Nagising ako sa tawag ni Nanay Thelma. Naninibago ako dahil ang mga tao dito sa isla ay maagang nagigising. Ginising ko si Theros dahil sasama siya sa Maynila ngayon araw. Hindi naman ako kinakabahan dahil magbabalat anyo siya para hindi siya makikala. Siguro naman hindi nila maiisip na maging tindiro ng isda ang asawa ko. "Hija, gisingin mo na ang asawa mo dahil maaga sila aalis," saad ni Nanay Thelma mula sa labas ng pinto namin. "Sige, nanay susunod na kami." "Darling, gising na. Aalis daw kayo ng maaga." "Antok pa ako. Pinagod mo kasi ako kagabi." Hinampas ko siya sa braso dahil siya naman itong ayaw tantanan ang katawan ko. Niyakap ko ito at binulungan. "Sige ka, wala kang halik mamaya." "Halik lang?" "Kahit halik wala. Kaya bumangon ka na diyan" "Hayaan na mo na sila, quick

