Kabanata 42 AYLAH Naririnig kung parang nawawala si Dominico sa kakahanap sa akin. Ilang beses ko rin naririnig na tinatawag niya ang pangalan ko. Hindi ako sumasagot tahimik lang akong kumain ng macaroni na nilagyan ko ng Nescafe at magic sarap. Kay aga kasi ax nagugutom ako at ito ang hinahanap ng sikmura ko. Nang makita ako ng mga tao sa loob ng mansion ay sa kusina na kumain ng ganito ay hindi nakaya ng kanilang sikmura. Muntik ng sumuka ang isa e, si manang naman ay napangiwi lang at hindi na siya umimik pa at hinayaan na nila ako. Hindi rin sila nagtatanong sa akin pero nakikita ko sa mga mukha nila nag-alala baka sumakit ang tiyan ko. "Aylah!" abot hanggang kusina ang baritono na boses ni Dominico. Kahapon mabuti na lang ay dumating din si Margaret. Kung hindi ay baka ano ang m

