Chapter 16

1259 Words
Herald POV “Sir, Mrs. Villaroman is looking for you down stair.” Pagbibigay alam ng receptionist. Ang downstair na sinasabi nito ay ang dining area ng Page One. Doon kasi madalas kami umupo sa tuwing dumadalaw ito. Change of scenery daw. Nagmadali naan ako bumaba para puntahan ang mama ni Ross. I miss her. Kelan ba ang huling kita ko sa kanya. “Hi, Ma, kanina pa po ba kayo?”  Tanong ko agad sabay mano. Niyakad naman niya ako. “Kararating ko lang. Nag-branch visit kasi ako. May new collection kaming parating so I need to look into it.” Aniya. “Naku, Ma dapat yung mga are managers na ang gumagawa niya.” Although Mama Claire is in her fifties, alam ko naman na mas gusto niyang nasu-supervise niyang mabuti ang negosyo niya. Pero nag-aalala pa din kami ni Ross. “You sounded like, Ross. He always nagged me about things.” Natatawa nitong sambit. “Anyway, I’m here because I need your help.” “Anything, Ma.” Mabilis kong sagot. Hindi ko naman kasi siya mahindian. “Ross’s father will be coming here in the Philippines.” Nasabi nan i Ross ito sa akin. “And he will be bringing his second family.” “Nabanggit nga po ni Ross yan, Ma.” “Ross is not okay with this. Hindi naman siya galit sa sa second family ng Papa niya, he just don’t want to be associated to them.” Yes, that is true. Kaya nga kinakabahan na ako sa favour na tulong na hihingiin ni Mama. “With what happen to the business, kailangan mag-focus ni Leon sa trabaho. But his wife is sick. Hindi niya maalagaan ng tama lalo pa’t may dalawang anak din itong lalaki. That is the reason why he’ll bring the second family here. I offered my house but Ross is really against with the idea.” “And how can I help, Ma.” This is it. “I like you to help me convince Ross to help them. I know you will understand the situation because you as well have step siblings.” Sagot nito. Nalagot na. Ayaw ko pa mandin pangunahan ang asawa ko sa bagay na ito. Kaya nga no comment ako . “ I can only try, Ma. Let’s not force him. One step on a time. Kelan po ba ang dating nila?” “Next week.” “Then we will go to your house next week.“ Nang makaalis na si Mama Claire ay sinubukan kong mag isip ng pwede kong sabihin para mapapayag si Ross next week. Sa totoo lang ay hindi talaga naming napag-uusapan ni Ross ang mga ganitong bagay. Parang nagkaroon na kami ng mutual understanding na ako okay sa akin na may kapatid ako from other woman. At siya ay walang pake-alam . Hindi ko naitatanong sa kanya ang tunay na rason at ganoon din naman siya. Ako kasi the first time na nalaman kong may kapatid ako sa ibang babae ay hindi naging mahirap sa aking dahil at that time ay ako nalang mag isa. I needed a family kaya siguro no question ask ako. I just accept nay un na ang naabutan ko.  With Ross, feeling ko ay dahil he was there when it was started. I mean, may mga bata na nilolook forward nila na magkakabalikan ang mga parents nila. Maybe Ross is one of them. Bakit kasi sabaysabay ang problema kung dumating. Mukhang festival  lang, month-long ang duration. Ni hindi ko pa nga naaayos ang gusot namin ng Daddy ko. Yung problema ng kapatid ko sa nanay nila hindi padin alam kung anu na ang nangyari doon. Tapos ito pang sa asawa ko. May darating pa ba? Baka naman may gusto pang sumabay. Upang makapag realive ng stress ay nagtungo ako ng kitchen area. Nagpalit ng baker uniform at nagbake ng cake. Nagtaka nga ang mga