Chapter 5

1415 Words
Halos isang oras na akong gising ngunit tinatamad 'akong bumangon buhat sa aking kama. Weekend ngayon kaya mas gusto ko pang magkulong sa unit ko kaysa gumala. Halos bihira nalang kami magkasama ng aking bestfriend dahil busy 'to sa kanyang nobyo. Nagtalukbong ako ulit ng kumot ngunit biglang kung naalala ang mayabang ko na kapit bahay. "Oh my God! Umuwi kaya s'ya?" Tanong ko sa aking sarili habang nakatingala sa kisame ng silid ko. Kahit mabigat ang katawan ko gawa ng trabaho ko, pinilit ko parin tiningnan si Mr. Mayabang Bigla akong nakaramdam ng paghinayang nang makita ko na wala na siya sa sofa. Isang sticky note nalang ang nakita ko na nakadikit sa mesa. Nilapitan ko 'to at binasa. Napakunot ang aking noo habang sinusundan ko ang mga arrow. Pagdating ko sa aking mesa nakita ko na may tinatakpan na pagkain. Isang sunny side up, Garlic bread at isang basong choco milk na nakalagay sa oven toaster. Napangiti ako habang inaamoy at nilalasap ang pagkain. "Marunong pala magluto ang mayabang na 'yon." Agad ko ininum ang choco milk dahil mukhang mainit panaman 'to. Masaya akong bumalik sa silid ko. Naligo muna ako pagkatapos nagsuot ng maong na kupas at maluwag na t-shirt. Sa tuwing wala akong trabaho mas gusto kung magsuot ng damit kung saan comfortable ako. Naglagay din ako ng kunting lipstick at kilay. Simple lang ang beauty ko ngunit kahit sino mapapalingon sa akin tuwing dumadaan ako. Pagbukas ko nang pinto bigla akong napatingin sa pintuan ni Mr. Mayabang. "Ang labo talaga ng gago!" Mahinang bulong ko sa aking sarili at dumiretso na sa baba. "Good morning Atty. Jera!" Nakangiting saad ng guard sa akin. "Manong, tawagin mo nalang ako Je o Jera basta huwag lang atty., masyadong kasing pormal," nakangiting saad ko sa kanya. "Sige, po ma'am." Tinawagan ko ang aking bestfriend ngunit busy 'to. Nakatira na kasi ang bestfriend ko at ang kanyang nobyo sa isang bubong. Habang nasa grocery ako nang biglang nagsalita sa aking gilid kaya napalingon ako. Ang kaibigan at kasosyo pala ni Mommy. "Hija, nice meeting you again," abot tainga 'tong nakangiti sa akin. Agad ako humalik sa pisngi ng matanda. "Tito, nice meeting you too! M-mag- isa lang po kayo? Tanong ko sa kanya habang iniikot ang aking paningin. "No, kasama ko ang anak at ang inaanak ng matalik kung kaibigan." "Anak!" Lumingon naman ako para tingnan kung sinong sa tatlong anak niya ang kasama. "Who is she?" Tanong ng isang babae na ubod ng sexy pero sobrang ganda. Biglang akong nanliit sa aking sarili ng makita ko ang babaeng kaharap ko. Sobrang perfect ng katawan at mukha nito. "Ahh, s'ya si Atty. Batoy. Anak ng kasosyo ko." Pakilala sa akin ng ama ni Mr. Mayabang. Maingat ko na inilahad ang kamay ko kay Maureen ngunit napahiya ako dahil bigla itong pumuplupot sa binata. "Okay, got it. Honey, puwede samahan mo ako doon! Gusto ko kasi bumili ng damit pero gusto ko ikaw pumili para sa akin." Maarteng saad nito. Habang pinagmamasdan ko silang dalawa gustong kung agawin ang posisyon ni Maureen. Nakaramdam ako ng inggit. "Ahhh! Tito, mauuna na po ako. Bumili lang naman ako ng mga pagkain." "No, hija! You will join us. Sumabay kana sa amin kumain." "B-but tito----!" Hindi na ako pinatapos magsalita ni Tito Thyrex dahil talagang pinilit na niya ako para sumabay sa kanila. Pagdating sa loob ng restaurant umupo ako sa tabi ni Tito habang kaharap naman ang dalawa. Napalunok ano ng laway nang biglang umupo sa kandungan ni Mayabang si Maureen. "Atty. Batoy, right? May discount ba ako kung sakali ikaw ang kunin ko na atty. para ipagtanggol ako kung sakali lokohin ako ng honey ko." Biglang napatingin ang dalaga sa binata ngunit busy 'to sa pag-o-order. "Actually, isa akong public atty. Mas gusto ko kasi tumulong sa mga mahihirap, lalo na sa mga battered wife's and children's. Masarap kasi sa feeling na sa bawat kasong maipanalo ko ay may mga ngiti at pag-asang sumisilay sa mga labi nila." "So, maliit lang ang sahod mo?" Diretsahang tanong nito sa akin. "Not so, tama lang at saka may ibang business naman ako aside sa work ko." "Wow, so nice. Honey, puwede ba after nito gumala tayo.", "Maureen, please stop calling me honey," saway