Kabanata 43 AYLAH Hindi na talagang binitawan ni Dominico ang kamay ko hanggang sa dumating kami sa mansion. Mukhang siya ang naglilihi dahil siya yung natataranta sa akin. Malawak na ngiti ang pinakita niya sa kanyang mga tauhan. Nagtaka ang mga tauhan niya na masayang nagbubulungan ang iba kitang-kita ko ang ngiti sa mga labi at mata nila. "Lahat kayo may break time ngayon kung gusto n'yo. Mag-unwind muna kayo." "Sigurado ka Master?" tanong ng isa dahil hindi sila makapaniwala. Pero si Morgan at Margaret ay hindi sila umalis hindi nila kami iniwan dahil pina-day na off ni Dominico ang mga tauhan. Pagpasok namin ay sa living room kami muna nagpahinga. Napansin kung napangiwi si Dominico siguro ay masakit ang sugat. Hindi niya sinasabi kung nasasaktan siya. Umupo ako sa tabi niya at

