Prologue
Prologue
I am walking on the long streets of the university when suddenly the rain drops. I immediately grab my umbrella inside the bag, and as I am about to open it, I saw the man who completely made my world turned upside down six years ago.
My heart skipped a beat, I still can't believe that I saw him after all these years. My feet glued on the ground, with eyes wide open. All the memories we had kept on flashing and flooding in my mind. He was with someone, clinging onto his biceps. I was about to look at the person he's with when suddenly, a child came to me.
My son. Our son.
My tears fall. I didn't know by then that I was crying. Pinahid ko ito at dali-daling yinakap ang anak ko.
"Baby, why are you here?" My voice trembled. He hugs me back.
"I saw you standing here, Nay. I was watching you, but you seemed preoccupied or something so I decided to come here." He touches my hair as usual. Buti na lang at tumila na ang ulan.
Bata pa lang, mature na kung mag-isip ang anak ko. He is five years old. Masaya ako at napalaki ko siya ng maayos even without his father around. I am a single parent. Mabilis kong pinahid ang mga luha sa mukha at mga mata ko bago ko kinalas ang yakapan naming dalawa.
"May naalala lang ako anak. Ang sweet naman talaga ng baby ko, oh! Pa kiss nga si Nanay!" Masigla kong pahayag sa kanya at mabilis akong humalik sa pisngi niya.
Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at naglakad patungo sa sasakyan. I will just cancel my appointment right now, not this time. Nandito siya, ang ama ng anak ko, at hindi pa ako handang malaman niya na mayroon siyang anak sa akin. Akala ko okay na pero akala ko lang pala.
Umalis kami sa unibersidad, nagpaalam na rin ako sa kliyente ko na hindi ako makakapunta sa appointment namin kasi may importante akong gagawin. Nanatili namang tahimik ang anak ko sa gilid ko. Napangiti ako.
"Where do you want to go, baby?" Lumingon ito sa akin at nag-pout.
"I don't want to go elsewhere Nanay but I want to eat ice cream!" May malaking ngiti na nakapaskil sa kanyang labi. Hindi ko maiwasang matawa sa kinikilos niya.
"Okay! Let's eat ice cream!"
Agad naman kaming nakarating sa paboritong ice cream parlor ng anak ko. Nasa counter na ako nang may narinig akong pamilyar na mga boses sa likuran ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Shocks! Kinakabahan ako. Dali-dali akong nagbayad sa cashier at mabilis na naglakad pabalik sa mesang inookupahan namin ng anak ko.
Malapit na ako, nakatingin na sa akin ang anak ko habang nakangiti nang may tumawag sa pangalan ko.
"Zoey! Zoey ikaw ba iyan?"
Ayokong lumingon pero nakita ko sa mukha ng anak ko ang kanyang antisipasyon. Unti-unti kong nilingon ang babae sa likuran ko.
"Denise." Tipid akong ngumiti sa kanya. I didn't roam my eyes, I only focuses my sight to the woman who's now approaching me. She was a friend.
"Oh my! Zoey, ikaw nga! It's been years!" I can see in her eyes the longing and questions. She hugged me so tightly. I tapped her back.
"How are you? I mean- bakit..." Bigla siyang napatigil habang nakatingin sa akin. Tumawa ako.
"I am fine. Ah, let's just catch up some other time, Denise."
"But- the group is here." Lumingon ito sa mesang malayo sa amin. Lumingon din ako at agad kong natagpuan ang kanyang mga mata. Cold. His stare is like before, cold. Iniwas ko agad ang aking mga mata sa kanya at linibot ang paningin ko. She's right, the group is really here with their respective partners in life.
"Send them all my regards. I cannot face you now because I have someone to attend to."
"O-okay. Next time, Zoey. I miss you." Sinserong sabi nito sa akin.
Ngumiti ako at tinanguan siya. Tumalikod agad ako at lumapit sa anak ko. Hindi pa rin nawawala ang kaba sa aking dibdib. Ramdam na ramdam kong nakatingin sila sa akin. Laking pasalamat ko at dumating na ang order namin pagkaupo ko. Umalis agad kami sa lugar at hindi ko na ulit tiningnan ang mga taong nasa loob nito.
Walang alam maski isa kanila na nagdadalang tao ako noon at nanganak. Hindi ko pinaalam sa grupo at lalong-lalo na sa kanya. Only my parents knew about my son and some of my colleagues now, but never the group.
