Chapter 7: Target

1757 Words
Herald POV Para akong binuhusan kanina ng malamig na tubig nang bangitin ng nasa kabilang linya ang nangyari sa mga kapatid ko. Ayon dito ay naaksidente sila habang nasa kalagitnaan sila ng daan. Buti na lang ay kasama ko ang asawa ko ngayon. Siya ang nagmamaneho ngayon ng sasakyan papuntang hospital kung saan dinala sina Matty at Toffee. Kanina ko pang sinusubukan tawagan si Harvey. Sa hospital kung saan siya nagtatrabah kasi dinala daw ang ang dalwa. Hindi na nga ako mapakali sa kinauupuan. Bukod sa dalawang kapatid ko ay iniisip ko din ang Daddy. Dahil nga sa may edad na siya ay hindi ko alam kung makakaya ba niya ang ganitong klase ng balita. “Babe, calm down. I’m sure they will be fine.” Nag-aalalang boses ni Ross. Inabot nito ang isa kong kamay. “Paano naman ako magka-calm  down kung hindi ko pa alam kung anung lagay ng dalawa? Isa pa inaalala ko si Daddy.” Mabilis kong sagot. “Don’t think too much, Babe. Malapit na rin naman tayo.” “Sana nga okay lang silang dalawa.” Pinipigilan ko nalang ang sariling maiyak. Kahit kasi anung pilit kong pakalmahin ang sarili ay matindi pa din talaga ang kabog ng dibdib ko. Agad akong bumaba nang makarating kami sa hospital. Hinayaan ko na muna si  Ross na ayusin ang pag-park ng sasakyan. Dumeretso na ako ng emergency room. Pagdating ng reception ay itatanong ko sana ang tungkol sa kalagayan ng kapatid ko pero naroroon na si Mickey. “Herald, you’re here.” Sa boses din niya ang subrang pag-aalala. “May balita na ba kina Toffee at Mickey.” Agad kong tanong sa kanya. “Relax, baby bro, They are okay na. Hindi naman masyadong malala ang accident. Kung accident man yon.” “What? Are you saying na hindi iyon accident?” “Hindi pa tapos ang imbistigasyon. Kaya hindi pa ako sigurado. Sa ngayon ay puntahan muna natin ang dalawa. Ang sabi ni Harvey ay nailipat na nila sa private room sina Matthew at Christoff.” Hindi ko na muna binigyan ng pansin ang sinabi ni Mickey tungkol sa sinabi niya tungkol sa nangyari. Sinundan ko na lang siya. Hindi ko na din kasi alam ang gagawin ko hanggat hindi ko nakikita at nalalaman ng kalagayan ng mga kapatid ko. Isang private room for twoang pinagdalhan sa dalawa. As expected, ay todo ang pag-asikaso ng mga tao sa kanilang dalawa. Isa kasi sa share holder ng Aurelio Mendoza Medical Center and Studies. Dito din nagtatrabaho si Harvey bilang surgeon. Nang pumasok kami ay patapos na ang tila isang katerbang doctor na para namang walang ginagawa. Nang nagsilabasan na ang lahat ay tanging si Harvey na lang ang naiwan. “Kamusta na sila?” Agad kong tanong. “Hindi naman malala ang mga nangyari sa kanila. Galos, pasa at few fracture lang ang nakuha nila. Buti pareho silang naka seat belt.” Explain ni Harvey. “Anu ba daw kasing nangyari?”       “We wiil know after ng imbistigasyon.” Si Mickey. Pagkasabi noon ay lumabas na muna si Mickey. Napakunot ang nook o sa inaasal niya. “Alam na ba ni Daddy?” Baling ko kay Harvey. “Let’s not tell this to him muna.” Seryosong sagot nito. “Dad’s condition now a day is not stable. Pagnalaman niya ito ay baka makadagdag ito ng stress niya.” Sumangayon na lamang ako kahit alam kung hindi to magugustuhan ni Daddy. “Baka may aasikasuhin ka pa. Ako na ang magbabantay sa kanilang dalawa, Kuya.” “Sige. Babalik ako after