nito sa dalaga. "Hija, tama si Theros. He will getting married soon." Bigla akong napatingin kay Theros ng sabihin ni Tito na magpapakasal na 'to. Ikakasal na siya pero, b-bakit nagpapakita pa siya ng motibo sa akin. Nawalan ako bigla ng gana ngunit hindi ko ito pinahalata. Pagkatapos namin kumain agad naman akong nagpaalam kay Tito Thyrex. "Pasensiya na po, mukhang nakakadistorbo na ako sa 'nyo. Mauna na po ako." Paalam ko sa kanila. "Anak, ihatid muna si Atty. Jera. Iwan mo na sa akin si Maureen." Hindi ko maintindihan pero mukhang nasiyahan ako sa sinabi ni Tito Thyrex lalo na nang kindatan niya ako. "Tito, gusto ko pa makasama si Theros. Kaya nga ako po umuwi dito dahil I missed him so much." Bigla ako na-guilty nang marinig ang sinabi ni Maureen. "Let's go!" Inilahad ni Theros ang kanyang kamay sa akin. Hindi ko alam kung aabutin ko ba 'to o hindi. "P-paano si Maureen?" Nauutal kung tanong. Masama na kasi ang tingin nito sa akin na alam kung galit na ito. "Si Daddy na ang bahala sa kanya." Hindi ko mapigilan ang sarili na kiligin nang biglang hinawakan ni Theros ang kanang kamay ko. "T-teka lang. Mauna kana sa sasakyan dahil may nakalimutan akong bilhin." "Hindi pwede. Libre na kita total nakikain naman ako sa'yo kagabe." "Ahhh. Maliit na bagay," nahihiyang sagot ko. Kumuha ng isang shopping cart si Theros habang ang isang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa kamay ko. "Teka lang, isang sakong bigas lang bibilhin ko dahil mag-isa lang naman ako sa unit ko." "Before pero ngayon dalawa na tayo!" Matapang na saad nito. "Hey, magkaliwanagan nga tayo! Ano ba ang pakay mo sa akin?" Lumapit siya sa akin kaya napakapit ako sa shopping cart. "Gusto mo talaga malaman? Gusto lang naman kitang angkinin ng buong-buo." Bigla akong natulala mabuti at nakabawi ako agad sa kanya. "Kahit kailangan ang yabang mo. Unang kita mo pa lang sa akin, gusto mo na ako agad. H-hello, huwag ako," tinanggal ko ang kamay niya at nagkunwaring ealang nangyari. Naiinis ako dahil ang lakas nito mang-asar. "P-puwede ba huwag mo ako titigan ng ganyan!" saway ko sa kanya. Halos matunaw na ako sa kanyang mga titig. Pagkatapos naming mamili agad ko siyang niyaya umuwi. Siya na ang nagmaneho ng sasakyan ko. Pagdating sa unit namin tinulungan niya ako buhatin lahat ng pinamilu namin pero nagtaka ako dahil hindi umuwi sa unit kundi sumunod din ito sa akin sa loob ng unit ko. "B-bakit ka nandito? Ayon ang pinto mo!" "D-dito muna ako sa unit mo? Promise wala akong gagawin sa'yo." "Huwag kang magkakamali dahil marami ang hahabol sa'yo kung sakali may gawin ka sa akin." Napapangiti ako habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin. Sinuot ko ang damit na binigay sa akin ng bestfriend ko. Medyo fit ito sa akin. Kahit hindi ako sanay pero gusto maging maganda sa paningin niya. Agad lumabas ng silid ng makatapos ako magbihis. "May pupuntahan kaba today?" "Wala. May hiring ako sa susunod na buwan kaya kailangan kung pag-aralan ang kaso ng clients ko." "Puwede ba dito lang ako muna. Bored kasi sa bahay." Napataas ang kilay ko ngunit sa loob-loob ko sobrang kinikilig ako sa mga sinabi niya. Hinayaan ko siyang kalkalin ang mga luma kung larawan habang ako ay abala sa pagbabasa ng kaso ko. Ngunit bigla akong kinilabutan nang mahuli ko 'tong nakatitig sa akin ng malagkit. "Hoy, Theros huwag kang ganyan! M-may dumi ba sa mukha ko?" Tumawa 'to sa akin sabay kurot sa pisngi ko. "I told you wala akong gagawin sa'yo. Nagagandahan lang ako sa'yo. Tulungan na kita. May binili ako kanina na french fries at sandwich bread, iyon nalang ang meyenda natin.." Halos hindi ko mahiwa ng maayos ang mga gulay dahil naiilang ako da kanya lalo pa nang naghubad 'to ng pantaas na damit at sinuot ang aking pink na apron. Palihim ko siyang tinitigan habang suot-suot ang apron ko. "Ang gwapo ko no?" saad niya nang mahuli akong nakatingin sa kanya. Bigla tuloy namula ang pisngi ko. "Huwag assuming. Nakatitig ako sa pink na apron mo, hindi sa mukha mo." "B-bakit mo pinatay ang cellphone mo?" "Para walang distorbo sa atin!" Masaya kaming nanood ng movie habang nagmemeryenda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD