahil may practice daw ang banda nila. Kahit naman nanging busy siya at ang kaibigan nito ay nakukuha pa nilang tumugtog ng banda. Hindi kadalasan pero solid pa rin naman ang fan base nilang tatlo. Kasalukuyang tinatahak namin ang daan pauwi nang makatanggap ako ng tawag. Agad ko naman iyon sinagot ng makitang asawa ko ang tumatawag. “Hi, Hon”, masaya kong bati. “Babe, sorry, I was not able to go with you today. I just woke up”, mahahalata sa himig nito ang pagod. “It’s okay, Hon. Mama Claire already explains the situation. Don’t worry so much. We’re heading home na rin naman.” Ramdam ko ang pagod sa boses niya. “No, it’s not okay. Let me make it up to you.” Aniya. “How about dinner with the kids?” “Are you sure? Baka kailangan mo pang magpahinga.” Hindi ko maiwasang mag-alala sa asawa ko dahil baka mastress naman ito ng husto. The least thing I want to do is to add stress to him. “I’m good, Babe.” Mukhang hindi ko na siya mapipigilan pa. “Ganito na lang, we will go to church later at around four-thirty, doon na lang tayo magkita para hindi ka na umuwi pa.” I suggest. “Then that’s a deal. I love you, Mr. Villaroman.” “See you later, Mr. Villarooman. I love you too.” *****   Ross POV Pagkatapos ng tawag ay mabilis kong tinungo ang banyo. Sa subrang pagod at pag-alala sa sitwasyon ni Papa ay nawala sa isip kong tawagan ang asawa ko. Hindi pa ako nakapunta sa Family lunch, nagpromise pa naman ako sa mga bata na maglalaro kami sa park after namin doon. Ilang minuto pa ay lumabas na ako ng kwarto. Hindi naman ako namroblema sa susuotin dahil naririto pa naman ang ilang mga gamit ko para sa mga pagkakataon gaya nito. “Hi, son, uuwi ka na? Hindi ka na ba kakain?” Bungad ni Mama nang makita akong pababa ng hagdan. “Hindi na Ma. I promised Herald na kakain kami sa labas ngayon with the kids.” Sagot ko sa kanya. Napangiti naman ito. “Sorry son, I told Herald about your father’s situation.” Knowing her, hindi na ako nabigla. “It's fine, Ma. I intend naman to tell my husband if things will go under control.” “Next time tell him everything. Kung meron man akong natutunan sa situation naming ng Papa mo ay yun ay ang pagiging open sa isat-isa. Hindi pwede na itatago mo sa kanya yung mga bagay-bagay na maaaring maging dahilan ng problema ninyong mag-asawa. Tandaan mo na you are not deciding for your own right now. It’s okay na isipin mo kaming magulang mo. You’ve done so much na nga eh. Now, prioritise your husband dahil siya na ngayon ang dapat una sa list mo.” Pangaral ni Mama. Naintindigan ko naman ang sinasabi ni Mama. I make sure naman na priority ko si Herald. But to think na mawawala ang pinaghirapan namin na Papa ay talagang mabigat sa akin. Hindi ko sinabi iyon kay Herald dahil una gusto ko munang e-assess ang sitwasyon. Pangalawa, alam kong kikilos nanaman ang pamilya niya ay dadagdag nanaman ang utang na loob ko sa kanila. “Oh s’ya, mag-iingat ka sa daan. I’ll visit you two soon. Aayusin ko lang ang mga dapat ayusin.” Hinalikan ako sa pisngi ni Mama at sinamahan palabas ng bahay. “Thanks, Ma. I’ll call later.” Sakay ng aking sasakyan ay minaneho koi to papunta sa simbahang palagi naming dinadaluhan. Buti na lang at hindi masyadong masikip ang daan. Mabilis kong narrating ang lugar. Dahil napaaga ako ay naisipan kong bumili ng bulaklak. Buti at may maayos na flowershop malapit sa simbahan kung kaya nakapili ako ng maayos na bulaklak. Isang contemporary bouquet design ang pinagawa ko. Nang makalabas ako ay agad ko naman natanay ang sasakyan ng asawa ko. Mukhang si Toffee ang nagmamaneho. Toffee and I might start in a wrong foot but all the bad blood to each other is all gone now. Thankful nga ako na naririyan siya dahil may kasama palagi ang asawa ko sa mga lakad nito. Matty as well is a big help to Herald. Kaya kahit minsan ang gulo ng bahay dahil sa bangayan ng magkakapatid ay naging comfortable na ako. Feeling ko nga ay parte na iyon ng tahanan namin. Nakita kong bumaba ang laman ng sasakyan. Tama nga ang hula kong si Toffee ang driver. Sa kabila ay bumaba naman ang bunsong kapatid na si Matty. Sa likod ay ang taong natatawa dahil tila bata nanaman itong si Matty na nagsusumbong kay Herald. Kasama naman ni Herald sa likod ang kambal. “Tito Ross!” Sigaw ni Ymilio nang makita akong papalapit. Sumabay naman si Ynigo sa kakambal na salubungin ako. Agad akong yumuko at sinalubong ang yakap ng mga babies