Makalipas ang halos walong buwan naging maayos ang pamumuhay namin ni Theros. Pero nauubos na ang aming pera. Hindi ko na magamit ang ibang card ko, ganun din ang kay Theros. "Hija, ang aga mo naman gumising," tanong ni Nanay Berta sa akin. Hindi na ako makatulog simula ng umalis si Theros. Lately, nang malaman namin na malaki ang bata at may problema ang pagbubuntis ko. Lagi na ito sa Maynila at sa tuwing uuwi ng bahay gabi na at matutulog nalang. "Okay lang po ako nay. Gusto ko narin maglakad-lakad para humupa na ang pamamaga ng paa ko." "Samahan na kita." Habang naglalakad kami na-ikuwento ko kay Nanay Thelma ang mga kutob ko at hindi maalis-alis na mga pagdududa ko sa kanya. Tahimik lang si Nanay ngunit kita ko sa kanyang mga mata na may itinatago ito sa akin. "Hija, hayaan mo na s

