Kabanata 66 Aylah Kinabukasan ay maaga kaming lahat nagising. Alas siyete y media ay nakapag-ayos na ako pero hanggang ngayon ay natutulog pa rin ang anak ko. Ito ang unang araw ko ng pasok ko sa kumpanya. May konting kaalaman naman ako dahil tinuruan ako ni Kuya Harold. Lumabas ako ng kwarto ko nakita ko rin si Kuya na lumabas din sa sarili niyang kwarto. Sabay kaming bumaba ng hagdanan. "Kumusta ang unang gabi?" tanong ni Kuya Harold. "Ayos lang naninibago," saad ko. Pero sa totoo hindi naman ako naninibago sa unang gabi ko. Kaya hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip ko kay Dominico. Unang araw at unang gabi ko ay siya na ang nagkagulo ang isipan ko at ngayong araw naman ay makikita ko naman ang mukha niya. Kung hindi lang siya makulit kagabi ay hindi na ako suman

