Kabanata 51 AYLAH "Nalilito ako, Mila hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko." "Aylah, ako rin naguguluhan sa'yo. Paano kung totoo ang sinasabi nila sayo, paano kung…" "Pero malaki ang tiwala ko kay Dominico, hangga't wala akong pwerba sa mga sinasabi ng ama ni Dominico ay hindi ko pipirmahan ito." "Pero, paano kung ang araw na palugit sa'yo ng ama ni Dominico qt gagawin niya sa'yo. Natatakot ako sayo Aylah lalo na buntis ka." Hindi ako nakaimik sa sinabi sa akin ni Mila nahawakan ko ang tiyan ko. Alas onse na ng gabi ay hindi pa rin akong dinadalaw ng antok. Sinubukan kong tawagan si manang kung sakali na may balita sila kay Dominico ay ipaalam nila sa akin kahit si Nancy ay humingi rin ako ng tulong kung sakali na may balita ang kaibigan sa mansion ni Don Douglas. Sinabihan na