Mabilis kaming nakarating sa bahay namin dahil malapit lang naman ang ice cream parlor sa subdivision kung nasaan kami nakatira. Napalingon ako sa anak ko nang humigpit ang kapit nito sa kamay ko.
"Nay..." Nakatingin lang ito sa double doors ng bahay. Binuksan ko naman agad ito at dumiretso sa kusina upang ilagay ang ice cream sa isang bowl.
"Nanay..." tumingin ulit ako sa kanya habang binibigyan siya ng kutsara. Pumunta kami sa sala para manood naman ng tv habang kumakain.
"Yes, baby?" Pumipili ako ng channel ngayon nang may sinabi siyang nakapagpapigil sa akin.
"I think I just saw Tatay."
Bigla akong lumingon sa kanya. Even though his father didn't know the existence of him, my son, on the other hand, knows about him. I told him the truth especially when he dreamed about his father and started asking me where is he.
"I think it was him. The man who kept on staring at me at the ice cream parlor. I kind of looked like him, Nay. You are right. I was his carbon copy."
Natigilan na naman ako. It's not because of him being his father's carbon copy but because of the fact that he stared at my son. Biglang tumibok nang napakalakas ang puso ko. Nawala sa isip ko iyan kanina na baka makita niya ang anak ko. I hope he will not recognize my son. I hope so.
"Kai Maverick, baby, I'm so sorry huh." My tears are starting to fall from my eyes. I'm sorry baby kung duwag na duwag ako. Natatakot lang ako. Natatakot ako at baka kunin ka niya sa akin. I don't want that. I cannot live without you.
"Soon baby, soon. Ipapakilala na kita sa Tatay. Okay? I love you baby. Always bear that in your mind and in your heart. Nanay loves you." Yakap yakap ko ang anak ko habang sinasabi ko ang mga katagang iyon.
"I love you too, Nanay. Please don't cry na. I don't want seeing you crying." Umiiyak na ring tugon nito sa akin habang mahigpit na nakayakap sa akin pabalik.
We stayed like that for ten minutes hanggang sa nararamdaman kong humihilik na ang anak ko hudyat na nakatulog ito habang nakayakap sa akin. Kinarga ko siya at hinatid sa kwarto niya. Tinitigan ko muna ang mukha niyang napakaamo at hinalikan sa noo niya.
Pumunta ulit ako sa sala para kunin ang pinagkainan namin at pinatay na rin ang tv. Bumalik ako sa kusina para makapagluto na ng hapunan namin. Nasa kalagitnaan na ako sa aking pagluluto nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at nakitang si Mommy ang tumatawag.
"Zoey!" Tunog kinakabahan ang boses niya. Kaya nahawa ako sa kaba niya.
"Mom! Ano po, ano pong nangyayari?" Kinakabahan sa usal ko.
"S-si, si Magnus nanggaling dito sa bahay!" Para akong nabingi pagkarinig ko sa pangalan na iyon.
"What! Mom, bakit?" Kinakabahan ako. After so many years, pumunta siya sa bahay namin? Para saan? May namumuo sa isipan ko pero pilit ko itong binabalewala. Hindi pwede.
"Hinahanap ka. Zoey, galit na galit siya kanina. Natakot nga ako eh buti napigilan siya ng Daddy mo." May takot na sabi ni Mommy sa akin.
"Ano pong sabi niyo? Sinabi niyo po ba kung saan ako nakatira? Mom?"
"Aba'y hindi! Ang kapal ng mukha niya at ngayon lang siya naghanap sayo! Hindi ko pa nakakalimutan ang atraso niyon sayo, Zoey!" Matigas na bigkas nito. Napangiti ako.
"Sinuntok nga iyon ng Papa mo, buti nga sa kanya." Patuloy nito. Ano?
"Salamat, Ma. May ideya po ba kayo kung bakit siya pumunta doon?" Tanong ko sa kanya.
"Zoey, anak, may nabanggit siya kanina. May hindi ka raw ba sinabi sa kanya."
Biglang nanlamig ang kalamnan ko. Did he recognize Kai as his son? Lukso ng dugo? Baka. Shocks!
"Mom, anong gagawin ko." Nanlulumo kong banggit sa kanya.
"Huwag kang mag-alala anak. Nandito lang kami sa inyo ni Kai. Your father already hired bodyguards."
"Thank you, Mommy."
Pinutol ko agad ang tawag at umiyak. Napakabilis ng mga pangyayari. Hindi ko lubos maisip na mangyayari na ang kinakatatakutan ko.
Huwag naman sana niyang kunin ang anak ko sa akin. Ikamamatay ko iyon.