kong matapos ang rounds ko. Text me if you need anything.” Sabi nito bago lumabas. “Don’t worry, I’m with Ross. Nag-park lang siya ng sasakyan.” “Ah, Ganoon ba? See you later then.” *****   Ross POV After kong mag-park ng sasakyan ay agad akong tumungo sa loob ng hospital. Dumaan ako ng information desk upang itanong ang room ng mga kapatid ni Herald. Nang malaman ang room number ay agad kong tinungo ang elevator. Nasa floor na ako kung saan ang private room ng dalawa nang makasalubong ko si Mickey. “Hey, are they okay?” Tanong ko sa kanya. “They only got mild injuries. Harvey and Herald are in the room. Magiging okay na din sila.“ “Mabuti kung ganoon. May balita na ba kung anu talaga ang nangyari?” Tanong ko sa kanya. “About that, Ross, I need to speak with you.” Seryosong wika nito. Nagtataka man ay hindi na ako nagtanong pa. Sumunod naman ako sa kanya. Sa isang branch ng Pages kami nagtungo. Pagpasok ay may naghihintay na sa aming dalawang lalaki. Sa ayos at kilos nila ay mukhang pulis ang mga ito. Nang makalapit na kami ay tumayo na ang mga ito. Pagkatapos nilang magpakilala ay umupo na kami. Agad naman nagsimulang magsalita ang mga kasama naming mga pulis.      “Gaya po nang unang nai-report naming. Malakas po ang hinala naming hindi aksidente ang nangyari.” Pagsisimula nang isa. Inilabas pa nito ang ilan mga pictures. “Ito ang sasakyang sumadyang banggain ang sasakyan na minamaneho ng kapatid nyo. Pero sa tingin ko ay ikaw ang talagang sadya nila Mr. Villaroman.” Naglabas ulit ng pictures ang mga pulis. Sa nakikita ko ay ilang mga kuha iyon mula sa CCTV. Kotse iyon na sinasabing bumangga sa kotse kong dina-drive ni Kristoff. “Base po sa nakikita ninyo ay mukhang ilang araw na pong sinusubaybayan ng driver ng kotseng iyan ang bawat kilos at galaw ninyo.” Lalo akong naguluhan sa mga nalaman ko. Hindi ko inaasahan ang balitang ito. “Kasalukuyan nang hinahanap ang driver at ang kotseng iyan. May lead na kami about this.” “Pero bakit naman pinupuntirya nila ang bayaw ko?” Tanong ni Mickey. “Negosyo ang unang tinitignan naming motibo. Kaya sana Mr. Villaroma, makipagtulungan po kayo sa amin.” “Sabihin lang po ninyo kung anu pong kailangan kong gawin para malutas ito.” *****   Matapos ang pakikipag-usap sa mga pulis ay bumalik na kami sa loob ng hospital. Masyado kaming natagalan doon. Nasa elevator kami nang biglang magsalita si Mickey. “I think, may kinalaman ang nangyayaring ito sa nangyayari sa business ng Papa mo sa New York.” Hindi iyong maalis sa isip ko. Kung sino man kasi ang nasa likod nang nangyari ay malamang ay malaki ang galit nito sa akin. Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. Hindi para sa akin kundi para sa asawa ko. Paano pala kung kotse ko ang ginamit ko noong umuwi kami? Mapapahamak din pala si Herald kasama ko. Hindi ko iyon mapapayagang mangyari. Nang pumasok kami sa room ay naabutan namin si Herald na inaayos ang kumot ni Matty. “Bat ngayon ka lang?” Takang tanong ng asawa ko.    “Sinamahan ko muna si Mickey.” Agad namang tumingin ito kay Mickey na tila ba kinukumpirma ang sinabi ko. “May kinausap lang kami sa baba. Wag mo nalang alalahanin yun.” Sagot naman ni Mickey. Umupo ako sa sofa habang si Mickey naman ay dumeretso sa kama ni Kristoff. Lumapit naman si Herald sa akin at umupo sa tabi ko. