Chapter 57

1038 Words

“Ang dalang kong umuwi pagkatapos ay tatanggihan mo pa akong makapamasyal tayo?” tanong ni Dondon kay Glenda na niyaya niyang mamasyal ngunit tumanggi ito. “Alam mo naman kasi na paiba-iba ang mood ko hindi ba? Ngayon ay tamad na tamad talaga akong lumabas dahil na rin siguro iniisip ko ang kalagayan ko.” Sagot ni Glenda sa asawa. “At anong iniisip mo tungkol sa kalagayan mo? Unang-una may wheelchair ka naman na uupuan at saka ko itutulak ng marahan na para lang tayong naglalakad ng sabay. Kaya anong drama mo?” tila naiinis na sambit ni Dondon. Umiling si Glenda dahil hindi naman alam ng asawa niya ang tunay na kanyang saloobin kaya ayaw na ayaw niya munang lumalabas talaga ng bahay. Kinakabahan talaga si Glenda na baka mamaya ay nasa paligid lang at inaabangan siya ng taong may hawak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD