“Alona, sabihin mo kay sa guard na huwag siyang panay nakaupo at patulog-tulog lang sa pagbabantay sa gate. Lagi siyang maging alerto lalo na kapag may hindi kilalang tao na nakikita sa labas,” ang bilin ni Glenda kay Alona. Nagtaka naman ang dalagang kasambahay sa naging utos ng among babae dahil napansin niya na ngang lagi itong balisa. Minsan nga ay napasigaw pa si Glenda ng walang anu-ano ay may tumawag sa cellphone nito na ang asawa niya lang naman na si Dondon. “Sige po, ma'am.” Sagot naman ni Alona na pinapalitan ang kubre kama at mga punda kaya nakaupo sa wheelchair niya ang among babae na nakatingin lang sa kung saan habang nakagat sa isang daliri. Wari bang may kung anong iniisip. “Kapag may naghahanap sa akin o hinahanap ang pangalan ko ay huwag na huwag niyong sasabihin