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa mga kapatid. Kung tutuusin ay sila ang dalawang pinakamalapit sa kanya. Kung tutuusin nga ay sa amin na nakatira ang dalawa at parang anak nga kung ituring sila nito imbis na kapatid. . “Kuya…” Rinig naming tawag ni Matty. Mabilis na lumapit si Herald sa nagising na kapatid. Mabilis namang lumabas si Mickey para tawagin si Harvey. “Matty, may masakit ba?” Tumayo na din ako at lumapit sa kanila. “Kuya, ang sakit ng katawan ko.” Naiiyak na sumbong ni Matthew. “Don’t worry, tinawag na ni Mickey si Harvey to check you.” Natatarantang wika ni Herald. “Si Kristoff, kuya? Nasaan si Kristoff?” “Nandito lang siya sa katabing bed. Natutulog. Wag mo munang alalahanin. He is safe now.” Niyakap ni Herald ang kapatid. Inaalo niya ito. Maya-maya pa ay dumating na si Mickey kasama si Harvey. Kinailangan nitong turokan ng pampatulog si Matthew para kumalma. Sa mga nangyari ngayon ay napagtanto kong kaiangan kong gumawa ng paraan upang hindi na maulit pa ang nangyari ngayon. Hindi ko alam kung makakaya kong makita anng asawa ko na nakahiga sa kamang iyon.  ***** Herald POV Hindi ko mapigilang maiyak nang makita ang kalagayan ng mga kapatid ko. Lalo pa noong nagising si Matty na nag-iiyak. Palagay ko kasi ay doble ang nararamdaman kong sakit kumpara sa kaniala.  I love my family. Pero sina Matty and Toffee ang pinaka malapit sa akin. Ang dalawang ito ang siyang sweet at panay ang buntot sa akin.  Nang dumating si Harvey ay kinailangan niyang turukan ng pampatulog si Matty. Si Kristoff naman ay hindi pa nagigising. Ang sabi ni Harvey ay baka bukas pa ito magising.  Pinauwi ko muna ang asawa ko dahil lunes bukas. May pasok ang kambal. Baka magtaka kung magising ang dalawa na wala ako o si Ross sa bahay.  "Magpahinga ka na muna. Hindi na iyan magigising." Si Harvey. Pangalang beses na niyang balik dito.  "Maya maya, mahirap na baka kung magising ng wala sa oras ang isa sa kanila." Sagot ko sa kanya.  Mukhang tapos na din naman ang rounds ni Harvey kasi hindi na ito naka white coat. Prente na itong nakaupo sa sopa katabi si Mickey na natutulog na ata habang nakaupo.  Nasa ganoon kaming ayos nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang taong hindi namin inaasahan. Agad na napatayo si Harvey. Nakita ko pa itong tinulak si Mickey para magising.  "At talagang itatago pa ninyo sa akin ang nangyari sa kapatid ninyo!" Sigaw nito. Sa bigla ay walang nakasagot sa aming tatlo.  Hindi ko naman siya masisisi kung magalit siya.  "Akala ninyo hindi ko malalaman ang nangyari? Kung nagkataon pala ay hindi ko man lang makita sina Matthew at Kristoff?" Bakas sa aming mga mukha ang pag-aalala sa maaaring mangyari. "Dad, kumalma nga kayo." Ako na ang nagsalita. "Sasabihin din naman namin kaya lang masyado nang gabi. Katunayan ay pinag-uusapan na namin kung paano namin sasabihin sa inyo." Nakita kong umiba ang mukha nito. Lumapit naman ang kambal sa ama at pina upo sa sofa na inuupuan nila kanian.  "Sabihin ninyo ang nangyari ngayon din mismo." Utos ni Daddy. Tinignan nito si Mickey. Tumingin naman sa akin si Mickey baga muling tumingin kay daddy at nagbigay ng detalye ng nangyari. At hindi ako makapaniwala sa narinig ko.  -To be continue   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD