Kabanata 50 AYLAH "Ma'am, saan tayo pupunta?" tanong ni Manong driver. "Sa Mansion ng ama ni Dominico," sagot ko. "Pero ano po ang gagawin nyo sa doon? Kapag malaman ni bossing na pumunta kang mag-isa sa mansion ni don Douglas Sr ay magagalit iyon." "Manong gusto ko lang itanong sa kanya si Dominico, ilang araw na po kasi siyang hindi nagparamdam sa akin. Sobrang nag-alala na po ako sa kanya." " Oo naman manong walang makaalam kung hindi ka magsasalita." "Nancy hija, marunong kana rin sumagot." "Para naman po ito kay ma'am Aylah ang ginagawa natin. Huwag po kayong mag-alala kinausap ko na po ang Tito ko na siya na ang bahala na papasukin kami." Hindi na sumagot si Manong kay Nancy. Hanggang sa narating na ang mansion ng pamilyang Douglas. Nang nasa harap na kami ng malaking ga