empliyado ko kung bakit ako nasa kusina. “Gawin nalang ninyo yung dapat ninyong gawin, h’wag na ninyong itanong kung anu meron dahil dati pa man ay ginagawa na yan ni Sir Herald.” Rinig kong sambit ni Katelyn. I ended up baking five cake sa buong maghapon. Ang masaklap pa ay wala iyon sa menu dahil mga new cake recipe iyon. Kaya hindi iyon mabebenta. “Anung gagawin natin dito?” Tanong ni Katelyn. “Pakain mo yung isa sa mga crew. Padala mo yung isa sa office ni Ross yung isa, yung isa padala mo sa Daddy ko, uwi ko yung isa at uuwi ko yung isa. Ikaw na bahala.” Si Katelyn ang pinakamatagal nang nagtatrabaho dito sa Page One. Kaya hindi alam na niya ang mga address  ng mga taong binanggit ko. “Stress kananamann no?” Dagdag niya habang kinakahon na ang mga cake. “Slight.” “Anong slight? Limang cake na wala sa menu, slight stress? Tigilan mo ako.” Hindi ka talaga makakapag sinungaling sa babaeng ito. Nagdisisyon akong umuwi nalang dahil hindi na din ako makakapagtrabaho sa lagay ko. Parang nao-overwelm ako sa mhga problema. Nasa labas na ako nang biglang may mabangga akong bata. Natumba ito dahil sa lakas ng impact nito dahil sa tumatakbo ito. Mabilis kong tinulungan ang bata na sa tingin ko ay nasa tatlong taon.  Umupo ako upang lumebel ako sa taas niya. “Baby I’m sorry. Are you okay?” Mukhang iiyak pa na ang bata. “Russel,  I told you not to run.” May bahid ng galit ang boses ng babae. Agad akong lumingon pero nagulat ako nang mamukhaan ko kung sino ang babaeng nagsalita. “T-trina?” Pero hindi nityo pinansin ang tawag ko at dali daling kinarga ang bata at lakad takbong lumaya.  Nahiwagaan ako sa ikinilus ng Trina. Parang takot na takot. Hindi naman pwedeng ibang tao iyon dahil hinding hindi ako makakalimot sa itsura ng babaeng iyon dahil minsan na niyang nilandi ang asawa ko. Hindi ko nalang inisip pa ang babaeng iyon. Masyado nang masakit sa ulo ang nangyayari at ayaw kong isipin ang babaeng higad na ‘yon. Pagdating sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto. Nagpasya akong maligo para guminhawa ang pakiramdam ko. Pero habang naliligo ay bigla kong naalala ang batang nakabangga ko. Naging familiar sa akin ang mukha niya. Palagay ko ay nakita ko na ang mukhang iyon pero hindi ko mapin-point kung saan. Pumasok din sa alaala ni Trina na akala mo ay takot na takot. Kung anu ano na ang nanagyayari sa utak ko kaya pinili ko na magmag nap na saglit. Mukhang kakailanganin ko ng ipagpahinga ang isip at katawan ko dahil kung hindi ay wala akong maiisip na maayos. Kailangan ko na maayos na utak. Dumeretso ako sa kama after kong magbihis. Ipinikit ko ang aking mga mata at maya maya pa ay sinakop na ng antok ang aking kabuuhan. Muli nanaman ako nakarinig ng iyak. This time hindi na baby ang naririnig ko kundi iyak ng isanng bata. Hindi na din ako sa hospital kundi sa ibang lugar. Muli ko nanaman hinanap ang pinanggagalingan ng iyak pero hindi ko makita. Pero muling nakita ko ang batang tumatakbo at babangga sa akin. Natumba ang bata pero hindi ito umiyak. Nakatingin lang iso sa akin. Napabalikwas ako nang maalimpungatan ako dahil sa panaginip. Nang tignan ko ang relo ay wala pang thirty minutes akong natutulog. Humiga ako ulit upang bumalik sa tulog. Hindi naman ako nabigo at muli akong nakatulog. Hindi na ako dinalaw ng panaginip. Sana paggising ko ayos na ang lahat.     - To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD