Kabanata 67 AYLAH I cut off the call. Then nagsend ako ng message sa kanya. Me: I'm swamped. Hindi ko na hinintay pa ang reply niya sa akin. Nang mapansin ni Ate Casey na parang nagmamadali ako ay nahihiya na nagpaalam sa akin. "Thank you Aylah, sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko sa'yo. Ang yaman yaman mo pala. Masaya ako sa wakas ay nahanap mo rin ang relative mo sa side ng Papa mo. Sige aalis na ako iniwan ko lang kasi ang anak ko kay Mama." Wala siguro siya alam sa totoong nangyari sa akin. Pero nakaramdam ako ng awa sa kanya nakita ko rin na may maliit na butas ang kanyang shoulder bag. "Ate wait, ito ibili mo ng kailangan n'yo sa bahay. Kapag hindi na ako busy dadalawin ko kayo huwag mo muna sabihin kila Tito na nagkita tayo." "Wala na si Papa Aylah," malungkot na sab