ko. “Tito Ross, ba’t wala ka kanina?” Agad na tanong ni Ynigo. “Sorry baby, naging busy kasi ang Tito Ross kaya nalate ako. Pero I make it up naman. Okay?” Tumango lang naman ito. Pareho silang humawak sa magkabila kong kamay habang naglakad na kami papunta sa kinaroroonan ng tatlo. “Oh, Yyo (Ymilio), Ygo(Ynigo), tara mauna na tayo sa loob. Hanap na tayo ng mauupuan.” Rinig kong yaya ni Toffee. Hindi naman nagpapilit pa ang dalawa at sumama sa kanya. Maging si Matty ay sumunod na din. “How are you?” Nakalapit na pala ang asawa ko. “Flowers for you.” Sinadya kong hindi sagutin ang tanong niya sa halip ay ibinigay ko ang binili kong bulaklak. Gumuhit ang ngiti sa labi nito. Hindi ko tuloy maiwasang yakapin siya kahit na sa public place kami. God know I miss him. And being with him makes my worries away. Because he always give me strength.  After ng mass ay agad kaming pumunta sa isang seafood restaurant. Hinayaan kong ang sina Matty at Toffee ang mag-asikaso ng order. Buti nalang at may playground ang restaurant kung kaya nabaling ang attention ng kambal roon. Habang kami pang dalawa ay ikinwento ko na ang situasyon ng company ng Papa sa kanya. “Did you know who’s behind it?” Tanong niya matapos kong magkwento. “As of now wala pang clear report. But sana soon. I have people working in to it na.” Gusto kong isipin ni Herald na Everything is under control. Ayoko na pati siya ay alalahanin pa ang mga inaalala ko. “Actually, I ask my Dad to look into it.” I just smile at him and try to hide my hesitant on the idea. Ayokong sirain ang moment dahil lang dito. For sure tatawagan naman ako ng Daddy niya para kausapin hinggil dito. Nang ihain ang mga inorder ay agad kaming kumain. Sinigurado muna ni Herald na may food ang kambal bago kumuha ng sariling pagkain. Mabilis na dumaan ang sandali. Hindi na kami nagtagal pa dahil Lunes kinabukasan at may pasko ang mga bata. Ibinigay ko kay Toffee ang susi ng kotse ko. Napag-usapan kasing ako na ang magmamaneho ng sasakyan na dala nila at si Toffee naman ang mag-uuwi ng kotseng dala ko. Mukhang balak pa ata gumala ng dalawa. Hindi naman tumutol ang kuya . Sa daan ay tahimik lang kami habang nakikinig sa music. Ang dalawa naman sa likod ay himbing na natutulog. Nang marating namin ang bahay ay agad na binuksan ni Maze ang gate. Kakapasok pa lang ng sasakyan nang marinig ko na nagring ang phone ni Herald na agad naman niyang sinagot. “What?” Bigla nitong sigaw. “Babe, are you okay?” Bakas kasi sa mukha niya ang pagkabigla at pag-aalala. “Maze, ipasok mo muna ang kambal please.” Halatang he is trying to hold his compose. “Hon, I need to go.” Aniya. Nalito na ako sa nangyari. Maging si Maze ay mukhang nabigla din.   “Wait.” Pagpigil ko sa kanya. “Can you tell me first what happen?” “Toffee and Matty got into an accident; they were to the brought to the hospital.” Nagiging garalgal na ang boses nito. “Get into the car.” Kahit hindi ko pa alam kung saang hospital dinala ang dalawa niyang kapatid ay dali-dali kong pinatakbo ang sasakyan.   ***** Third Pary POV: “Are you out of your mind, Dad?” Sigaw ng babaeng hindi na alam ang gagawin. “Wala ito sa pinag-usapan natin, Dad.” “Relax, anak, hindi agad agad mamamatay ang Ross Villaroman na iyon.” Preskong wika ng taong nasa kabilang linya. “How can I relax if you mess up like this?” “I just give him a little scare, Hija.” “You mess up with a wrong people dad. Hindi si Ross ang nagmamaneho na sasakyan.” Hindi matago ng babae ang kaba. Alam niya kung gaano ka lawak ang sakop ng kapangyarihang na involve sa stunt ng Dad niya. “What do you mean?” Hindi maintindihang tanong ng ama. “Sana lang hindi ako madamay pagnagkataong magback-fire itong pakulo mo. It was Ricafortes men whos driving the car, Dad.” “What?” Binalaan na niya ang kang Dad na kung anu man ang plano ay wag nang ituloy pa dahil hindi nila kakayanin kung saka-sakali. Noong nagpakasal ang lalaking gusto niya ay hindi pa nito gananap na kilala ang pinakasalan nito. And then when she discover who Herald is ay nakaramdam na kaagad siya ng takot. Kungkaya inabisuhan niya ang kanyang ama, pero hindi ito nakinig. Itinuloy pa din ang planung pabagsakin ang Kompanya ng ama ni Ross. Maging ang gantihan din si Ross ay nakaplanu na din. Ngayon ay dumating na ang kinatatakutan niya. “Baby, anung gagawin natin?” Bulong nito 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD